Responsibility

3205 Words
Isang malakas na tawa ang pinakawalan ko ng bigla akong kiniliti ni Lorkhan habang nakaupo ako sa kandungan niya. Late kaming nagising ngayong araw at kasalukuyan kaming nasa kitchen para kumain. Mabilis lang kami na nagluto at nasa harap na kami ng mesa na puno ng pagkain. Actually, ininit lang namin ang pideliver naming food kagabi na hindi na namin nakain. Humihingal ako ng tumigil siya at binigyan niya ako ng kiss sa aking noo. Weekend na ngayon, at sa mga nagdaang araw na kami lang ang magkasama, masayang-masaya kaming dalawa. I can really feel that our connection is stronger than ever! Hindi na lang kami nasa kwarto palagi, masaya kaming nagluto na magkasama, nanood ng nga classic action movies, at naglaro rin kami ng XBOX niya. Pag maaga kami na nagigising, lumalabas kami para mag-jogging at kahit mabilis siyang tumakbo, sinabayan niya ang pace ko. Hanggang sa nasanay na ako at ako na ang sumasabay sa kanya. Sa gabi naman, nilalabas ko ang aking wings, lumilipad sandali para ma-stretch siya. I also practice na hindi siya lumalabas pag malapit ako kay Lorkhan. Labas kasi ng labas pag nilalandi niya ako. Sinabihan niya rin ako about sa mga shifters na mga kasundo niya at yong mga hindi gaano. Ngayon ko lang nalaman na kahit pala sa kanila may opposition group. Basta mag-ingat lang ako at hindi magtiwala sa kahit kani-kanino. Sa kanya lang naman ako may tiwala kasi siya ang unang naniwala sa akin na isa akong cupid. Habang naghaharutan kami, bigla na lang siyang natigilan at nainis ang kanyang mukha nang tumingin siya sa may pinto ng penthouse. Narinig namin ang doorbell, after a few minutes, pumasok si Jariah at napangiwi ang kanyang mukha at napaatras pa siya ng konti. “Woah! This place reek of your scents!” sabi niya at nakangisi siyang tumingin sa amin. “Mukhang sinulit niyo ang one week na kayo lang ang mag kasama. Sinabi na ba sayo lahat ni Lorkhan Pinky?” ngumiti rin ako sa kanya at nag hello. “Did you know that a lion can have 50 copulations in just 24 hours?” bigla kong tanong sa kanya. Nag-pause ito sa sinabi ko at napakunot-noo. Tumingin ito kay Lorkhan na nagpipigil lang ng tawa. “They can go again full force after 30 minutes of rest. So you've got to train me to boost my stamina." napakurap siya ng ilang beses at bilog ang mga mata niyang nakatingin sa akin. "Sorry? Mali atah ang naririnig ko." naiilang na sabi nito at napahawak siya sa kanyang tenga. "Lions, 50 copulations in 24 hours." mabagal kong sabi sa kanya para maintindihan niya. "Kaya pala hindi ako makasabay kay Lorky. We need to build up my stamina ASAP!" determinado kong sabi. Tuluyan namang malakas na tumawa si Lorkhan at napanganga si Jariah. Tinitigan ko siya ng mabuti and I look at him up and down with my eyes. “Did you just check me out?1” di-makapaniwala niyang sabi. "So you really have s*x 100 times a day?" bigla kong tanong sa kanya. "WHAAAAAATTTTT??!!" gulat niyang sabi at patuloy lang sa pagtawa si Lorky. Naparoll eyes naman ako at iritado akong tumingin sa kanya. “Totoo ba na nakikipag-s*x ang isang jaguar ng 100 times sa isang araw? I am really curious, jaguar ka diba? Gusto ko lang malaman ang totoo.” napapikit siya at hinawakan ang kanyang ulo na parang nakakaranas siya ng headache. “Paano pag totoo pinky?” irita niya rin tanong at nagpipigil na. “Okay, para ma-warningan ko ang future mate mo. I mean she or he will be lucky to have you, but 100 times? Parang sobra na yata yon? Maging lamog na lamog na siya noh.” napapisil siya sa kanyang noo. “Lorkhan, make her stop bago ko pa masakal ang cupid na yan.” inis na niyang sabi at nago-glow na rin ang kanyang mga mata while his grinding his teeth. “May masama ba akong nasabi Lorky? Gusto ko lang naman na malaman ang totoo dahil sayo mukhang real.” malambing kong sabi sa kanya. “Wala baby… Your a curious little cupid, huwag mo na lang siyang pansinin." sagot naman ng aking mate at ineenjoy ko ang paghaplos niua sa aking legs. "Alam mo ngayon ko lang nakita ang bestfriend ko na nahiya ng todo.” tukso niya rito. Matalim naman kaming tinignan ni Jariah. “Ikaw ang may pakana nito?” galit na tanong nito kay Lorkhan. "What the hell?!!" “Huwag mo akong sisihin sa kalokohan mo Jar… Ikaw ang nagturo kay Emlove tungkol sa internet. She searched it herself in her phone, google search.” tumango-tango ako. “Yup! It’s really helpful…” tuwa kong sabi. “Eh di dapat pinipigilan mo siya, huwag kang magpapaniwala sa lahat ng nakikita mo sa internet. Sinabi ko na sayo diba? And I don’t have s*x 100 times a day Pinky. May awa naman ako sa mga humans na nakakasama ko.” “Hmmm… Then what more do you prefer? Having s*x with a woman or man? Or both talaga?” “Where is this coming from? Nakita mo rin ba sa internet?” nagtataka niyang sabi at nagkibit-balikat ako. “I’ve watched you once…” sagot ko at natigilan siya ulit. “I was curious dahil isang babae at isang lalake ang dinala mo sa hotel. Kaya sinundan ko kayo while I was still in the veil, and invisible, and you have s*x with both of them.” naging tense ang buong paligid na parang may kuryenteng dumadaloy sa hangin. “JA….RI….AH…” may pagbabantang sabi ni Lorkhan at nagtataka naman akong napatingin sa kanilang dalawa. “Pinky naman eh! Pinapahamak mo ako!” takot na sabi nito. Humarap naman ako kay Lorkhan at hinawakan ko ang kanyang mukha tapos ay masuyo kong hinaplos ang kanyang mga pisngi. Unti-unti naman siyang kumalma sabay purr na gusto kong ginagawa niya, halata na gusto niya ang mga touches ko sa kanya. Pinagdikit ko ang noo namin, kiniskis ko ang tungki ng aking ilong sa kanya habang matamis lang akong nakangiti. Nafi-feel ko ang pagbalot ng isang malakas na energy sa aming dalawa at narinig ko ang pag-growl ni Jariah na ngayon ko lang yata narinig. “Stop doing that! DAMN!” nagpipigil nitong sabi. “Pwedeng pigilan niya muna yan? It’s too potent. I feel the need to f*ck human right now.” “Sorry Jariah, hindi ko lang kasi matiis si Lorky. Hindi ko alam na may effect din pala sayo.” "Yeah and you need to tone it down. Dahil siguradong magiging awkward kapag nakaharap mo na ang mga clan leaders.” natigilan naman ako at tumango si Lorkhan. Nanguso naman ako dahil hindi ko alam ang sinasabi niya. “Baby, you're releasing a lot of pheromones. It’s like an invitation to me but also to other mateless males to mate with you.” paliwanag niya sa akin at napa-’o’ naman ako. “So, Jariah wants to mate with me then?” “ABSOLUTELY NOT!” pasigaw nitong sabi. “Pinky, ayoko pang mamatay. Mas mabuting umalis na muna ako.” at tumungo na siya sa pinto. “Pero kailangan mo pa akong i-train!” angal ko sa kanya. “Paano kita ite-train kung ayaw mo namang mahiwalay sa mate mo?” nakataas kilay na tanong niya at uminit naman ang aking mukha. “Hndi lang naman ako ang ayaw mahiwalay sa kanya noh! Kumain ka na muna and I promise magiging good student ako.” bumuntong-hininga naman siya. “Ay huwag ka ng magtatanong kung ano-ano sa akin ah?” ngumiti ako at tumango. Lumapit siya, kumuha muna siya ng pinggan at umupo sa bakanteng upuan na malayo sa amin. Kumuha siya ng noodles at nilagay lahat ito sa kanyang pinggan. Magana siyang kumain at pinabayaan na lang namin siya. “Talaga bang pinanood mo si Jariah noon invisible ka pa?” tanong sa akin ni Lorkhan. “Huwag kang magalit sa bestfriend mo Lorky ah, pero isang beses ko lang naman na ginawa yon. Compared sayo na marami.” bulong ko sa huli kong sinabi. Biglang nabulunan si Jariah na agad kong binigyan ng tubig. “Ah yeah… I apologize for that little cupid.” nahihiya niyang sabi at medyo namula pa ang kanyang mukha. “It’s okay! Hindi naman siya katulad ng sa atin. Ikaw Jariah? Hindi mo pa ba natatagpuan ang mate mo?” “No, and I am enjoying my single life. Masaya ako at natagpuan ka na ni Lorkhan. By any chance, wala ka bang maipakilala na kaibigan mong cupid para sa akin?” at tinaas taas pa niya ang kanyang kilay. “I have a close cupid friend dito sa human realm pero hindi ko alam kung saan na lugar siya naka-assign. Malimit din na kasi kaming magkita sa HQ dahil binawasan na namin ang pagiging pasaway. Pag nagkaroon siya ng physical form, sana nga magkita kami. I’m still here kaya hindi pa siguro naaayos ang veil. Nag-aalala lang ako sa ibang cupid na nandito. Na kung magka physical form man sila, sana makatagpo sila ng taong mabait at tutulungan sila. Ang swerte ko dahil nandito ako sa penthouse ni Lorky nong gabing yon.” “What do you mean na hindi pa naaayos? Yong veil?” tumango ako at sinubuan ako ng Lorkahn ng dimsum. “Yeah! Hindi ko ma-explain pero para siyang machine na mine-maintain para hindi masira. Hindi ko alam kung anong nangyari dahil hindi din naman ako makabalik ng HQ namin. Pero happy ako dahil nahahawakan na kita Lorky, nakikiss, nayayakap at…” pilya akong ngumiti at gumiling ako sa kanyang lap at napaungol siya. Ramdam ko ang pagtigas ng kanyang bukol na inuupuan ko. Narinig ko ang maarteng pag-eewww ni Jariah at hindi na lang namin siya pinansin at naghalikan na lang. Nang matapos kaming kumain, nag-warmup muna kami ni Jariah pero hindi ko akalain na maglalaro kami ng XBOX. He was enjoying himself at mukhang nakalimutan na niya ang training namin. Tumigil lang kami nang malakas siyang binatukan ni Lorkhan at pinagalitan pagkalabas niya ng kanyang office dito sa penthouse. “Aish! Nag-eenjoy pa ko eh!” inis na sabi ni Jariah habang lumakad kami palabas papunta sa balcony. “So anong ginawa niyo ni Lor? Nag-s*x lang?” sabi niya ng humarap siya sa akin. Uminit ulit ang aking mukha at muntik ko na siyang ihulog sa may pool. “Noong mga few days lang naman... “ sinabi ko sa kanya ang mga ginawa namin ni Lorkhan at nakinig lang naman siya sa mga sinabi ko. Nang matapos ako, napahinga siya ng malalim. “Alam mo mo na siya ang Beast King?” tumango lang ako. “He’s the most important person to us shifters but he also has a lot of enemies. Now that he has a mate which is you, you need to know na ikaw na ang pinaka importante ngayon.” seryoso niyang sabi at natigilan naman ako. Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Bakit naman ako? I am not royal, isa lang akong level 3 cupid! “Anong ibig mong sabihin Jariah?” natatawa kong sabi. “Bakit naman ako ang pinaka importante? Mate lang naman ako ni Lorky.” pinanigkitan niya ako ng mga mata. “MATE LANG?!!” malakas niyang sabi na kinagulat ko. “Get your ass on that chair and listen very well.” matigas niyang sabi at agad ko namang sinunod ang sinabi niya. Umupo ako sa reclining chair na naroon at nakinig sa kanya. “Lorkhan Fierce is the Beast King, the ruler of shifters and he has lived a long life. He's the King, he’s on the top and every one of us follows his rules. Pero marami pa din siyang enemies, enemies na gusto siyang pabagsakin. Kung hindi si Lor ang naging Beast King, malamang slaves na ang mga humans ngayon.” “What ? Talaga?” di-makapaniwala kong sabi at tumango siya. “YES! Some of us think, well, the highly privileged ones, thinks na dapat ang mga shifters ang nasa taas. The top of the chain because we are more powerful than humans. We can take them down easily pero noon yon, nung hindi pa gaanong advance ang technology. Some humans the higher ups, know of us shifters, knows about the Beast King, pero may mga humans din na gusto siyang pabagsakin. But Lorkhan values life more, ayaw niyang mamuno ng ganon na maaaring naaapi, like a dictator, like a tyrant king. Kaya may nabuong peace treaty sa pagitan ng mga shifters at ng humans. "Not all were happy of course with his decision that they think it’s lame and not an advantage for us, kasi kailangan naming mamuhay na tinatago ang tunay naming pagkatao. But we were successful in the human realm, in fact, napapayaman namin ang mga sarili namin. A lot of us owns huge businesses at lahat kaming shifter ay nakikinabang, and we enjoy human company. Hindi kami pinabayaan ni Lorkhan. Pero ang mga old shifters, na namuhay sa tradisyon, hindi nila ito gusto and the only way to stop this is to take down the Beast King. Hindi madali syempre because he is also a god. He’s powerful than the rest of us kaya hindi nila kaya. Pero ngayon, dumating ka sa buhay niya, nahanap ka niya, he’s long awaited mate. The half of his soul and of course, his greatest weakness. Do you get what I am saying, Emlove? Walang weakness noon ang Beast King and now meron na and that is you. You will be their target, you will be in danger all the time kapag nalaman ng lahat na ikaw ang mate niya.” nahigit ko ang aking hininga sa lahat ng kanyang mga sinabi. Bilog ang aking mga mata na tumingin ako sa kanya at bahagya siyang ngumiti. Alam ko ang lahat ng sinabi sa akin ni Jariah at ngayon ko lang na-realize ang pagiging mate ng isang Beast King. I was always inside my happy bubble because of our mating. Pero hindi ko naisip ang magiging consequence ngayon na kasama na ako ni Lorkhan, ang kanyang soulmate, his other half… Humans don’t have that sort of forever bond. When they lost their partner, they grieve and they move on but it’s different from the shifters. Pag nawala ang soulmate or mate ng isang shifter, mawawala din siya. Not entirely na agad-agad pag namatay ang kanilang partner. Mawawala muna sila sa kanilang sarili, he will become feral. Mananatili siya sa kanyang beast form, will act as a beast, no human left in them. Sisirain niya ang lahat, papatayin niya kung sino man ang makita niya, kapwa niya shifter man, babae o bata, wala siyang palalagpasin, wala siyang awa. That beast will no longer have feelings at ang alam na niya lang gawin ay manggulo at pumatay. Humans will also be involve, at siguradong katatakutan siya ng lahat. He will only die with the hands of the people hunting him or slowly die as he grieves forever. Kaya sa mga shifters, masaya man na natagpuan nila ang kanilang mate, matinding takot rin dahil baka mawala siya sayo. And that's the case with us, kami ni Lorkhan. Kaya pala noong isang araw, sinabi niya kung mawawala ako, there will be c*****e. Sasamantalahin ito ng mga kalaban niya, they will kill him and they will rule. Making the humans as their slaves forever. At hindi ko dapat hayaan na mangyari yon. Mauch as I despise humans dahil sa perception nila about love at sa ginawa nila sa mga shifters, ayokong maging slave sila. There will be innocents na madadamay and I can’t let that happen! Biglang nanikip ang aking dibdib, parang hindi ako makahinga sa added pressure as Lorkhan’s mate. One thing led to another at nagha-hyperventilate na ako! Oh my cupid stupid brain! Ang bobo ko talaga! Ano banag iniisip ko?! “Hey! Hey pinky!” Calm down!" rinig ko kay Jariah na lumitaw sa aking harapan at pilit akong pinapakalma. “Emlove! Kumalma ka kundi malalagot talaga ako kay Lorkhan!” panic niya rin na sabi. Napapikit naman ako ng aking mga mata, I relax my breathing hanggang sa unti-unti na akong kumalma. “Okay ka na?” tumango ako. “I’ll get you some water!” bago ko pa siya pigilan, mabilis itong pumasok at mabilis din siyang lumabas na may dalang bottled water. Binuksan niya ito, binigay sa akin na kinuha ko at ininom. Nagpasalamat ako sa kanya at tinapik tapik lang niya ang aking likod. “I think I am clear, hindi lumabas si lion.” nahimasmasan niyang sabi at bahagya naman akong ngumiti. “Sorry pinky ah… I just want you to understand, na hindi lang ito love, it’s also a responsibility.” “Yeah… Thank you at pina realize mo sa akin ito Jariah.” bumuntong hininga ako tapos ay tumingin ako sa asul na kalangitan. “Simple lang naman ang buhay ko bilang cupid eh. I just spread love and desire as my job pero ngayon magbabago na ang lahat. My only wish is to have a physical form so I can be with him. Hindi ko inaasahan na magiging mate ako ng isang Beast King. Gaya nga ng sabi niya, I am his mate, I am going to be his queen, and i am his goddess… Parang hindi ako handa… Parang hindi ko kaya…” nanginginig kong sabi. “Anong hindi mo kaya pinky?” napakagat labi ako at pinipigilan ang sarili ko na huwag umiyak. Parang malakas akong sinampal ng insecurities ko, ng self-esteem sa pagiging lampa at pasaway na cupid. “Do you really love Lorkhan?” seryoso akong tumitig sa kanya. “Of course I do! Kaya kong gawin lahat para sa kanya. I even want to help him to convince the clan leaders na huwag ituloy ang binabalak nilang war sa mga humans.” bahagya siyang nagulat sa sinabi ko at proud siyang ngumiti sa akin. “That will do little pinky… Basta lagi kang nasa tabi ni Lorkhan. You need to be strong, be bold, and be confident. You may have enemies pero mas marami ang sumusuporta at magpo-protekta sa inyo. I’m sure you’ll do great together.” hindi ko mapigilan ang sarili ko at niyakap siya pero saglit lang dahil baka sugurin kami ng galit na lion. “Tsaka pinky, nandito naman ako para tulungan ka. I will also protect you.” lumayo siya sa akin ng konti at nagulat ako ng lumuhod siya sa aking harapan. “I, Jariah Stealth, Knight Commander of the Beast Kings Army, second in command of Lorkhan Fierce, will serve and protect you, Queen Consort Emlove…” na-touch naman ako sa ginawa niya. Grabe si Jariah, kahit kakakilala ko pa lang sa kanya, ang bait na niya sa akin. No wonder kung bakit bestfriend siya at pinagkakatiwalaan siya ni Lorkhan. “Ipapakilala talaga kita sa cupid friend ko… And I am hoping na siya ang maging mate mo.” sabi ko sa kanya. Tumawa siya at tumayo tapos ay ginulo niya ang aking buhok. Nag-usap pa kami sandali and after that, sinimulan namin ang aking hellish training with my hellish trainer!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD