Pilit itinuwid ni Jaezelle ang lakad habang binabagtas ang lobby palabas sa condominium building ni Rhianne. Pasado alas onse na sila natapos ng kaibigan at ngayon nga ay iniwan niya itong nahihimbing na ang tulog sa kwarto nito. Nakalimutan rin niya ang plano nila ni Aidan kaya ng tumawag ito ay nagpapanic siyang mahimasmasan ang sarili sa kalasingan.
Napasapo siya sa noo, ifinocus ang attention sa dinaraanan, para lamang matigil ang tila nakakaliyong galaw ng paligid sa paningin.
Para siyang nakakita ng liwanag sa tunnel ng masilayan na niya ang glass door palabas ng building at nagmamadaling nilapitan iyon para makalabas na. Muntikan pa siyang matumba ng gumewang ang lakad niya. Paglabas niya ng glass door ay natanaw niya si Aidan na nakasandal sa pinto ng kotse nitong nakapark sa gilid ng gusali. Nakapamulsa ito at nang makita siya ay mabibilis ang mga hakbang na nilapitan siya nito at mabilis na hinawakan sa magkabilang baywang ng mapansing gumegewang ang lakad niya.
"Are you drunk?" hindi makapaniwalang tanong nito, napaigtad siya ng dumiin ang mga hawak nito sa baywang niya.
Nakakakiliting kuryente ang dumaloy sa buong pagkatao niya habang nakalapat ang palad nito sa balat niya. Nakapagtatakang sa kalasingan niya ay ramdam na ramdam niya ang init ng palad nito kahit pa may damit na nakapagitan sa kanila. Pakiramdam rin niya'y nanginginig siya sa lamig habang nakatitig siya sa nakakunot noo at matitiim nitong titig sa kanya. At dahil sa kalasingan ay wala na rin sa tamang huwisyo ang kanyang pag iisip. Hindi niya napigilang mapahagikhik at ipinulupot pa ang mga braso sa leeg nito at isiniksik ang sarili sa mainit nitong katawan. Napaatras ito para balansehin ang sarili dahil halos iaasa na niya rito ang bigat niya.
"No, I am not, my Bae," sagot niya habang nakangiti at nakatingala sa guwapong mukha nitong nakatunghay naman sa kanya. Dahil sa pwersa ng alak sa sistema niya ay hindi na niya nagawa pang salain ang lahat ng sinasabi, maging ang ginagawa kaya pati ang bugso ng damdamin ay hindi na rin niya napigilan. "Ang guwapo-guwapo mo," masuyong bulong niya. Lumamlam ang mukha nito at gumalaw ang adam's apple nito sa sinabi niya. Tumingkayad siya at dinampian ng magaang halik ang labi nito.
Humigpit ang yakap nito sa balakang niya, lalo pa siya nitong hinapit sa katawan nito. Sinalubong nito ng matitiim na titig ang kanyang mga mata. Sumikdo ang dibdib niya at dumagundong ang t***k ng puso niya. Pakiwari niya ng mga oras na iyon ay iisa lang ang sigaw ng kanilang mga puso at isipan.
"I love you, Zae," bulong nito saka dinampian ng mainit na halik ang kanyang labi.
Napalunok siya. Parang sumilip bigla sa diwa niya ang nawawalang katinuan niya ng mga sandaling iyon at pinigilan ang damdamin niyang muntik na niyang ihayag sa lalaki. Hanggang dito lang sila at kung maaari ay huwag na niyang ilubog pa ang sarili sa mas malalim dahil alam niyang siya lang din naman ang mahihirapan at masasaktan sa huli. Ipinikit na lang niya ang mga mata at ninamnam ang mainit nitong labi na nakadampi sa kanya.
"Let's go, sweetie," aya nito.
Impit siyang napatili ng walang sabi sabing binuhat siya nito. Napahigpit ang yakap niya sa leeg nito at pakiramdam niya ay babaliktad ang sikmura niya ng biglang umikot ang paningin niya. Hinampas niya ito sa balikat na ikinatawa lang nito.
Sumandal siya sa dibdib nito at kontentong ipinikit ang mga mata habang mabilis na naglakad patungo sa sasakyan nito.
"Hey, don't sleep, sweetie," wika nito ng makitang nakapikit na siya.
"Hmmm," sagot niya.
"Hey," at binilisan pa nito ang lakad, binuksan ang pinto ng sasakyan at maingat na iniupo siya sa passenger's seat. Isinara ang pinto at patakbong umikot papunta sa driver's seat, isinara ang pinto saka pinaandar ang makina ng sasakyan.
Humarap ito sa kanya at sinapo ang magkabilang pisngi niya at pinisil pisil. "Don't sleep yet," pangungulit nito at inaalog alog ang pisngi niya.
Nalukot ang noo niya. Hindi niya nagugustuhan ang ginagawa nito sa pisngi niya dahil lalo siyang nahihilo at bumabaliktad pa ang sikmura niya. Tinampal niya ang braso nito, at pilit ikinakawala sa mga palad nito ang pisngi niya.
"I'm not sleeping," wika niya dito.
"Open your eyes then," utos nito.
Pinilit niyang idinilat ang isang mata, at tiningnan ng masama ang lalaki.
"Both," madiing utos pa nito.
Nagmaktol na siya, nahihilo na siya at mas lalo lang siyang nahihilo sa pinaggagawa nito sa kanya.
"Zae."
Natigilan siya. Kahit lasing siya hindi niya maipagkakamali kapag ganuon na ang tono nito. Seryoso na ito.
Pinilit niyang idilat pa ang isang mata at sinalubong ang matiim nitong titig. Nahigit niya ang paghinga ng siilin siya nito ng halik. Sinapo nito ang likod ng ulo niya at ipinilig, at mas pinalalim pa nito ang halik.
Pakiramdam niya'y agad siyang tinakasan ng antok at ginising ang diwa niya ng rumagasa sa buong katawan niya ang mainit na pagnanasang binuhay ni Aidan sa pagkatao niya. Habol hininga siya ng pakawalan nito ang labi niya. Dumako sa balakang niya ang braso nito at ang isa ay sa may puwetan niya. Napalunok siya ng muli na naman niyang maramdaman ang kaiga igayang kiliti na dulot ng bawat haplos nito.
"Aidan!" napakapit siya dito ng bigla na lang siya nitong buhatin at ipangko sa kandungan nito.
"Don't you dare sleep on me, lady," namamaos na banta nito sa kanya saka muling hinuli ang labi niya at siniil ng halik.
Napapikit na lang siya sa mainit na reaksyon nito at tinanggap ang mapusok na halik nito. Hinila ni Aidan sa magkabilang gilid nito ang tuhod niya. Napasinghap siya ng maupuan niya ang namumukol nitong harapan. Pinamulahan siya ng pisngi, at nagkukumahog na itinaas ang sarili sa kandungan nito.
"Oh no, my sweetie," tutol ni Aidan. Hinawakan nito ang baywang niya at idiniin nito ang katawan niya sa kandungan nito kung saan namumukol ang alaga nito.
"A-Aidan!" natatarantang wika niya. Binalot ng init ang buong pagkatao niya sa nagbabadyang mangyari. Hinuli nitong muli ang labi niya at muli siyang hinalikan na agad naman niyang tinugon.
Malalim at puno ng pagkasabik ang bawat hagod ng labi ni Aidan sa labi niya. Ginagalugad at ninanamnam ang bawat sulok ng kanyang bibig na buong puso namang tinugon at ginaya niya. Naglalakbay din ang mga palad nito sa katawan niya na nagdudulot ng kaiga igayang pakiramdam at lalo pang pinag iinit ang pakiramdam niya.
Kapwa habol hininga sila ng maghiwalay ang labi nila. Naglandas ang labi nito sa leeg niya, sa balikat at napaungol siya ng maramdaman niya ang mainit nitong bibig sa dibdib niya. Napayuko siya upang tingnan ito, ang bilis nitong natanggal ang damit niya ng hindi man lang niya namalayan. Nagtaka siya ng makita ang manipis na straps ng suot na nakababa na sa braso niya at nakalantad na ang malulusog na dibdib niya na ngayon ay pinagpapala na ng mainit na bibig nito at palad. T- shirt ang suot niya kaya bakit may straps. Lumipad ang mga agam agam niya ng kulungin ng mainit na palad nito ang isang dibdib niya at sa bibig naman ang isang n****e niya.
Napayakap siya sa leeg nito ng buhayin ng nakakakiliting kuryente ang buong pagkatao niya at hindi maiwasang mapaliyad. Sinipsip nitong parang batang uhaw sa gatas ng ina ang n****e niya habang ang isa naman ay marahang nilalamas at nilalapirot ng isang kamay nito. Salitan pa nitong ginawa iyon sa dalawang dibdib niya.
Gumapang ang isang kamay nito sa harapan ng pantalon niya at binuksan ang butones at zipper at walang pag aatubiling ipinasok nito ang palad sa loob ng panties niya.
"W-Wait, Aidan," pigil niya rito pero hindi siya nito pinakinggan at pinagpatuloy ang ginagawa.
"Ahh," napadaing siya ng matagpuan ng daliri nito ang kanyang p********e at nilaro ang tinggil niya. Basa na rin siya sa libog ng mga sandaling iyon. Magaan ang daliri nitong nilaro ang kanyang pagkakabae, tinutukso at kinikiliti. Pilit pa niyang ibinuka ang mga tuhod para malaro nito ng maayos ang kanyang p********e.
Mahigpit niyang nayakap ang leeg nito ng ragasain ng nakakapangilabot na init at kiliti ang buong pagkatao niya at sumubsob sa dibdib niyang sinususo nito ang mukha nito. Lalo pang nag init ang kanyang katawan at pagnanasa. Nawala na rin ang anumang inhibisyon niya sa tuwing magtatalik sila dahil sa alak na nasa sistema niya ng mga oras na iyon.
Napapasinghap siya sa tuwing ililipat ni Aidan sa kabilang n****e niya ang bibig. Ipinasok nito ang dalawang daliri sa loob niya at malikot na ginalugad nito ang loob ng p********e niya.
"A-Aidan," daing niya sa pangalan nito, nagsimula na ring kumulo ang puson niya sa masarap na init na dulot nito.
Pinakawalan nito ang dibdib niya, naglandas ang labi nito sa leeg niya pataas.
"Go on, sweetie," namamaos na bulong nito at muli siyang siniil ng halik sa labi.
Nanginig ang katawan niya ng lalo pang pag igihin nito ang pagpapala sa p********e. Lalong nag alab ang kanyang nararamdaman at pakiwari niya ay anumang oras ay sasabog na ang init sa puson niya.
Nakulong sa lalamunan ni Aidan ang mga ungol at daing niya ng tuluyan na niyang mailabas ang init sa katawan niya. Mahigpit na iniyakap ni Aidan ang isang braso nito sa katawan niya habang ang isa ay nanatiling abala sa pagitan ng hita niya.
Nanginginig at habol ang paghinga ng pakawalan ni Aidan ang mga labi niya. Isinubsob niya ang mukha sa balikat nito at niyakap ang leeg nito. Gusto sana niyang itiklop ang mga tuhod upang pahupain ang kiliting nararamdaman sa pagitan ng hita niya pero nakakandong pa siya kay Aidan at nanghihina ang mga tuhod para kumilos pa.
"Don't sleep on me, okay?" masuyong bulong ni Aidan, hinahaplos nito ang likod niya at kinikintalan ng mumunting halik ang mukha niya.
Napakagat labi siya, nawala na ang antok niya at napalitan iyon ng pagnanasa. At kahit kakalabas lang ng init sa katawan niya ay hindi pa rin siya kuntento. Mas malalim at mas mapusok pa ang kailangan niya ng mga oras na iyon.
"I'm not. Please take me," paos at medyo hingal na sumamo niya dito, hinarap pa niya ito at pinupog ng halik ang mukha nito. Marahan itong napahalakhak sa ginawa niya.
"Alright, let's settle first. We can't do it properly here," nagniningning na tugon nito.
Napasimangot siya pero inilayo rin niya ang katawan dito. Pinamulahan siya ng pisngi ng matanto ang ayos niya. Nahubad na sa katawan niya ang suot niyang manipis na pantulog at napunta na sa may tiyan niya. Nakalantad ang malulusog niyang dibdib. Nakabukas pa ang harapan ng pantalon niya at nasa loob pa ang kamay ni Aidan.
Inilabas na nito ang kamay sa panties niya. Basang basa iyon at walang pagdadalawang isip na isinubo ang daliring balot ng katas niya. Napakagat labi siya habang pinanunood ang pagsimot nito sa katas niya. Nakatitig pa sila sa isa't isa habang ninanamnam ni Aidan ang mga daliring may katas niya.
"You taste so good, sweetie, sweet as you are," puri nito sa pagitan ng pagsimot.
Kinilig siya sa sinabi nito at tila naging excited pa ang little girl niya. Napalunok siya ng matapos nito ang pagsimot. Gustung gusto pa niyang ipagpatuloy pa ang ginagawa nila pero ang gusto naman nito ay pumuwesto sila ng maayos. Kaya pinigilan niya ang sariling magpilit at napatikhim na lang para kalmahin ang naglalagablab na damdamin.
Ipinulupot nito ang mga braso sa balakang niya at hinapit saka kinintalan ng halik ang labi niya. Pinamulahan siya ng pisngi ng bahagyang matikman ang sariling katas.
"That's a good blouse," tukoy nito sa suot niyang damit. Nakalimutan na niya kanina ang usapan nila Aidan at matapos ang inuman nila ni Rhianne ay nagpalit na sila ng pantulog. Nakihiram siya ng pantulog kay Rhianne. Sleeveless straps iyon na may ternong shorts at ng tumawag nga si Aidan ay nagmamadaling makalabas siya ng condo para hindi na magising si Rhianne at magsimulang mang ungkat sa hindi pa niya kayang ipaliwanag dito. Nakapagpalit lang pala siya ng pantalon, hinablot ang bag at phone saka nagmamadaling lumabas. Nakalimutan na niyang palitan ang manipis na pantulog. Wala rin siyang bra kaya halos ilantad na nga niya ang mga hinaharap habang bumababa, pero lahat ng iyon ay ngayon lang niya narealize.
"It's so convenient, but I don't like you wearing it outside," matiim at seryosong wika nito.
"S-Sorry, nakalimutan kong palitan sa pagmamadali, eh," nahihiyang paliwanag niya. Hindi naman makapal ang mukha niya na kaya niyang magsuot ng ganuong damit in public. Dala lang ng kalasingan at pagmamadali kaya nawala sa isip niyang suriin ang suot bago lumabas.
"Okay, me mindful next time," masuyong wika nito sa hinalikan siya sa noo. Itinaas nito ang straps ng damit niya at inayos sa katawan niya. V-neckline iyon kaya lumabas ang cleavage niya, at bakat din ang naninigas pa niyang mga n*****s kahit pa hindi naman iyon kalakihan.
Napapalatak ito habang titig na titig sa dibdib niya. Gandang ganda ito sa mga iyon dahil sa perpektong pagkabilog niyon at tayung tayo pa. Malarosas din ang maliliit niyang n*****s. Malaman ang kanyang mga dibdib, at gustung gusto iyon ng mga palad nito, hindi maayadong malaki pero hindi rin maliit. Sinapo nito ang dalawang dibdib niya at marahang nilamas habang nilalapirot ang n*****s niyang bakat na bakat sa sleepwear niya.
Napapikit siya sa masarap na sensasyong dulot ng ginagawa nito sa buong pagkatao niya.
"We really need to go, sweetie," bulong ni Aidan, at itinigil ang paglalaro sa dibdib niya. Napakagat labi siya dahil sa nabiting sarap.
Hinawakan nito ang magkabilang balakang niya at binuhat siya pabalik sa upuan.
"Bilisan mo, Bae," malambing na ungot niya sa lalaki.
Napatawa pa ito saka minaniubra ang manibela.
"Relax and sit tight," sabay kindat nito at pinatakbo na ang sasakyan paalis sa harap ng condo.