Sabay kaming bumaba ni Jariah ng sasakyan nang tumigil ito sa harap ng isang castle-like mansion located sa dulo ng village. Hindi ko akalain na ganito pala ang lugar nila, a place that is detach from the humans at napapaligiran ng kagubatan. Hindi ko alam kung gaano kalaki ang kanilang lugar pero mapapansin mo talaga ang stone walls na nagsisilbing proteksyon ng village. Parang kuntento na sila rito at hindi na kailangan pang pumunta sa lungsod dahil nandito na lahat ng kailangan. It's just like a small kingdom, the homes are like cottages, and the people were not really welcoming. Naiintindihan ko naman kasi bigla na lang kaming sumulpot. Akala ko nga babatuhin kami ng kamatis or something dahil nga sa sitwasyon. Hindi pa namin nakikita ang mga elders, ang ibang warriors at ang Beta lang

