"Marco!" sigaw ni Madison ng makita ang kaibigan nito sa isang mall. Nasa isang restaurant sila ni Sebastian habang kumakain. Kumaway ito sa kanya, at sinenyasan niya itong lumapit. "Wow! Nakakainggit naman kayo! The love birds are now back! hihih.." Todo ang ngiti nito pagkakita sa dalawa. "Basty, pare usapang lalake lang hah! Sana huwag mo nang paiyakin itong kaibigan ko! Dahil kapag nagkataon hindi mo na talaga siya makikita pa kahit na kailan. Ako na mismo ang maglalayo sa kanya mula sayo!" seryoso nitong sabi, alam ni Madison kung kailan seryoso ang kaibigan. Lumalabas ang pagiging lalake nito pagdating sa kanya. Ayaw na ayaw niyang makitang nasasaktan siya. Lahat gagawin niya para sa kanila ni Alyana. "Huwag kang mag-alala pare, hindi ko na yun gagawin pa! Mahal na mahal ko

