“Big Boss ang gusto ko sanang hilingin ay ang maging human ako. Gusto kong maging tao ulit, manirahan sa human realm at para na rin makasama ang lalakeng mahal ko.” hiling ko sa aming Big Boss, ang God of Love na si Eros. For 100,000 years ako palagi ang top performer sa lahat ng mga cupids na narito ngayon. At para sa aking malaking premyo, tutuparin niya ang isang hiling ko. Ito na pagkakataon ko para makasama ang lalakeng minahal ko na noong una ko siyang makita, at para na rin maranasan ang love at desire na binibigay ko sa mga humans. Napakamot siya ng kanyang ulo at seryoso siyang tumingin sa akin. “Sigurado ka na yan ang hiling mo?" naguguluhan noyang sabi. "Isa kang cupid, your immortal, you have powers at gusto mong maging ordinaryong human? You can be a Fae, I can make you one

