Inis akong napa-roll eyes at namewang ng nadatnan ko na natutulog pa rin si Eros nang puntahan ko na naman siya sa kwarto niya kahit ginigising ko na siya kanina pa. Nakanganga at naghihilik pa ang loko na akala mo ay pagod o puyat eh wala naman siyang ginawa buong araw kahapon kundi nanatili na nakahiga sa kanyang kama. Pinagbigyan ko siya kasi nga nagka-injury siya sa pakikipag-away niya sa isang Siren nang pumunta siya sa Mystic Barrage para uminom. Magaling na siya actually pero pinagbigyan ko lang siya kahapon para makapag pahinga siya at makapag-isip na rin sa naging confrontation naming dalawa. Humingi siya ng chance sa akin tapos ganito naman ang gagawin niya. Akala ko nga may character development na after ng aming emotional na pag-uusap pero heto, natutulog pa rin at mukhang wala

