Chapter 24
Siguro umabot ako ng dalawang oras sa paglilinis pa lang sa baba. At minamadali ko na ngayon ang paglilinis dahil kailangan ko pang kunin si emie sa kay tita annie. Nakakahiya naman kung tatagalan ko.
Pagkatapos kong linisan ang sariling kwarto na kung saan ay tutulugan namin ni emie sa buong stay namin dito, doon pa lang ako tumungo sa kwarto ng ate na katabi lang ng akin.
I inserted my duplicate key and as soon na bumukas ang pintuan ay agad akong nakaramdam ng pangungulila.
The last time i entered here is no'ng kasama ko pa ang ate at tinutulungan ko siyang mag-impake ng mga damit niya. She was almost two months pregnant that time, how time flies so fast, ngayon nandito na si emie, siya naman ang wala...
I sniffed on my mask and get on with cleaning. Mas binilisan ko dahil sa tingin ko kung tatagal pa ako dito ay hindi ko na kakayanin. All her frames are still there. All her post-it notes, ang mga iba niyang damit nandoon pa din sa kaniyang closet.
When finished, doon naman ako sa kwarto ng mommy. At mas bumigat pa ang pakiramdam ko.
I never really had the chance to enter here. Our mom really values privacy. Ngayon pa lang din ako nakapasok dito. And if mommy was here, she would scold and yell for entering her room. But she's not here anymore...
Dumako ang tingin ko sa kama at sa malaking picture frame na nandoon. Bahagyang kumunot ang noo ko.
So she still kept her and our father's wedding portrait huh?
I just shook my head and continue to sweep the floor. I also wiped the dusty cabinets, there was a small one shelf cabinet na nakatapat sa kama, sa gilid ng pintuan ng cr. Nagtungo ako doon para punasan din ang alikabok pero napatigil ako ng makita ang mga picture frame na nakalapag doon.
A small sad smile appeared on my lips nang dumako ang tingin ko sa isang partikular na picture frame.
It was a picture of me.
In a toga. I looked rather younger. I'm guessing it was a high school graduation photo. Katabi no'n ay may isa pang frame na picture ko din, kuha iyon no'ng bata pa ako. Maybe i was around 2-3 years old. I was in her arms and i was standing on her lap, she was looking at me smiling as i was seem to be dancing.
I can see pure adoration and innocent bliss on her eyes. Napangiti na lang din ako ng mapait.
"Tita. Maraming salamat po sa pagbabantay kay emie" sabi ko nang buksan nito ang pintuan at nasa gilid nito ang anak.
The cute baby is now ready to be fetched dahil nakasabit na ang maliit niyang backpack na puno ng laruan at snacks sa kaniyang likod.
I knelt para kunin iyon. I took her then by the hand and pulled her softly to my side.
"Walang anuman ash." Ngiti niya.
"Sorry po at mukhang naabala ka pa namin"
"Hindi! Ano ka ba! Okay lang! Wala kasi ako ngayong sa loob. At least nalibang ako ng batang 'to. Hindi naman siya gaanong makulit, tahimik nga lang na naglalaro sa gilid"
Alam kong malikot si emie. Lahat ng bago sa kaniyang paningin ay pinupuntahan o ginagalaw niya talaga, sinasabi lang ng kaharap na hindi to make me feel at ease. I just smiled at her.
"Bakit po? Nasaan ang asawa ninyo?"
"Ah wala dito. Mamaya pa ang uwi galing trabaho"
Tumango ako.
Pagkatapos magpasalamat ulit ay nagpaalam na din kami dahil papakainin ko pa ng lunch itong batang ito.
After kumain ay pinatulog ko muna siya ng ilang oras. That's her routine. Dahil kapag hindi siya nakakatulog tuwing hapon maaga siyang nakakatulog tuwing gabi, and that results to a hyperactive baby on the other morning. Minsan mas nauuna pa siyang magising sa akin dahil nga maaga siyang nakakatulog tuwing gabi.
It was past four pm when she woke up. Pinakain ko naman siya ng snacks and let her play with her toys as i list all the things that we needed. Napagpasyahan ko kasing magrocery para makakapagluto na ako mamaya. At para malagyan na din ang mga shelves ng stocks. Para hindi na ako panay labas.
Nandito na kami ngayon sa grocery, walang supermarket na mapalit doon sa village namin kaya nagpasya na lang akong pumunta ng mall. Para na din magala ko si emie.
She was excited...to go out. She was sitting on the cart at siya ay panay turo sa mga magugustuhan ng mata niya. The grocery was full of colorful stuffs kaya sobrang libang siya.
I got some meats for me to cook, vegetables and fruits for me to mash and for her to cook, cereals, her daily milk, bread and a lot more.
I groaned ng mapadaan kami sa toy section. Hindi ko nakita na dadaan pala kami doon kaya huli na ng matanto ko, kuminanh na ang mga mata niya kaya hindi ko na hinila paatras ang cart.
Maybe it took us a total of 20 minutes bago siya nakapili ng laruan. Sobrang lapad kasi ng mga mata niya pagdating sa laruan. Lahat na lang ituturo. You know..babies. They would like to weep over a toy and the next day ay hahayaan lang din naman sa gilid at hindi papansinin.
But of course, hindi ko magawang hindi siya bilhan. Baka mag-iiyak pa dito at mumultuhin pa ako ng ate dahil hindi ko binilhan at nagkukuripot diba? On second thought, Ma try nga minsan.
I was about to head on the pasta section. Medyo may kabigatan na din kasi ang cart namin kaya nahirapan ako sa pagliko nang biglang bumangga ito sa isa pang cart sa harap namin, earning a slightly loud crash sound.
Kaagad kong kinarga si emie dahil nagsimula itong pumalahaw ng iyak dahil siguro sa gulat.
I can see some people start to look at us.
"Shh...hush emie. Wala 'yon. Nandito ang mommy" i hushed and tapped her slight on the back at bahagya siyang sinasayaw.
Pero hindi pa din siya tumigil. Minsan lang din kasi siya umiyak kaya kung umiyak man ay matagal.
I start to hum a random disney song which was one of her favorite para lang tumahan siya. And thank God ay unti-unti namang humina ang kaniyang iyak, hanggang sa naging hikbi ito.
And then i remembered the person in front of me, ang nakabanggaan namin ng cart.
"Oh God! I'm so so sorry...hindi ko kasi nakita na—"
"Ash?"
Agad akong napataas ng tingin ng marinig ang pamilyar na boses.
Nanlaki ang mga mata ko ng matanto kung sino ang kaharap. My body stilled and i began to feel frantic.
The person in front of me was not supposed to see me in here! Kahapon ko lang iniisip na sana hindi ko siya makita o makabanggaan habang nandito kami!
But who am i kidding? Manila is a big city yes, but it can be the opposite when your hiding from someone. Bakit hindi ko iyon naisip!
"Ash! Si nissy 'to!" She looked shocked to see me but at the same time, i can feel her bliss.
"Nissy..."
Of course, how can i not recognize her. Sure she may change physically...a big change if you ask me. She is now...how do you say this? More fit than she was the last time i saw her. She was beautiful before but her beauty is more defined now.
"Oh my God!" Tumakbo na siya papunta sa akin. I stilled more when she hugged me. I was still in shock to hug back pero napapikit ako.
It's been so long since i received a hug from someone. Nakalimutan ko na kung anong pakiramdam ng comfort.
She pulled away still smiling widely. Like she was really happy to see me. I felt bad and guilty for not feeling the same. Mas lalo akong natakot.
The reason why I didn't want anyone to know we went home dahil mabilis kumalat ang balita. Nissy could tell our friends. Not that they care that i came back pero who knows right? I wasn't oblivious that some of our schoolmates were jealous that i got to date...oliver... back then.
And speaking of oliver, baka dumating din sa kaniya iyon...if he is still here. And now that nissy saw me with a baby...worst case scenario ay aabot iyon kay kuya tom. And we would end up running away from the ends of the earth again.
"Kamusta ka na! Ang tagal kitang hinanap! Namin ni tori! Saan ka ba nagpupunta! Pinuntahan ka namin sa bahay niyo pero sabi ng mga kapitbahay niyo ay wala kayo doon at pinapabenta niyo 'yong bahay!"
"Nissy..."
"Tsaka Maraming nagsasabi na wala na daw kayo ni oliver! Totoo ba 'yon? Wala na ba talaga kayo? Teka! Alam ba niyang nandito ka na? Kailan ka lang umuwi? Alam mo bang hinanap ka niya sa amin?"
"Nissy..."
"Magkwento ka naman! Nakakatampo ka naman e! Bakit ba kasi kayo umalis? Sayang 'yung last sem natin, umaasa pa naman ako na sabay tayong gagraduate tatlo. Alam mo din bang hinahanap ka ng mga prof natin sa'min ni tori? Tsaka—"
"Nissy!!"
Mukhang nagulat naman siya sa pagsigaw ko dahil natigilan siya.
"Ash..."
Hinawakan ko siya sa kamay. I gripped it tightly. "Nissy...pakiusap..."
"Ano 'yon?" Napabulong na din siya.
"Walang pwedeng makakaalam—walang pwedeng makakaalam na nandito kami, na umuwi kami." Ani ko sa nangungusap na boses.
Kumunot ang kaniya noo. "Kami? Teka...nasaan ba ang ate at mo—" Napalingon siya sa cart ko at doon niya pa lang natanto na may kasama ako.
Nanlaki ang kaniyang mga mata na nakatingin kay emie.
"Ash...sinong—" pabalik-balik ang tingin niya sa amin ni emie. "A-ash...kaninong...a-anak mo?"
"Nissy...please. Please. Ipangako mo sa akin" i begged.
Tinitigan niya ako ng ilang minuto bago bumuntong hininga tsaka dahang-dahang tumango. Ang ekspresyon niya at tila gulat pa din at clueless.
But knowing nissy ay hindi na siya nagtanong pa.
"Walang makakaalam" aniya na kinapanatag ng loob ko.
Napabuntong hininga din ako sabay pikit.
"Ikaw? Kamusta ka na?" Tanong ko sa maliit na boses.
Pero ang tingin niya ngayon ay wala sa akin kundi nasa kay emie.
"Kay oliver ba siya?" She almost whispered. Still eyes on emie. Mukhang hindi niya talaga titigilan ng tingin ang anak.
Umiling ako. Binuka niya ang bibig pero walang lumabas na salita galing doon. She just nodded understandingly.
"Anong pangalan niya?"
"Emerald"
"Emerald" pag-uulit niya. "Can i hold her? She looks cute"
Napatawa ako doon. Tumango ako. "Oo naman"
She slightly smiled before stepping forward para buhatin ang anak. Si emie naman ay nakatitig sa akin habang karga-karga siya ni nissy na tila nagtatanong ang inosenteng mga mata kung kilala ko ba ang kumakarga sa kaniya o ano.
"Hi...i'm tita nissy. It is nice meeting you emie" nilaro niya ang kamay ni emie. Mukhang libang na libang siya habang bahagyang sinasayaw ang anak. "I love her. Mukhang may iso spoil na ako nito ah?" Aniya.
Napatawa lang ako.