Chapter 37 "Ma'am. Good morning po" bati ko sa babaeng head. Nilingon niya ako at nang dumako ang tingin niya sa suot ko ay kumunot ang kaniyang noo. "Dizon. Bakit hindi ka pa nakabihis?" Strikto niyang tanong habang nakapameywang. Hindi kasi ako naka unipormeng ngayon. "Yon na nga po ma'am e. Magpapaalam po muna sana ako na mag-aabsent muna ako ngayon araw. May sakit kasi ang two years old kong anak ngayon at kailangan ko siyang ipa check up" Tinitigan lang ako ng babae ng ilang segundo bago bumuntong hininga at tumango. "Sige sige. Umalis ka na" Maybe it also helped that she is also a mother kaya naiintindihan niya na gano'n lamang ang concern ko. "Talaga po!? Thank you ma'am!" I shrieked and almost hugged her out of joy mabuti na lang ay napigilan ko ang sarili. Akala ko kasi ta

