Pinuntahan ni Sarina kasama ang kanyang asawa na si Vitani ang kanyang magulang at kapatid na nakakulong ngayon. Nilipat na sila sa underground dungeon ng palasyo at nakakulong rin dito ang human na may-ari ng facility kung saan nila isinasagawa ang experiments sa mga shifters. Sarili kong mga magulang ang nakipag tulungan sa kanila para makakuha ng mga shifters at sarili ko din na mga magulang ang nagpahamak sa aking mga anak. Sobrang galit ang nararamdaman ko ngayon para sa kanila! Tiniis ko ang lahat ng pang-iinsulto nila sa akin sa pagkakaroon ko ng hybrid na mate. Pero ang kunin nila ang aking mga anak para sa isang experiment?! Anong klase silang mga tao! Parang hindi nila kadugo ang mga sarili nilang apo! At ginawa nila lahat ito para lang mailabas ang nakatatanda kong kapatid na is

