CUPID 7.2

1551 Words
Alam ko na ang kaharap ko ngayong lalake na bigla na lang sumulpot ay ang matalik na kaibigan ni Lorkhan. Lagi ko silang nakikitang magkasama, sa trabaho man at minsan pag nagha-hangout sila. I can say that he’s a true friend na laging tinutukso si Lorky, para nga silang magkapatid kung magturingan kaya magaan din ang loob ko sa kanya. But when he said na ipakita ko sa kanya ang aking mga pakpak, parang nag-alangan ako. Wala kasing ibang nakakaalam kung ano ako kundi si Lorkhan lang. If he told his trusted friend what I really am then I should show him. Hindi ako takot sa banta niya na ihuhulog niys ako sa building, I am more scared when he said na hindi ako nararapat sa kaibigan niya. I don’t know what that means pero papatunayan ko na ako ang karapat-dapat kay Lorky ko. Tumayo ako at dumistansya ng konti sa kanya, huminga ako ng malalim at ni-roll ang aking shoulders. Ilang araw ko rin itong hindi nalalabas, sana nga lang at hindi niya ako husgahan pag nakita na niya ang mga ito. Pumikit ako and I summon my wings to come out. Naramdaman ko na parang mabilis siyang tumubo sa aking likod, I heard a loud flap, a short gust of wind. When I open my eyes, napangiti ako ng makita ang aking red large wings spreading out. Flinap ko siyang ng ilang beses at shinake para mawala ang stiffness niya. Tumingin ako kay Jariah na nakanganga, bilog ang kanyang mga mata habang nakatingin siya sa mga pakpak ko. Namilog din ang aking mga mata na napunit pala ang suot kong shirt, natanggal din ang aking bra kaya agad kong tinakpan ang naka-expose kong dibdib ng aking braso. “Uhm Jariah...pwedeng pahiram ng jacket mo?” nahihiya kong sabi sa kanya pero nakatulala lang siya. “Uy! Uy! Jariah!” malakas kong tawag sa kanya. Para naman siyang nagising, ilang beses na napakurap at tumingin siya sakin. Nang makita niya na wala akong top, napamura siya at mabilis na tinanggal ang suot niya na leather jacket at tinakip sa akin. “Sorry about that… Lagot ako nito kay Lor tangina.” sabi niya at natawa naman ako. “But holy s**t! You're really a cupid?!” di -makapaniwala niyang sabi. “Yeah… Sana sapat ng patunay toh. Well, kung ihuhulog mo man ako, I can fly.” sagot ko sa kanya at bahagya siyang natawa. “Akala ko nababaliw na ang kaibigan ko but he’s actually telling the truth. I’m sorry about that pinky, you're kind of cute. What’s your name?” “Emlove… It’s actually, 1,050,505, level 3 cupid. See?” at pinakita ko sa kanya ang roman numeral na naka-tattoo sa aking wrist. “Lorkhan named me and I am grateful. It’s nice to meet you, well, not like this though.” sabay tingin sa wings ko. “Pwede ko bang hawakan?” ngumiti ako at tumango. Dahan-dahan naman siyang lumapit, tinaas niya ang kanyang kamay and she touch the feathers lightly. “Wow...that’s wow…” sambit niya. Nakita ko si Mrs. Llanez na palapit sa amin at hindi din siya makapaniwala habang nakatitig sa aking mga pakpak. Maya-maya, tinago ko na ulit sila at baka may makakita pa dahil nasa labas pa naman kami. Kinuwento ko sa kanila kung paano ko nakilala si Lorkhan and what I was doing bago pa ako nagkaroon ng physical form. “Wait, so this veil that you are saying is gone?” umiling ako. Nandito na kami ngayon sa loob, nakaupo ako sa sofa, katabi ko si Mrs. Llanez na nakikinig lang at nasa couch si Jariah. “Hindi ko din alam, baka temporary lang. Kaya nga natatakot ako because anytime pwede akong bumalik at hindi niyo na ko makikita pa.” alala kong sabi at napakunot-noo siya. “Teka, sinabi mo ba toh kay Lorkhan pinky?” serysong niyang tanong. “Sinabi ko sa kanya, alam niya lahat. Pero sabi niya gagawa siya ng paraan para hindi mangyari yon. I trust him and I want to be with him, in my physical form of course. Tsaka, why are you calling me pinky?” ngumisi siya. “Hindi pa ba obvious?" nagkibit-balikat na lang ako sabay hawak sa pink kong hair. "Did he tell you that you two are mates?” tumango ako at tumingin kay Mrs. Llanez na kasama na namin. “Sinabi niya noong pinakilala niya ako kay Mrs. Llanez. Hindi ko nga maintindihan nong una pero sabi niya parang girlfriend pero mas special pa. May problema don?” bumuntong-hininga siya tapos ay ngumiti sa akin. "It's because I'm weird kaya ba hindi ako bagay sa kanya." "I would be really mad pag human ka." mahina niyang sabi pero narinig ko pa rin. "Ano bang problema pag human ako? Pati yong mga babaeng umaway sa akin ganyan din ang sinabi." "Emlove hija, si Lorkhan na lang ang magsasabi sayo sa tamang panahon. Sigurado akong mas alam niya ang nakabubuti sayo. Ang mahalaga eh maging safe ka at tutulong din kami para hindi ka na bumalik sa veil na sinasabi mo." sagot naman ni Mrs. Llanez. Tumango lang naman si Jariah tapos ay sumilay ang matamis niyang ngiti sa kanyang labi. Naku, ilang beses ng may nabiktimang babae sa ngiti niya na yan. Super playboy kasi ang lalakeng toh araw-araw yata may kasama siya sa kama. At hindi lang babae ah kundi mga tinatawag nilang cherry boys. I saw him f*cked a woman and a man at the same time once, pero hindi na naulit yon. He's also talented in that department pero feeling ko kasi tinatraydor ko si Lorkhan kaya sa kanya na lang ako dumikit. "So, have you heard about XBOX?” tanong niya at nag-perk agad ang aking mga tenga pagkabanggit nga niya sa word na yon. Mahilig itong laruin ng mga humans eh, yong may pinipindot na controller, gusto ko ding i-try yon eh. "Maglalaro ba tayo?” excited kong sabi. Tumawa siya tapos ay tumayo at may kinuha sa isa sa mga cabinet na nasa ilalim ng wall mounted TV. Pinakita niya ang hawak niya sa akin at napa-clap naman ako na parang bata. "Turuan mo kong bumaril!” "Hell yeah! Marami akong ituturo sayo pinky. Just stick with me" tumango tango lang naman ako at kinuha ang inabot niya sa aking controller. Masaya kaming naglaro ni Jariah habang si Mrs. Llanez ay busy na sa pagluluto sa kusina. I went to help her pero sabi niya mag-enjoy na lang ako sa paglalaro. Nong mga time na yon para akong nagkaroon ng kapatid while I play with Jariah. He's patient with me at marami pa siyang tinuro about sa internet. Gumawa nga kami ng profile ko sa isang social media app. Nang magsawa kami sa paglalaro, nanood kami ng zombie movies sa malaking TV. Ginawan pa kami ng popcorn ni Mrs. Llanez na masaya kong kinain. Nang lunch time na, tumawag nga si Lorkhan at tuwa kong sinagot ang kanyang call. "Hey little cupid…" malambing niyang sabi sa sexy niyang boses na kinakilig ng buo kong katawan. "What are you doing?” "Oh, katatapos lang namin na manood ng zombie movies.” sagot ko. "Ikaw Lorky? Kumain ka na?” "Kakain pa lang… Wait baby, namin? Nanood kayo ni Mrs. Llanez ng movie?” nagtataka ang boses niyang sabi. "Hindi, ayaw niya yon eh. Kasama ko ngayon si Jariah. Tinuruan niya pa akong maglaro ng XBOX, ang saya kaya.” "Excuse me? Si Jariah nandyan?” di-makapaniwala niyang sabi. Bago pa ako makasagot, niyaya ako ni Jariah na kumain na. "He's actually there?” "Yes! Gusto mo kausapin?” narinig ko ang pagmura niya sa kabilang linya at parang galit siya. Anong problema? "Lorky?” "Did you have fun with him?” sinabi kong oo at nag-growl siya. "May ginawa ba siya sayo?” napakagat ako ng labi at sinabi sa kanya ang lahat ng nangyari kanina. Narinig ko ang malalim niyang paghinga at bigla naman akong nag-alala. Ganito siya nong inaway ako ng babae sa restaurant. "Did he touch you?” "Well, hinawakan niya ang wings ko." nag-aalangan kong sabi at nagulat ako ng may narinig akong malakas na kalabog at pag-crash na parang may nabasag. Tapos ay naputol na ang linya. Nagtataka naman akong tumingin sa screen ng aking phone at nag-end na nga ang call. Ano kayang nangyari? Tinawagan ko naman siya pero hindi naman siya sumasagot. "Pinky, kain na tayo. Tama na ang harutan niyo ni Lorkhan.” sabi ni Jariah. Tumawa lang naman ako at lumakad na papunta sa kusina. Umupo na ako at nagsimula na kaming kumain. Sarap na sarap ako sa mga niluto ni Mrs. Llanez pero nagulat kaming lahat ng bigla na lang tumapon sa ere ang pinto ng penthouse. Pumasok ang galit na galit na si Lorkhan, nago-glow ng husto ang mga gold niyang mga mata, yong buhok niya tumatayo at may fangs siya sa loob ng kanyang bibig. Nakatuon ang mga mata nito kay Jariah, at malalim ang boses siyang nag-growl. Deep and dangerous… "Oh f*ck…" sambit naman ni Jariah at mabilis itong tumakbo papunta sa malawak na balcony. Mabilis din siyang hinabol ni Lorkhan at napatulala na lang ako. What the hell just happened?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD