KABANATA 10

1954 Words
"Rise and shine, sweetie," masuyong bulong ko sa naiidlip pang dalaga. Pasado alas onse na ng tanghali at hindi pa ito kumakain. Well, katulad ng naipangako niya kagabi, bumawi pa siya pag dating ng alas singko ng umaga at sinulit ng husto. Nakatulog muli si Jaezelle pagkatapos maligo at kumain lang ng tinapay bago muling niyakap ang unan at natulog. Hindi niya mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan ang unti unting pagdilat nito. Nabighani siya habang pinagmamasdan ang malalantik nitong pilik mata na dahan dahang umaangat para dumilat. Masuyo at matiim niyang tinitigan ang namumungay pa sa antok nitong mga mata. "Hello, sweetie," muling bati niya rito at kinintalan ng halik ang tungki ng ilong nito. Dahan dahang ngumiti ito sa kanya at pakiramdam niya'y sasabog ang dibdib niya sa lakas at bilis ng t***k ng puso niya habang nag uumapaw sa saya ng mga sandaling iyon. Pakiwari niya'y buung buo ang pagkatao niya habang nasa piling ng dalaga. Lalo tuloy lumalalim ang nadaramang pag ibig para dito. "Still tired?" masuyong tanong pa niya at hinawi ang buhok nitong nakatabing sa mukha at iniipit sa tainga nito. Hinaplos niya ang pisngi nito. Marahang umiling ito, saka dahan dahang nag inat at tinatamad pang naupo. Inalalayan niya itong makaupo. Pagkaupo nito'y hindi niya napigilan ang sariling yakapin ito, buhatin at iupo sa kandungan niya. "Hey," natatawang turan nito ng buhatin niya ito para iupo sa kandungan niya. Niyakap niya ito at isinubsob ang mukha sa leeg nito at sinamyo ang amoy nito. Ilang saglit siyang nanatili sa ganuong posisyon, ninanamnam ang kapanatagan ng loob na nararamdaman ng mga sandaling iyon. Gumalaw siya at ipinagdikit naman ang kanilang mga noo at matiim na tinitigan ang dalagang nakaganda at puno ng kainosentehan ang mukha. Hindi siya magsasawang tumitig dito. "Thank you so much, Zae. You really mean so much to me. I love you," masuyo at puno ng sinseridad na wika niya sa dalaga. Pinagmasdan niya ang ekspresyon nito. Napalunok ito. Bahagyang nanginig ang baba nito at kinagat ang labi, kasabay ng pamamasa ng mga mata nito habang nakatitig sa kanya. Lumambot ang puso niya sa nakitang reaksiyon nito. Tunay at tapat, walang bahid ng pagpapanggap o kung anupaman. "T-Thank you. I love you, too, Aidan," medyo gumaralgal ang tinig nito ng tugunin siya. Kinabig niya ang ulo nito at idinikit sa balikat niya. Hinaplos haplos niya ang ulo nito habang inaalo ito. Hinalikan niya rin ang ulo nito. Naantig ang puso niya habang marahan itong humihikbi sa dibdib niya. Hinigpitan pa niya ang yakap dito. "Ssshh. Don't cry, my sweetie," alo niya dito. Nang kumalma ito ay pabiro siya nitong hinampas sa dibdib na ikinatawa niya lang. Ang cute nito kahit pa umiiyak. Pinunasan niya ang luhang naglandas sa mata at pisngi nito saka mabilis na dumukwang para halikan sa labi. Pero mabilis naman nitong ipinilig ang ulo sabay takip ng bibig. Umiling pa ito at itinukod ang kamay sa dibdib. "It's not even bad, okay?" natatawang wika niya rito. "No!" umiiling na wika nito. Namula na rin ang pisngi nito. Napatawa siya at ipinilit pang mahalikan ito sa labi. Ayaw na ayaw niyong mahalikan na bagong gising ito at hindi pa nakakapagtoothbrush. Nahihiya daw ito at bad breathe pa daw. Na hindi naman totoo dahil kahit tulog pa ito ay talagang hinahalikan na niya ito. Natawa na lang siya sa pagpupumiglas nito na tila ba dito nakasalalay ang buhay nito. Itinigil na lang niya ang pangungulit at baka mapikon pa ito kaya binuhat na lang niya ito at tumayo ng kama. Mahinang napatili ito sa gulat at pinaghahampas tuloy siya. Hindi niya napigilang mapahalakhak ng makita ang reaksyon nito. Napakamagugulatin nito. "Let's have our lunch," natatwang alo niya rito at naglakad palabas ng kwarto papuntang dinning room. "Wait. Restroom first, please," pigil nito na ipinagpapalag pa ang mga paa. Nagbago siya ng direksyon. Tinungo niya ang restroom na nasa left side ng kwarto at ibinaba ito sa tapat. "Allow me," namimilyong suheto niya. "No!" agad na tugon nito at itinukod pa ang mga palad nito sa dibdib niya para pigilan siya. Natawa siya pero pinabayaan na lang muna ang dalaga hanggang makapasok ito. Naghintay lang siya sa labas ng pinto. Ilang saglit ng muli itong lumabas. Nakapaghilamos na at nakapag toothbrush na rin. "Ang lamig ng tubig," nangingilabot na wika nito na halo pang panginginig. "Let me warm you," wika niya, inilahad ang mga braso saka niyakap ang dalaga na tinanggap nito. Muli niya itong binuhat. "Let's have our lunch," wika pa niya saka lumabas ng kwarto upang magtungo na sa dinning room. "Wait. 'Asan tayo?" takang tanong nito habang inililibot ang tingin sa buong unit. "In your condo, sweet," nakangiting sagot niya saka maingat na inilapag ito sa upuan. Sa harap nila ay dinning table at may mga nakahain ng pagkain na siya mismo ang nagluto. Chicken afritada, vegetable salad, buttered shrimp, rice at orange juice. "Condo ko?" takang tanong nito. Kunut noong inilibot nito ang tingin sa kabuuang abot ng tanaw nito habang nakaupo sa hapag kainan. "Aidan, wala akong binibiling condo," bakas sa mukha nito ang pag aalala. "Calm down," natatawang sagot niya. "I bought it for you. My gift for you," nakangiting wika niya saka kinindatan ito. "No way," hindi makapaniwalang turan nito. "Yes it is, sweetie," patotoo pa niya para maniwala ito. Nagulat siya ng bigla itong tumayo. Naglakad ito palabas ng dinning room at nagtungo sa living room. Sinundan niya ito at nakangiting napasandal na lang siya sa doorframe habang pinagmamasdan ito. Nakayapak lang ito, suot ang white t-shirt niyang maluwag dito at umabot hanggang kalahati ng hita nito. Wala itong bra at bumabakat ang maliliit nitong n*****s sa damit. V-neckline ang t-shirt kaya bumaba ang isang sleeve sa balikat nito, naka expose ang morena nitong balikat. Napalunok siya sa ayos nito. Nagsisimula na namang gumapang ang init sa buong pagkatao niya, ngunit kailangan niyang pigilan iyon dahil kung hindi ay baka hindi na sila makalabas pa ng condong ito. Napabuntung hininga siya habang kinakalma ang sarili. Manghang nilibot nito ang unit. Isang two floor unit sa 38th floor sa isang exclusive condominium building dito sa Ayala. Overlooking view ng siyudad sa paligid. Kompleto na rin sa gamit at dekorasyon na siya mismo ang pumili. Lahat ay magaganda at mamahalin. Pati personal na gamit nilang dalawa ay meron na rin. Pagdating sa dalaga ay hindi niya kayang magdamot dito at tipidin ito. Mas gusto niyang laging binibigyan ito kahit pa nga madalas ay tinatanggihan nito. But in the end, sumusuko din ito dahil sa pangungulit at pakiusap niya kaya tinatanggap na lang din nito. Natutuwa din siya dahil nagsusumikap din itong maibalik ang pabor sa kanya. Like last time, niregaluhan siya nito ng mamahaling necktie at relo. Halos araw araw niyang suot ang tie dahil sa sobrang saya niya. Pati ang relo ay naging paborito rin niya at laging suot. Napailing siya ng maalala ang mga panunuksong inabot mula sa mga kaibigan ng mapansin iyon at malamang regalo ni Jaezelle ang mga iyon. Dumungaw ang dalaga sa glass wall ng unit. Kitang kita doon ang lugar at manghang pinagmasdan nito ang paligid ng building. Naglakad siya palapit dito at pumulupot ang mga braso niya sa balakang nito at niyakap mula sa likuran ang dalaga. "Like it?" tanong niya habang nakatanaw sa baba, pinagmamasdan ang mga nagtataasang building sa paligid, mga sasakyang naghahabulan sa kalsada, mga taong naglalakad, shops ng kung anu- ano, at iba pa. "No," mahinang tugon nito na ikinakunot noo niya. "I love it," usal nito. Nakangiti itong nakatingin sa ibaba at pinagmamasdan ang nagliliitang mga tao dahil nasa mataas sila. "Nakikita ba tayo dito?" tanong nito. "No. Tinted ang glass. We can see them but they can't see us," sagot niya. Hinawakan niya ang mga kamay nito at inilapat sa glass. "So, let's try it here, sweetie," namimilyong suheto niya, inilapat niya ang dibdib sa likod nito at hinapit ito habang pinaglandas niya ang mga palad niya sa katawan nito pababa, nanunuksong hinaplos niya ang hita nito pataas. Idinaiti din niya ang labi sa leeg nito. Napangiti siya ng maramdaman ang paglunok nito. Ramdam niyang agad na nagninggas sa init ang buong katawan niya habang yakap yakap si Jaezelle. Mas lalo pa siyang nag init ng maramdamang tumugon sa init niya ang katawan ng dalaga. Tumikhim ito at ibinba ang mga kamay na nasa glass. Agad itong lumayo at itinulak siya. Napahalakhak siya ng makita ang pamumula ng pisngi nito. "No, thanks," sagot nito at nagmamadaling naglakad para makalayo sa kanya. Hinabol niya ito at muling hinapit. Impit itong napatili ng makulong na naman ito sa mga bisig niya. "Aidan!" tili nito at nagpumiglas. Napatawa lang siya sa reaksyon nito pero hindi pa rin ito pinakawalan. "Stop it, please," wika pa nito, pero may halong nang tawa ang tinig nito. "Just one, sweetie," kunwa'y hirit niya. "No more. Kawawa na si Shasha, please," nakangiting tukoy nito sa bunso niyang inaalagaan nito. Wala itong kakampi doon at baka kung anu - ano nang pinaggagawa dito ng ate nito. Naalala niya tuloy ang sumbong sa kanya ni Kyle. Natawa siya sa rason nito saka binuhat ito. "Okay, okay. Safe ka ngayon," natatawang pahunod niya rito at mabilis na naglakad pabalik sa dinning room. Kailangan niyang mailayo si Jaezelle sa living room dahil nang aakit ang malambot na sofa doon. Maingat niya ulit itong ibinaba sa upuan nito at nilagyan na ng pagkain ang plato nito bago ang kanya. "Aidan, parang sobra naman itong condo," wika nito sa pagitan ng pagsubo. Tumingin siya dito at lihim na napangiti. Nagsisimula na naman itong tanggihan ang ibinibigay niya para dito. "No, it's not. Anything for you, my sweet," tugon niya. "P-Paano kung malaman ni M-Ma'am Krystel," mahinang bulong nito. Natigilan siya sa binanggit nitong pangalan. Napatiim bagang siya ng maalala na naman ang asawang ilang linggo nang hindi pa umuuwi matapos makahingi sa kanya ng pera. Napabuntung hininga siya kinalma ang nagpupuyos na damdamin para sa asawa. Binitawan niya ang kubyertos at hinawakan niya ang palad nito. Marahang pinisil bilang pagbibigay assurance dito. " No. She won't, I promise," paninigurado niya rito. Binili niya ang condo using his own extra money. Hindi na iyon mapapansin ni Krystel dahil expendables niya iyon at isa pa, siya ang namamahala ng pera nila, not Krystel, dahil pera iyon ng angkan niya at walang tiwala ang mga ito na ipamahala kay Krystel. At balewala rin iyon kay Krystel as long as binibigyan niya ito sa bawat paghingi nito. Ipinilig niya ang ulo upang iwaglit ang asawa sa isipan. Ayaw niyang masira ang araw nila ni Jaezelle, lalo't problema lang ang laging dulot sa kanya ng asawa. "Trust me, okay?" alo pa niya rito. Marahan itong bumuntung hininga saka pilit na tumango na din. "Eat up," wika niya saka sinubuan ito. Natatawang tinanggap nito ang isinusubo niya. May kumalat na sauce ng afritada sa gilid ng labi nito, gamit ang thumb finger niya ay kinuhit niya iyon at isinubo. Kinindatan niya ito ng pamulahan ito ng pisngi. Ipinagpatuloy nila ang maganang pagkain nila. Ipinagbalat niya ito ng hipon. Nakangiti siya habang pinagmamasdan ang maganang pagkain nito. Poise pa rin itong kumain kahit papaano at nakakatuwa lalong pagmasdan. Kaya maging siya ay nahahawa sa kaganahan nito. Nagkukuwentuhan din sila habang kumakain, minsan napapatawa sa mga kinukwento nitong kalokohan. Napansin niyang sa tuwing mag uungkat siya ng tungkol sa pamilya nito, lalo na about sa nanay nito ay natitigilan ito, nag iiba ang mood at sa huli'y iniiba ang topic. Kaya hindi na niya inungkat pa iyon at iniwasang mapunta doon ang topic. Masayang natapos nila ang pagkain at siya na rin ang naghugas at hinayaan na niya itong mag asikaso ng sarili para maihatid na niya ito sa mansion.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD