Chapter 10
Maliit lang ang gap ng pintuan ng kwarto namin ng ate. I was off to school nang mapadaan ako sa maliit na hallway na kung saan matatagpuan ang kwarto namin.
I heard some noises coming out from her room. Kaya kaagad kong tinakbo iyon.
Nandito pa pala siya? Akala ko ba pumasok na siya sa trabaho? She usually goes off early before i can even go to shower myself.
I opened the door and my sister was not on her bed. Instead, the noise can be heard from her bathroom.
"Ate?" Tawag ko.
I knocked a couple of times at doon ko pa lang natanto na ang ingay no'n ay ingay ng pagsusuka.
Is she not feeling well? May sakit ba siya?
"Ate! Okay ka lang?"
Lumuhod ako sa tabi niya dahil bahagyang nakaupo siya sa tapat ng inidoro. Exhaustion was evident on her face. It wasn't a good sign. She's not suppose to tire herself like that.
"Okay ka lang? May sakit ka ba? Saan masakit? Masakit ba dibdib mo? Teka—tatawagin ko lang si mommy"
Aakmang tatayo ako nang hawakan niya ako sa braso at hinila pabalik.
"W-wag na. Okay na ako" she forced a smile.
Nagulat ako nang tumayo siya bigla bago ko pa siya maalayan.
"Ano bang nararamdaman mo? Teka..." i placed the back of my hand on her forehead pero mukhang hindi naman siya mainit.
Bahagya siyang ngumiti tsaka umiling, kasabay no'n ay ang pagbaba niya ng kamay ko na nakahawak sa kaniyang noo. Bago ko pa ma check ang pulso niya.
"Okay lang talaga ako. Wala akong sakit" medyo paos pa ang boses niya. Naglakad na siya palabas ng banyo at sumunod naman ako sakaniya.
"E bakit ka nagsusuka?" Halukipkip ko.
"Siguro dahil sa dinner natin kagabi. Hindi lang ako natunawan kaya medyo sumama 'yong tiyan ko."
Tinaasan ko siya ng kilay. "Sigurado ka? Baka mamaya..."
"Oo nga! Ang kulit" she laughed.
"O sige. Sandali. Kukuhanan lang kita ng gamot sa baba. Diyan ka lang"
"Wag na. Ako na. Bababa na din naman ako." Pigil niya. "Ikaw. Umalis ka na dahil baka ma late ka na naman. Babiyahe ka pa"
I pouted. Hinayaan ko na lang din siya. True to her words, bumaba nga siya. Magkasabay kami at nakahawak pa siya sa braso ko.
I looked at her every move and i looked away right after she can turn to me. She chuckled a bit. Nahuli mga siguro akong nakamasid.
Pero imbes na dumeretso sa kusina kung saan ang mga cupboards, doon kasi nakalagay ang mga gamot namin dito sa bahay, inakay niya ako sa main door ng bahay.
She stopped at pinakawalan na ako. Siya pa mismo ang nagbukas ng pintuan ang waved her hand energetically at me. Hindi ko mapigilan ang pagtaas ng kilay.
Weird. Is she doing this to try to convince me na wala nga siyang sakit?
I just shoved the thought away and just continued with my walk out of the village.
The other days went well. Same normal days. Nothing unusual,
Except for the days na ilang umaga ko na ding naririnig ang ate na nagsusuka. I was bothered by it, and worried.
I was gonna tell our mother about it. Pero palagi din akong pinipigilan ng ate. She says that she's okay and it was nothing serious. Sadyang sensitibo lang talaga daw ang tiyan niya sa mga kinakain niya for nearly a week. And she promised me na pagkalipas daw ng isa pang araw ay mawawala din naman iyon.
And true to her words, isang umaga ay hindi ko na nga siya naririnig o nakikita na nagsusuka. Kaya napagpasyahan kong 'wag na nga lang ipaalam sa ina namin. I also didn't want her to worry too. That's why.
Ngayong araw ay nakita ko ang ina na nag-aayos na papuntang trabaho. It somehow made my heart tighten.
Did she forgot?
"Mommy?" Tawag ko.
Lumingon siya. "Oh, astrid. Aalis na ako. Ikaw na bahala sa hapunan mamaya ah? Baka ma late ako ng uwi."
She did forgot.
Napagpasyahan ko na lang na wag ipaalala. Wala na din naman akong magagawa. I'm sure i can't convince her. Mukhang handa na din naman siya sa pag-alis.
"Yes po. I-ingat po kayo" i said in a small voice.
Tumango siya at nakasunod lamang ang tingin ko sa kaniya hanggang sa makalabas na siya ng pintuan. Doon ko na lang pinakawalan ang malalim na buntong hininga.
Sino na ang sasama sa'kin ngayon? It's not supposed to be called a 'family' day when i'd come alone.
Sure my sister is on her room right now, but she is sleeping, that's why she decided to file for an absent this day...para makapagpahinga. And i can't just wake and deprive her that dahil lang sa gusto kong may sumama sa akin in this one time event. She had not been feeling well for a couple of days after all. She needs rest and the exhausting activities would drain her up.
Ilang minutong pag-iisip. Napagpasyahan ko na lang na 'wag ng mag-attend.
Pagkatapos kong maligo ay kaagad din akong humiga ng kama at mag scroll na lang sa social media feed ko, wait for the envy-worthy pictures that my classmates and others would post later together with their family.
Ilang minuto ding pag scroll lang ay bahagyang nangangalay na din ang hinlalaki ko. Bahagya pa akong nagulat ng biglang mag pop up ang caller I.D ni oliver, kasabay no'n ang malakas na ring.
I just hummed as a greeting nang mailapit na sa tenga ang phone.
"Well you sound pleased to hear from me" he chuckled.
"Where are you?" I asked lazily when i heard a few honks from his background. Night shift na naman siguro siya at kakauwi lang.
"I'm off to a random cafe. Grab some breakfast or something and go home afterwards. Since hindi din ako masasamahan ng girlfriend ko dahil busy siya sa family day niya" he chuckled. "Tell me, Are you having fun? Teka, masyado atang tahimik diyan?"
Napakagat ako ng labi at isang minuto ding natahimik at panay laro lang ng daliri.
"Babe?" He called.
"I'm not in the school"
"What do you mean?"
Isang buntong hininga na naman ang aking pinakawalan. "I didn't attend the event. Nandito lang ako sa bahay ngayon"
"Huh? You didn't attend the family day? Why? You told me how excited you were for it." Hindi ako umimik. "What happened?"
"Wala akong kasama" tahimik pero puno ng sama ng loob kong bulong.
Natahimik din siya. Mukhang alam na ang ibig kong sabihin.
"Nakaligo ka na ba?" Tanong niya pagkatapos ng ilang minutong walang imikan.
"Huh?"
"Stay there. Pupuntahan kita" aniya at bigla niya na lang binaba ang tawag.
Nilayo ko sa tenga ang phone at weirdo iyon tiningnan. Then that's when i realized what he said.
"P-pupuntahan niya ako?"
True to his words, ilang minuto pa ay nakarinig ako ng busina galing sa labas. Nang dumungaw ako sa may bintana ay halos takbuhin ko ang hagdanan pababa ng makumpirma na siya nga iyon. He was leaning on his car door and he was looking up at me from my room.
Pagkababa ko ay sakto namang nakarinig ako ng katok mula sa main door. Kaagad ko iyong binuksan and i was greeted by oliver with his raising brow. Looking at me for up to down.
Napasimangot ako.
"Akala ko ba uuwi ka? Bakit ka nandito?" I asked.
"Bakit hindi ka pa nakabihis?"
"Huh?"
"Sabi ko pupunta ako diba?"
"Oo. Nandito ka na nga" i chuckled.
He rolled his eyes at me. Napaawang ang labi ko doon. Aba!
"Get dressed. Ako ang sasama sa'yo sa school"
Mas lalong umawang ang labi ko "Huh? A-anong sabi mo?"
"Sabi mo wala kang kasama diba? I'll accompany you on your family day."
Ilang segundo din akong natulala sa kaniya. Bahagya niya akong pinitik sa noo and chuckled. "Come on baby, we'll be late"
"P-pero..."
"Come on" he held me on both shoulders, pinatalikod ako at bahagyang tinulak sa banda ng hagdan.
"Teka lang naman" sinamaan ko siya ng tingin pero wala din namang nagawa kumpara sa lakas niya.
"Where is your room?" Tanong niya ng makarating na kami sa ikalawang palapag.
Nilingon ko siya.
"Ano? Sasama ka sa'kin sa kwarto?" The thought made me blush.
Kung saka-sakali siya ang unang lalaki na makakapasok sa kwarto ko. The only person other than my mom and sister actually. Hindi naman kasi ako nagpapasok ng bisita sa kwarto ko, kahit na sa tuwing pumupunta sila tori at nissy dito. Higpit na pinagbabawal ni mommy. She says that's why we have a living room, so that guests should stay and be accommodated there.
"Doon ka na lang sa sala maghintay" ani ko.
He looked down at his clothes. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Magbibihis din ako"
"Bakit? May dala ka bang pamalit?"
He shrugged. "Wala"
"E bakit—"
"But i'm sure that i have more than one of my polos in your closet right. You sneak them out whenever you go to our condo when you have the chance" He chuckled.
Napanguso ako. "There were once your polos. Now they're mine. Tsaka ginagamit ko kaya sila pangtulog" I stuck out my tongue childishly at nauna na sa paglalakad. Natatawa naman siyang sumunod.
Nang makapasok sa kwarto ay bahagya naman akong na concious sa ayos no'n. Gosh! Sana man lang naglinis ako diba? Hindi ako na inform na pupunta pala siya.
Naglilikot naman ang mata niya. Pinasadahan niya ng daliri ang maliit kong book shelf. His eyes stopped on the mirror of my vanity na kung saan ay nakadikit doon ang iba't-ibang litrato naming dalawa.
Yep! naglakas loob akong ipagparangya doon dahil hindi naman na pumapasok si mommy dito simula ng lumaki ako. Our rooms are our personal privacy, she said.
"Oh"
Kumunot ang noo niya ng ilahad ko sa harapan niya ang isang polo niya na nakatira na sa closet ko.
"Akala ko ba..."
"I'll just get a new one on your condo. Your scent in that is starting to fade off so..." i shrugged, a little shy by my last statement.
Bahagya siyang tumawa. Tinuro ko sa kaniya ang banyo at pumasok naman siya doon habang ako ay busy sa pagpili ng susuotin ko.
Maybe i should just match the color of his polo. Hmm...okay din 'yong plain white.
Narinig ko ang bahagyang tunog ng pagbukas ng pintuan sa banyo. Nilingon ko siya at halos umakyat lahat ng dugo ko sa katawan sa aking pisngi dahil sa nakikita.
He was grinning while HOLDING MY f*****g LACE PANTY ON HIS HAND!
"OLIVER DEVON TAN! ANO YAANNNNN!!!!!"
Tumakbo na ako papunta sa kaniya at kamuntikan pa akong mapasubsob. Sana nga. Dahil sobrang hiya na ako ngayon dito. Gusto kong lamunin na lang ako ng lupa!
He laughed loudly making me more red than i already was.
"Ano ba oliver!"
"Baby, it was in your bathroom. Kinuha ko lang dahil nasa sahig"
Bakit ko ba kasi nakalimutan na doon nakasampay lahat ng underwear ko doon dahil ako mismo ang naghahand wash no'n. Wait...lahat? LAHAT!
Okay lord, kunin mo na lang ako. Jusko poooooo!!
"Bakit mo ba kasi pinakialaman! Inaano ka ba!" Sinamaan ko siya ng tingin para matabunan ang hiya.
"As i've said, i just picked it up"
"Akin na nga 'yan!" I was about to grab it pero nilayo niya.
"Can i keep it?" He asked nonchalantly.
"CAN YOU WHAT!?"
He laughed.
"Can i—"
"Wag mo ng ulitin. Pleaaaseeee lang." i sighed. "Akin na"
Umiling siya habang nakangisi.
Hinawakan ko siya sa braso para maabot iyon. "Akin na nga sabi e!" Pero nilalayo niya pa din.
My lips thinned. Pinandilatan ko siya ng mata.
"Makuha ka sa tingin" mariin kong banta.
He chuckled and i blinked multiple times when he suddenly kissed the tip of my nose.
"Now I'm petrified" he chuckled. "Okay" aniya at binigay na nga sa akin. Mabilis ko iyong hinablot galing sa kaniya at tumakbo na papuntang banyo.
Kinuha ko lahat ng undergarments ko doon habang pumupula ang pisngi. The thought of his face seeing this many of my....is making me damn embarrassed!
Nagbihis na lang din ako. I wore the white shirt, a black denim skirt matched with a white sneakers.
Nagtagal pa ako doon siguro mga twenty minutes dahil bahagya ko pang pinapangaralan ang sarili sa kung gaano ako katanga.
Pagkalabas ko ng kwarto ay kaagad na dumako ang tingin ko sa nakahigang si oliver sa aking kama. Ang paa niya ay nasa sahig pa din. His arm muscles were awfully flexing dahil nakaunan doon ang likod ng kaniyang ulo habang ang isa niya pang kamay ay nakatabon sa kaniyang mga mata.
I can't help but feel awful and guilty.
Mukha siyang pagod. Lack of sleep. But he chose to come with me so that I wouldn't feel alone in a family event.
Umupo ako sa gilid niya. Pero kahit anong pag-iingat at pagiging banayad ko ay napadilat pa din siya.
Kaagad siyang napatingin sa akin. I gently caressed his hair pagkatapos tumabi ng higa sa kaniya. Nakaharap sa kaniya, Making my arms as a pillow for my head.
"Aalis na ba tayo?" Tanong niya nang makitang nakabihis na ako.
"We can just stay you know" i whispered, shifting me head on his chest.
"Don't be silly. You'll miss the event"
"That event is for family anyways. And clearly, my family is too busy for it. Hindi mo kailangang pumunta on their behalf"
Pinagkatitigan niya lang ako ng ilang minuto. I smiled assuringly.
"I'm fine. It's fine"
"No, we're going"
"Pero bab—"
"I am your family ash"
Mariin ang pagkakasabi niya making my heart awfully overwhelmed.
"I am"