She's Real

3473 Words
Lorkhan’s POV Red! All I see is red nang mawalan ng malay ang aking cupid while she is in my arms. Akala ko nawala na siya sakin ng pumikit ang kanyang mga mata but I can still hear her heartbeat. Mukhang napagod lang siya sa kanyang pinagdaanan. Kitang-kita ko ang kanyang mga tinamong sugat, naaamoy ko ang kanyang dugo at sa punit niyang damit at alam ko kung anong balak na gawin sa kanya. Lalo na at naaamoy ko ang scent ng coyote shifters na nakadikit sa kanyang katawan. Gusto kong magwala, gusto kong patayin ang mga taong gunawa nito sa kanya pero hindi ko siya pwedeng pabayaan. I need to take care of her, ayokong may humawak sa kanya na iba pa, my beast can’t take it, he’s mad angry at pareho lang kami. Maingat ko siyang binuhat at nag make way ang mga sumama sa akin na hanapin siya. Dinala ko siya sa aking office at nagpasalamat ako kay Mama Sha na inayos ang long chair sofa na naroon. Pinahiga ko siya ng padapa dahil sa malalim siyang kalmot sa kanyang likod. It must be painful ng ginamit niya ang kanyang wings para pumunta rito. She knows na agad kong siyang mahahanap pag nandito siya na malapit sa akin. Inabutan ako ni Jariah ng medicine kit tapos ay lumabas muna sila para may privacy kami pero hindi ko pinalabas si Mama Sha in case lang na hindi ko alam ang ginagawa ko para gamutin siya. Dahan-dahan kong tinanggal ko ang napunit niyang damit at pati na rin ang kanyang bra. Napa-growl ako ng makita ang lalim ng kanyang sugat, ang nabutas niyang balat sa kanyang isang braso. Pinigilan ko ang sarili ko na huwag sumugod sa kapatid ko at pagbayarin sa kanyang ginawa. There’s another time for that. I tolerated her sa lahat ng bagay but hurting my mate is too much! Namamaga pa ang kanyang mukha at may sugat siya sa labi. My heart clench as I see her state in but I am very proud of her at lumaban siya at hindi nagpatalo. Si Mama Sha ang nag-abot sa akin ng mga gagamitin ko at sinasabi rin niya kung paano ko gamutin ang mga sugat niya. She kept her distance dahil alam niya ang sitwasyon ngayon. Hindi siya nagtanong, sinuportahan niya lang ako at pinakakalma habang ginagamot ko ang aking cupid. The claw marks on her back were really deep, a proof that she struggled so much, na lumaban siya despite na dalawang shifters ang may masamang balak sa kanya. “She’s my mate Mama Sha…” sabi ko sa kanya nang matapos ko ng lagyan ng bandage ang kanyang mga sugat. Bukod kay Mrs. Llanez, tinuring ko na rin siyang ina dahil sa pag-aalaga niya hindi lang sa akin kung hindi pati na sa mga kasama ko. Lumingon ako sa kanya at nakangiti siya pero parag maiiyak. “I’m so happy for you…” tuwa niyang sabi. Niyakap niya ako at hinalikan niya ako sa pisngi. “Mabuti at natagpuan mo na siya, you have been waiting for a long time.” “Oo nga, her timing was perfect.” nakangiti kong sabi sabay tingin kay Emlove. “Ipapakilala ko siya sayo pag nagising na siya.” “Salamat hijo… Human ba siya? She smells different though.” “No, she’s more. Hindi kayo maniniwala pag sinabi ko sa inyo. She’s not from this realm.” nagtataka siyang tumingin sa akin at bahagya akong natawa. “She’s a cupid.” “A cupid?” naguguluhan niyang sabi at tumango ako. “The ones with bow and arrows ganon? Making people fall in love.” tumango ulit ako. Tumawa naman siya at pinalo niya ako sa braso. “Lorkhan! Huwag ka ngang magbiro ng ganyan, hindi sila totoo!” natatawa niyang sabi at bahagya lang akong ngumiti sa kanya. Hinaplos ko ang kanyang pisngi at noo habag nakatitig lang ako sa aking magandang mate. “Yan din ang alam ko Mama Sha.” umupo ako sa sahig kaharap ng hinihigaan niya at masuyo kong hinawakan ang kanyang kamay. "She's not even safe in my own home anymore. Kailangan muna kaming lumipat.” "Kung totoo man na cupid siya gaya ng sabi mo, mabuti at nakatakas siya mula sa mga tauhan ng kapatid mo. Does she heal easily?" "It takes some time, baka bukas magaling na lahat ng sugat niya." at dinampian ko ng halik ang kanyang kamay. "Well that's good… Kasi pag human siya baka hindi niya matagalan ang mga sugat niya lalo na sa kanyang likod." napa-growl ako, pilit na pinipigilan ang aking sarili. I thought I almost lost her ng makita ko siya sa rooftop. Do you know what's frustrating? She was happy to see me! Despite of what my sister did, ako pa rin ang hinahanap niya. "Mama Sha, huwag mo munang sabihin sa iba na natagpuan ko na siya." pakiusap ko sa kanya at pumayag naman siya. Napa-growl ako ulit ng may kumatok sa pinto. Binuksan niya ito at sumilip si Jariah na may dalang mga damit at mga pagkain, kasama rin niya si Mrs. Llanez kaya pinapasok ko silang dalawa. Napansin ko na may gumagaling itong pasa sa braso at mukha at muntik ko ng hindi mapigilan ang galit ko. Damn that woman! "Ayos lang kayo Mrs Llanez?" alala kong tanong sa kanya. "Ayos lang ako hijo, sorry at wala akong nagawa. Ayaw akong masaktan ni Emlove pero alam mo namang hindi tumutupad ang kapatid mo. But all is well, half shifter din naman ako." sabi niya. "Kumusta si Emlove?” natutop nito ang bibig ng makita niya ito na nakadapa sa sofa. "Oh Lorkhan, I'm so sorry…" naiiyak niyang sabi. "No Mrs. Llanez, sorry at nangyari sa inyo toh. Lagot na naman ako sa asawa niyo." "Huwag mo ng alalahanin yon ang importante eh maalagaan mo ng mabuti si Emlove. Gulat nga ako at nandito ka pa, hindi mo sinugod sa penthouse si Sabira." "Nasa penthouse pa pala siya." tumingin ako kay Jariah at tumango lang siya sakin. Nilagay niya sa table ko ang mga hawak niya at lumabas na siya. "Nagdala pala ako ng mga pagkain, siguradong gutom siya pag nagising na." nagpasalamat naman ako. Lumapit ito kay Mama Sha at nagbatian sila tapos ay nagsimula na silang mag-usap. Kumuha ako ng malaking tshirt na dinala ni Jariah, bumalik ako sa tabi ni Emlove, dahan-dahan kong sinuot sa kanya ang damit tapos ay hinawakan ko ulit ang kanyang kamay. Ilang oras ang nakalipas nang maka-receive ako ng call ni Jariah. "I caught her, she was crazy wild though. Put her to sleep, dinala na namin siya dito sa dungeon." sabi niya sa akin nang sinagot ko ang tawag niya. "Chain her with silver, yong mga tauhan niya, huwag mo silang gagalawin. I'll take care of them once na maging okay na si Emlove.” utos ko sa kanya. “Thanks Jar, siguraduhin mo na walang makakaalam nito." "Ako na ang bahala. Uhm, tawagan mo ko pag nagising na siya." bahagya akong napangiti dahil sa naririnig kong pag-aalala sa boses nito. "Sure…" at in-end ko na ang call. Pinapasok ko na rin si Rover sa office ko at si Orson ang nagbantay sa pinto. Nakita niya din naman si Emlove, I need also to tell him who she is at huwag niyang sasabihin sa iba. Nanatili kaming lahat sa office, nagpadeliver din kami ng dagdag na pagkain para sa amin na nandito. Nandito na din si Esben, ang clan leader ng Heavy Clan dahil nag-aalala siya sa kanyang asawa. I'm just kind of worried dahil may ilan ng nakakaalam na natagpuan ko na ang aking mate. I just hope na hindi nila ito sasabihin sa iba lalong-lalo na sa mga clan na hindi ko kasundo. Hinaplos ko ang cute na mukha ni Emlove na mukha namang mahimbing na natutulog. I wonder what she felt nang makaharap niya ang kapatid ko. We were just talking about my family last night and the one person na ayaw kong makilala niya ay yon pa talaga ang nakilala niya sa penthouse. Pinaglalaruan ba ako ng pagkakataon? Ayon sa kwento ni Mrs. Llanez, hindi maganda ang reaction ni Sabira ng makita niya si Emlove. Binantaan pa siya nito na huwag akong tatawagan o sinuman na tauhan ko. I'm sure my little cupid is very scared and very brave for fighting off those coyote shifters. Wala ring nagawa ang mga tauhan ko na nasa condo building dahil mismong sila ay inutusan ni Sabira na huwag sasabihin na nandoon siya. Nakakainis! Nakakagalit! Pero galit din ako sa sarili ko because for the second time, hinayaan ko siyang masaktan at mas malala pa ngayon. Dahil hindi na ligtas sa penthouse, sa penthouse suite na lang kami ng hotel na pag-aari ko titira pansamantala. Mas safe siguro doon at sisiguraduhin ko na hindi na makakapasok ang sinuman sa aking pamilya. I've tolerated them for a long time and I guess this is the last straw. Hurting my mate is a grave offense at wala akong pakialam kung sasabihin niya na hindi niya alam. But Emlove and even Mrs. Llanez said to her who she was. Hindi lang siya nakinig, hindi naman siya nakikinig in the first place. Natigilan ako nang mapansin na kumurap ang mga mata ni Emlove tapos ay unti-unti siyang nagmulat ng mga mata. My heart clench as she search her eyes tapos ay napangiti siya ng makita niya ako. "Lorky…" mahina niyang sambit. Ngumiti naman ako at hinalikan ang kanyang noo. Emlove's POV Amoy na amoy ko ang manly scent ni Lorkhan nang magising ako. Hindi na gaanong masakit ang aking katawan pero masaya ako dahil nasa aking tabi na ang aking mate. Kahit nakapikit ako, alam kong nandyan siya at meron rin akong naririnig na ibang mga boses. Unti-unti kong minulat ang aking mga mata at napangiti ako nang makita ang kanyang gwapong mukha. "Lorky…" sambit ko. Ngumiti rin siya at masuyo niyang hinalikan ang aking noo. "How are you feeling, little cupid?" malambing niyang sabi sa akin. Nanatili akong nahiga at pinisil ko ang kanyang kamay. "I'm sore… Not that kind of sore when we get rough on the bed though." napatawa siya at hinalikan niya ag aking kamay. "I know, baby. Ginamot ko na lahat ng mga sugat mo. Kumusta ang likod mo?” alala niyang sabi at hinaplos niya ang aking pisngi. Hindi na gaanong masakit ang aking katawan, may kirot na galing sa mga sugat ko pero hindi na malala gaya ng kanina. Hindi na din ako nanghihina which is a good thing. "Hindi na gaanong masakit, I feel better. Thank you…" tuwa kong sabi at hinalikan rin ang kamay niya. "Buti na lang pumunta ako rito, nahanap mo ako kaagad." "Yeah, lumipad ka ba? Baka may nakakita sayo." at hinawi niya ang buhok na nasa mukha ko. "Wala naman siguro, nag-ingat naman ako. Mahirap nga lang dahil sa sugat ko." natawa ako ng maalala ko ang ginawa sa shifters na manyak na nasa elevator. "Lorky, naisahan ko sila sa elevator. Malakas kong sinipa at sinuntok sila gaya ng tinuro sa akin ni Jariah." "Good work, I'm very proud of you Emlove." tumawa ulit naman ako. "Lorky, nasaan ba tayo?” nagtataka kong tanong at tumingin sa paligid habang nakadapa pa rin ako sa mahabag sofa na kinhihigaan ko. “Nasa Fierce Tower pa rin tayo, nandito ka sa office ko.” sagot niya. “Ang laki naman! Eh bakit may cute na guy na nakatitig sa akin?" tanong ko ulit sa kanya nang makita ko ang isang lalake na cute naman talaga. Para siyang athletic player, boy next door type. Dark blonde, wavy hair, athletic build, matangkad, baby blue eyes at mahaba ang kanyang pilikmata. Lumingon siya at nag-growl siya sa lalake, umiwas naman ito ng tingin agad. Napansin ko rin na may iba pang mga tao kung nasaan ako. Natuwa rin ako ng makita si Mrs. Llanez at bumangon ako. Napaaray ako ng konti at lumapit naman ito sa akin. Agad ko siyang niyakap ng mahigpit. "Mabuti naman at okay lang kayo. Hindi ka ba niya sinaktan?" alala kong sabi at tinignan siya. "Ayos lang ako hija. Maraming salamat sa pagtatanggol mo sakin." naiiyak niyang sabi. "Ikaw? Ayos na ba ang pakiramdam mo?” "Medyo masakit na lang po ang katawan ko hindi kagaya noong una. Sorry kung pinag-alala ko kayo." tumabi si Lorkhan sa akin at inakbayan ako. "Ang importante ay safe ka. Gutom ka na ba? May pagkain dito, nagdala din ako ng chocolates." napangiti naman ako. "Salamat Mrs. Llanez!" natigilan ako ng may tumikhim at tumingin ako sa mga tao na naroon na hindi ko pa kilala. Nakatitig silang lahat sa akin at nahiya naman ako. "Emlove, sila nga pala ang dalawa sa mga clan leaders, Shakira and Esben." pakilala niya sa babaeng kaedad na Mrs. Llanez at lalake na 7ft. ang laki na may pagkakahawig kay Orson. As in napaangat ng husto ang aking ulo dahil sa tangkad niya. "Siya ang asawa ko Emlove." sabi ni Mrs. Llanez at napakurap naman ako. "Kayo ah… Ang swerte niyo naman…" pabulong kong sabi sa kanya at napahagikgik pa kaming dalawa. "Hello po clan leaders!" bati ko sa kanila. "Ako nga pala si Emlove, short for cupid one million, fifty thousand, five hundred and five, level 3. Pasensya na at ganito tayo nagkakilala. Sila ba ang kina-meeting mo Lorky?” tumango siya. "Wait, Shakira po ang pangalan niyo? Like the singer?" tumawa ito at tumango. "Oo hija, pero tawagin mo lang akong Mama Sha. Mabuti at nagkakilala na tayo." "Teka, sinabi mo bang cupid?" nagtatakang sabi ng asawa ni Mrs. Llanez. "Lorkhan, anong kalokohan ito?" at tumingin ito sa aking katabi. "Well, she is…" sabi ng cute na guy. "Look at those freakishly, beautiful, pink, heart eyes of hers, his hair is pink at iba ang scent niya. Not a human and not like us. Ako nga pala si Rover." pakilala ng cute na guy and showed me his sexy smile. Medyo kinilig ako don at napansin atah yon ni Lorkhan kaya hinapit niya ako palapit sa kanya. "Pero isang cupid na imahinasyon lang ng mga tao?" hindi makapaniwalang sabi ni Esben. "Esben ano ka ba! Nakakilala ka na nga ng fae, fairies na imahinasyon rin ng mga tao. Sa cupid hindi ka naniniwala." pagalit na sabi ni Mrs. Llanez tapos ay binalingan niya ako. "Huwag mo na siyang pansinin Emlove, matanda na kasi…” at pinaningkitan nito ng mga mata ang asawa at tahinik lang akong tumawa. “Kukuha lang ako ng pagkain mo." nagpasalamat ulit ako. "Hindi din naniwala nong una si Jariah and I showed him my wings. I can show you too pero bukas na lang po ha pag magaling na ang likod ko." "May wings ka hija?" tanong ni Mama Sha at tumango ako. "Well, I'd like to get a look at it pag handa ka na." "Uhm, no offense po pero anong shifter po kayo?” tanong ko at ngumiti siya. "I'm a half bouda, my dear." nakangiti niyang sagot. "Bouda?" taka kong sabi. "Hyena baby…" sabi naman ni Lorkhan. Napa-side ang aking ulo at tumingin sa kanilang dalawa. "Di ba mortal enemies yon ng lion?” nagtataka kong sabi at natigilan silang lahat. Malakas na tumawa si Rover na parang nagpagising sa kanila. "Saan mo naman nakuha yan Emlove? Internet?" "Hindi Lorky, sa Lion King! You know, circle of life…" pakanta ko pang sabi at nakatitig lang siya sakin. "Pinanood namin ni Jariah." nahihiya kong sabi at patuloy na tumawa si Rover. "Tama ka naman don hija pero sa family lang siguro ni Lorkhan. We are good friends with him." si Mama Sha. "Naiintindihan ko naman yon Mama Sha, he's sister is nasty." sabay tingin ko sa kanya. "Sorry, not sorry!” "I agree with you baby…" malambing niyang sabi. "Ang mabuti pa kumain ka na muna at tatawagan ko lang si Jariah." tumango lang ako. Tumayo naman siya at lumabas pero sumunod sa kanya si Mama Sha at Esben. Nang makalabas sila, inabutan naman ako ng Mrs. Llanez ng pinggan na puno ng pagkain. "Grabe Mrs. Llanez akala ko ang laki na ni Orson pero mas malaki pala ang asawa mo at infernes gwapo siya." tumawa naman ito at umupo sa katapat kong upuan. "Yeah, tinanggap pa rin niya ako kahit hybrid ako. Marami din naman kaming napagdaanan, clan leader siya samantalang ako half human." "Masama po ba yon? Half shifter ka pa rin naman." "Kasi nga Em, mahina ang tingin ng kagaya namin sa mga humans." sabat ni Rover. "Mabuti nga at hindi ka katulad nila." "Well, mukhang hindi maniniwala ang mga clan leaders na cupid ako. Kailangan ko pa talagang maging nas malakas. Swerte ko at natakasan ko ang mga manyak na lalakeng yon." "Buti nga nahanap ka kaagad ng Beast King. Magwawala na sana yon pero mas inuna niyang alagaan ka. Lorky ba ang nickname mo sa kanya?" tumango ako. "Wow… to call the Beast King that, mate ka talaga niya." nagkatawanan kami ni Mrs. Llanez. "Do you have some cupid friends? Pakilala mo naman ako." "Pareho ang nase-sense ko sa inyo ni Jariah. Mahilig ka din bang makipag-s*x sa lalake at babae at the same time?” natigilan siya at napakurap. Bumukas naman ang pinto at pumasok si Jariah na may dalang boxes na amoy masarap! "Don't answer that!" inis nitong sabi sabay talim ng tingin niya sa akin. "What the hell Pinky?! Kagigising mo pa lang, tsinitsismis mo na ko." tampo niyang sabi. "Ano yan?" sabay turo ko sa kanyang hawak. Tumabi siya sa akin at pinakita niya kung anong laman non. Namilog naman ang aking mga mata ng makita ang different dessert cookies at donuts sa harap ko. Bago pa ko makakuha, nilayo niya ang ito at napanguso naman ako. Sinabihan niya akong ubosin muna ang pagkain ko. "Grabe ka, ito talaga ang nakita mo ah." nakangiting sabi niya sakin. "You okay?" ngumisi naman ako. "Yeah, I kicked their asses good!" tumawa siya at ginulo niya ang buhok ko. Pumasok na din naman ssina Lorkhan at tumabi ulit siya sakin. Sinubuan pa niya ako at nang maubos ang nasa aking pinggan nilantakan ko na ang pasalubong ni Jariah. Gumaan agad ang pakiramdam ko dahil andito ang mga taong nag-alaga sakin. Nadagdagan pa ng tatlo, magaan ang pakiramdam ko kila Mama Sha, Rover na apo pala niya at kay Esben na mukhang nagdududa pa rin sa akin. Tumikhim siya ulit at tumingin ako sa kanya. “Emlove, pwede mo bang sabihin sakin kung paano ka napadpad rito?” tumingin ako kay Lorkhan. "It's okay baby, you can tell them. They can be trusted." nakangiti niyang sabi sa akin at tumango ako. "Okay! Sabi mo eh!" pagkasabi non, kinuwento ko sa kanila ang nangyari, ang unang pagkikita namin ni Lorkhan and how do I work before I got a physical form. Nakinig naman sila sa lahat ng sinasabi ko at ng matapos na akong magkwento may naramdaman na lang ako na kakaiba.Napapikit ako ng aking mga mata, sumakit ang aking ulo at feeling ko may humahatak sakin. May naririnig din akong boses na hindi ko maintindihan. Mas lalong lumakas ang pakiramdam ko na may humahatak sa akin. Then with a snap, na parang may naputol, nawala ang feeling na yon. "Emlove?" nagmulat ako ng mga mata at ngumiti ng makita ang nagtatakang mukha ni Lorkhan. Hinawakan niya ang aking mukha at lalo pa akong ngumiti ng ma-feel ko ang sparks mula sa kanyang hawak. "You okay, little cupid?” “Yeah, medyo nahilo lang ako…” “Ang mabuti pa umalis na kami para makapagpahing ng mabuti si Emlove.” sabi ni Mama Sha at tumayo sa kanyang kinauupuan. Ganon din si mrs’ Llanez at ang kanyang asawa na nagpaalam na rin. Maya-maya kami na lang tatlo ang natira sa office at magana pa rin akong kumakain ng mga masasarap na cookies. “”So. what’s the plan?” tanong ni Jariah kay Lorkhan at napahinga naman siya ng malalim. “Doon muna kami sa hotel titira, gather some men para i-transfer lahat ng mga gamit namin doon. Get help from Mrs.Llanez.” tumango lang siya tapos ay nagpaalam na rin. Tumingin ako kay Lorkhan nang kami na lang ang nasa office. Nagulat siya ng biga akong umupo sa kanyang lap, hinawakan ko ang pagkabila niyang pisngi at binigyan ko siya ng mainit na halik sa kanyang labi. “I miss you Lorky…” malambing kong sabi at napatawa naman siya. “I miss you too baby… But whatever your thinking in that naughty little head of yours, it’s not gonna happen. Kailangan mo ng pahinga.” “Lorky naman eh!” angal ko pero umiling lang siya tapos ay niyakap niya ako. Yumakap na rin ako sa kanya, his scent engulfing me, making me feel safe than ever.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD