Maraming warriors ang nakaabang na sa labas ng lumabas na ako ng palasyo. Nakasuot lahat sila ng suit at maging ako rin. Nasa harap ng grupo ang aking sentinels pati na rin ang dalawang cupid na si Millian at Seven, at si Erasmus na black shirt lang ang suot. Karamihan sa kanila ay sa mga hanay ng mga kakampi kong Clan, ang ibang Clan nag-iwan lang ng iilan nilang warriors para masabi lang na tumulong sila. Umuwi na nga sila ayon kay Rosenda na full force ang warriors niya. Nagustuhan na din niya kasi sa Emlove at narinig niya rin sa mga clan members niya ang mabait nitong pagturing sa kanila while doing the makeover. Ang ibang mga warriors at Clan Leaders ay maiiwan dito para magbantay. Sina Rune at Mama Sha ang sasama sa amin para daw mabatukan niya ang kanyang apo. Pinaliwanag ko sa kan

