Seven's POV Awkward akong uminom ng ice tea na binigay sa amin ng kapatid ni Lorkhan. Kasi naman, nakatitig sa akin ang mga anak niya na nagising dahil sa pag-roar ng lion beast kani-kanina lang. Nagpasalamat naman ako kay Sarina ng ikuwento niya ang pag-uusap nila ni Emlove. Buti na lang at malaki ang pang-unawa nito at tinulungan ang dalawa na magkabati. And speaking of Lorkhan and Emlove, hayun bigla na lang nagtanan na hindi man lang sinabi kung saan sila pupunta. Tapos ngayon, naiilang pa ako sa tatlong bata na nakatitig sa akin. Tumingin ako sa aking mate at ngumiti siya sakin sabay halik niya ng aking pisngi. Napabungisngis ang mga bata at napangiti rin ako. Nakilala ko sila noong iniligtas namin sila sa facility pero wala akong pagkakataon na kausapin sila dahil sa pagiging trans

