Dinaluhan agad ako ni Millian sa sobra kong pag-iyak at pagsisigaw sa pangalan ng aking mate at pilit na inilayo niya ako sa wala ng malay na si Lorkhan. Humihinga pa naman siya pero, shallow na lang at hirap na. Ang dami na ding dugo na lumalabas mula sa kanyang sugat na ayaw tumigil, na hindi gumagaling. Agad na lumapit ang kanyang mga sentinels at tinakpan ni Kiba ang kanyang sugat gamit ang isang tela. Binuhat siya nina Nanuq at Aquila at dinala sa village at sinundan naman namin sila. Dinala siya sa clinic at inihiga sa isang stretcher, nilapitan siya ni Ashani at pati na rin ang doctor ng Feline Clan at agad nila itong ginamot. Nakita ko si Jariah na duguan at puno ng sugat ang kanyang katawan habang nakahiga rin sa isang stretcher si Seven. Nagulat ang matalik na kaibigan ni Lorkha

