Willowe’s POV Natigilan ako at agad na napatayo ng makarinig na ako ng ingay sa labas. Lumakad ako papunta sa pinto palabas ng balcony ng sorceress lab, kung saan ako nagpa-practice ng aking magic, gumagawa ng mga potions, nagsusulat ng aking grimoire. Maaga pa lang gising na ako, sa totoo lang hindi ako morning person pero kailangan kong simulan ang aking araw ng maaga at nakasanayan ko na rin dahil sa ginawang training namin ng aking mistress. Ngayon, may inspiration na ako para bumangon talaga ng maaga at yon ay ang manood sa training ng mga hot at big shifters sa training ground. Katapat kasi ito ng lab kaya naman tanaw na tanaw ko sila, ang pag-flex ng kanilang muscles, ang pawisan nilang katawa, at naglalaway talaga ako lalo na pag tinatanggal nila ang kanilang shirt. Alam kong may

