Bumalik kami sa hotel matapos namin na takasan ang kaguluhan sa stripper club. Nandito na kami ngayon sa suite at hinihintay sina Lorkhan at Jariah na tumawag kanina lang at nasa police station sila. Nakatitig lang naman kami ni Seven sa aming kapatid na walang humpay na kumakain sa inorder niyang food kanina lang. Gutom na gutom siya na parang hindi nakakain ng isang linggo. Medyo naaawa din kami dahil sa isang stripper club namin siya natagpuan at ayon kay Aquila eh nagtatrabaho doon. I can see the tension of the two, mates kasi sila na hindi pa alam ni Top 1, hahayaan ko na si Aquila ang magsabi non. From all the years na nakikita ko si Top 1 sa aming HQ, hindi ko pa siya nakikita na ganito. She looks like struggling at nawala ang pagka-dignified look niya. Natigilan ako ng mapansin na

