Nakatulog ako na nakatungo ang aking ulo sa gilid ng kama kung saan nakahiga at natutulog ang bestfriend kong cupid. Nanatili ako sa kanyang room buong araw kasama si Jariah na siyang mate niya. I was dreaming about things that we wanted to do pag nagka-physical form na kami. I have a good start, nakakahawak na ko ng mga bagay, nakakagamit na rin ng technology, nakakakain ng masasarap. Pero ang pinaka the best sa lahat ay ang pagkakaroon ko ng isang shifter mate. Hindi lang isang shifter mate, kundi isang Beast King. He's going to experience it anyway, once na magising siya at magkakaroon din siya ng isang mate na Knight Commander. Ang swerte talaga namin! Unti-unti lang akong nagising ng maramdaman ko na may humahaplos sa aking ulo. Inangat ko ito at nakita ang nakangiting mukha ni Triple Seven na nakatingin rin sa akin.
"Oh, para kang nakakita ng multo dyan?" mahina niyang sabi sakin at hinahaplos pa rin niya ang ulo ko. Bigla naman akong tumayo at niyakap siya.
"Triple Seven! I'm glad you're awake!" masaya kong sabi tapos ay humiwalay sa kanya. "Sandali, matutulog ka na ba ulit? Kailangan mo pa ng rest?"
"I think so pero hindi ako matutulog agad okay, five, zero, five. Teka, nasaan ba tayo? Nasa infirmary ba tayo ng HQ natin?" nagtataka niyang sabi.
"Wala tayong infirmary noh… Tsaka wala tayo sa HQ. We are still in the human realm and guess what? May physical form tayo!" at umikot ako sa kanyang harapan. Namilog naman ang kanyang mga mata at tiningnan ang kanyang sarili.
"Really? As in?" nakangiti akong tumango.
"Hindi mo ba natatandaan Triple Seven? Noong magka physical form ka?" umiling lang naman siya. "It's okay, nagulat nga rin ako tapos nahulog ako sa pool. Bigla na lang kasing nawala ang veil at hindi ko alam kung bakit."
"Hindi ba tayo hinila sa HQ?" tanong niya.
"Hindi eh… I guess we will be here for a while. Pero hindi ka ba happy? May physical form na tayo!" at niyakap ko ulit siya.
"Sandali lang 505, bakit andito ako? Ospital ba toh? May nangyari ba sakin?" hinawakan ko ang kamay niya para pakalmahin siya.
"Wala namang masamang nangyari sayo besh. Kaya lang natagpuan kita sa isang lab ng mga humans, buti na lang at wala silang nagawang experiment sayo."
"You mean, nahuli ako ng mga humans?" tumango ako. "Ilang days na ako nandito?"
"Two days at halos mag isang buwan na nang magka physical form ako. Masaya ako at safe ka kahit papano kahit nasa isang malaking tube ka na puno ng tubig." napakunot-noo siya.
"I...I thought I was dreaming then. Totoo pala yon. Naalala ko na 505, I was flying way up then ng unti-unti akong nagkaroon ng physical form. Hindi ko na alam kung paano mag-work ang wings ko non kaya nalaglag ako, then I passed out. It feels so light and relaxing kaya nanatili siguro akong tulog." ngumiti siya sa akin at pinisil niya ang aking kamay. "Thank you 505."
"You're welcome! But my name is Emlove now and your name will be Seven. Okay lang ba yon? Hindi kasi magwo-work ang tawagan natin pag andito tayo sa human realm." bahagya siyang natawa.
"I think that will work. I like my name and yours too, Emlove." napahagikgik naman ako. "Where are your wings?"
"Nakatago syempre… Ikaw kaya, itago mo na rin, comfortable ka ba na hinihigaan mo sila." tumingin siya sa kanyang likod.
"Kaya pala parang ang uncomfortable ng nararamdaman ko." sa isang iglap, nawala ang wings niya. "That feels better…"
"Nagagalaw mo ba ang katawan mo?"
"Yeah, medyo nanghihina pa pero kaya naman. May isa pa akong tanong Emlove." tapos ay hinila niya ako palapit sa kanya. "Sino yang magandang lalake na nasa likod mo?" pabulong niyang tanong. Lumingon naman ako at nakita si Jariah na nakatitig lang sa amin.
"Siya ang magiging boyfriend mo." pabulong ko ding sagot. Napa-jawdrop siya at tumawa ako ng konti. "Type mo?"
"Sino bang hindi! Teka, akin din ba yong isa?" lumingon ulit ako at nakita ko naman si Lorkhan. Napaaray siya ng kinurot ko ang kanyang tagiliran.
"Akin yan gaga ka! Ang ganid mo ah…" tumawa siya at napaaray din ako ng hilahin niya ang mahaba kong buhok.
"Ano bang ginawa mo at napapaligiran ka ng mga hunk?! Ikaw ang ganid dito." irita niyang sabi. Lumingon ulit ako at nandon rin pala si Aquila. Nag-flip naman ako ng aking hair at ngumiti.
"Syempre, sa ganda ko ba namang toh!" proud kong sabi at tumawa si Jariah na pinaningkitan ko ng mga mata. Pinakilala ko silang tatlo, lumapit sa kanya si Jaja at pinainom niya ito ng tubig sa isang baso na may straw. Narinig ko ang nahihiya niyang thank you at ngumiti lang ito.
"Huwag kang maniwala kay Pinky, mas maganda ka naman." sabi ni Jaja at biglang namula ang kanyang mukha.
"Uhm, tatawagin ko lang si Dr. Holl." sabi naman ni Aquila at lumabas na. Ngumiti naman ako kay Lorkhan at inakbayan niya ako.
"Mabuti at gising ka na Seven. Hindi na masyadong mag-aalala sayo si Emlove." sabi niya at hinalikan niya ako sa noo. "Do you need some food? Siguradong gutom ka na."
"Food? Ibig sabihin makakakain na ko." tumawa ako at nilapitan ulit siya.
"Oo beshy! Ang dami ko ng natikman na masasarap na pagkain. Ang dami kong ikukwento at ituturo sayo. Si Lorkhan ang nagligtas sa akin ng magka physical form ako."
"Siya ba yong lagi mong kinukwento sakin pag nagkikita tayo sa HQ?" tumango lang naman ako. "Wow, you're a stalker." pinandilatan ko siya ng mga mata at tumawa siya. "Thank you for saving me, Emlove. Paano mo nga pala ako nahanap?"
"I think next time niyo na lang pag-usapan yan." sabat ni Jariah. "I'll get you some food pag na-check ka na ni Dr. Holl, kailangan mo ng maraming energy." pagkasabi non, bumukas ang pinto at pumasok si Dr. Holl at ang kanyang asawa na kumuha ng kanyang vital signs. Nagsimula siyang tignan ni Dr. Holl at sinabing normal ang lahat sa kanya.
"Pwede ba akong kumain ng chocolate?" tanong niya at napatawa kami. Gusto niya din kasing makakain non. Halos lahat kaming mga cupid, natatakam sa dessert na yon.
"Hindi pa sa ngayon Seven, siguro after kang makalabas ng ospital." sagot ni Dr. Holl at tumango lang siya. "Jariah, huwag matigas ang ulo ha. Kahit gusto mo siyang pagbigyan, hindi pa pwede."
"Doc naman…" angal ni Jariah. Ngumiti si Sven at nagulat ito ng hinawakan niya ang kamay nito. Nagkatitigan silang dalawa at sinabi naman sa akin ni Lorkhan na iwan muna silang dalawa. Kaya nagpaalam muna kami at lumabas na. Masaya kong niyakap si Lorkhan at ganon din naman siya. Sa wakas! Gising na ang matalik kong kaibigan at okay siya!
"Lorky, mukhang may tumatawag sayo." sabi kong ng mapansin na umiilaw ang kanyang phone.
"I forgot, naka-silent mode pala siya." sabi niya at kinuha yon. Nagtaka siya ng makita nito ang screen at agad niyang sinagot ang tawag. Bigla siyang napamura at naging galit ang kanyang aura. Tumingin naman ako kay Aquila na super serious ngayon ang mukha.
"What? May problema ba?" tanong ko sa kanya ng matapos na ang tawag.
"Hinahabol ngayon ang sasakyan na dina-drive ni Orson kasama si Elva, ng Swine Clan." malalim ang boses niyang sabi at nag-glow ang kanyang mga mata.
Natigilan ako sa sinabi niya at bigla akong natakot para sa human friend ko. "Papunta sila ngayon sa location ng Wolf Clan, at least magiging safe sila doon."
"Si Elva? Is she okay?" tanong ko.
"Yeah, she's doing good, baby. Tatawagan ko lang si Alpha Rune, nandoon rin si Kylo para masundo sila."
"Pero bakit sila hinahabol? Tsaka bakit mga shifters ang humahabol sa kanila."
"Mukhang nalaman nila na she's a human under my protection, and she worked in the facility. Maraming eyes at ears ang paligid Emlove at hindi maiiwasan yon." may tinawagan siya ulit at kausap na niya ngayon si Alpha Rune, ang Wolf Clan Leader. Pumunta kami sa isang conference room para doon maghintay ng balita.