Seven's POV Hindi ko alam ang gagawin habang dumadaing sa sakit si Jariah habang nakadapa siya sa kama. May liwanag sa kanyang likod at para daw nasusunog ang kanyang pakiramdam. Nangyari ito matapos niya akong markahan, after we are fully mated. Mabilis akong nagsuot ng pants para humingi ng tulong. Pagbukas ko pa lang sa pinto ng kwarto, nandoon na si Esmerelda at bigla na lang siyang pumasok. Tinignan nito ang nangyayari kay Jariah at napangiti ito. "Anong nangyayari sa kanya?" tanong ko rito. "Your marking him Seven, it's your own mark. Huwag kang mag-alala." sagot nito at ngumiti siya sakin. "Walang bang mangyayari na masama sa kanya?" "Kaya niya yan, he's the famous Knight Commander." malakas na napa-growl si Jariah at napamura pa. Kumuha naman ako ng basang towel sa bathroom

