"Wag ka na mag po parang antanda ko naman."Sambit ni ate gene at tumango naman si nicole
"Di po ako pwede, ang OA ng kuya ko hindi ako papayagan nun"Sabi ko napanguso
"Ang cute mo naman mukha kang baby duck"Sabi ni nicole, at pabirong pinisil ang aking pisngi
"Sure ka ayaw mo?"tanong ni nicole habang may hawak itong Can ng beer
"Ayaw bawal, ayaw ni kuya eh"Sabi ko at pumikit
"Beh hindi nakakalasing to, mag pritz ka nalang. Don't worry di nakakalasing yan parang Sprite lang"Sabi ni ate gene at narinig ko ang paglapag nito ng bote sa harap ko
"Seryoso ka teh?iinomin ko yan ng may takip?"Tanong ko habang turo ang bote
"Syempre hindi kelan ka nakakita
Ng tao na umiinom ng may takip akin na nga"she said and took, at the same time close to her mouth and she opened it with his mouth
"The heck?, didn't you break your teeth there?"tanong ko dito at saka kinuha yung hawak niyang boteng binuksan niya
"Ay Ang taray hailey Bieber yarn?"
Sambit ni ate Aeryn
"Hala teh may nahulog atang ngipin dito, charot"Biro ni nicole
"Ano ba kayo talent yun"Sambit niya at ngumisi pa bago sumandal
"Well wow Ang unique ng talent mo noh?"Sambit ni ate Aeryn
"Ako pa ba?"Mayabang na sambit nito at tinuro pa ang sarili
"Abriahna Gene Mercado the multitasker rich girl na....magunthe"
Saad ni nicole
"Hala buti ka pa naa-apriciate mo yung ganda ko, palibhasa pareho tayong maganda apir!"Sabi nito at ang apir sila ni nicole
"Ang hangin ata ate Aeryn"Sambit ko at humarap kay ate Aeryn
"Oo nga eh nasa signal number 5 na ata kulang nalang tubig na bumabagsak"pag sakay Naman ni ate Aeryn
NAPUNO ng tawa ang pag kekwentuhan namin nila ate Gene
Panay lang kami kain at pagkekwentuhan.
"Hahahahahahahaha shuta ka!"
"Ampangit ni francis sa picture na yan hahahaha"
"Hahahahahaha, m-ma-mamamatay n-na ako kakatawa hahahahaha"
"Hoy ano yan, anong naririnig kong binanggit mo ko?"Bigalang tanong ni francis
"Hala shuta andito na siya itago mo dali!"Sabi ko at niyugyog si nicole
"Hoy ano yan?"Sambit ni francis at lumapit sa kapatid niya
"Hala!wala!'Sabi naman ni nicole at itinago sa likod ang cellphone niya
"Thalianna Cia!uminom ka!?"tanong ni kuya
"Luh onti lang naman tska di naman nakakalasing hahahaha"Sabi ko at tumawa
"Mukha kang lasing"Sabi niya
"Ay grabe!"Saad ko at hinampas siya
"Tara na uuwi na tayo, nakauwi na
Sila mommy"Sabi niya at kinuha yung bag na dala ko
"Ano!weh?"
"Oonga, lagot ka uminom ka"Sambit nito at nauna mag lakad
"Sige bye ate gene!bye ate Aeryn!bye nicole!"kumaway ako saka sumunod kay kuya
Nang pag kababa namin sa kotse, ay may kinuha si kuya sa kanyang bulsa
"Oh"Sabi nito at sabay abot ng buble gum na kulay green, siya na mismo ang nagbukas nito
"Baki-"Hindi ko na natuloy sasabihin ko ng isinungalngal niya sakin ang bubble gum sa bibig ko
Aba!
Nauna siyang pumasok at nakasalubong namin sila mommy at papa
"Ay h-hi mommy!"Sabi ko at kumaway pa
"Oh saan kayo nangaling?"tanong ni mommy, hala! Papagalitan ako pag nalaman na uminom ako
Sasagot na sana si kuya ng ako ang magsalita
"Ay wala po mommy gumala kami opo, diba kuya?"tinignan ko si kuya at pinlakihan ng mata
"Ah yes, mommy dyan lang sa tabi tabi"Sabi naman ni kuya at ngumiti kila mommy
"Oh wala ba kaming kiss dyan?"Tanong naman ni mommy
"A-ah mommy-"
"Mommy mamaya na mag bibihis daw muna si bunso. Si daddy muna ikiss mo"Sabi ni kuya at hinila ako papunta sa hagdan
"Aray!"Daing ko ng tumama ang tuhod ko sa hagdan
"Ayan!ta-tanga tanga!Inom pa sige"bulong nito
"Sige next time dadamihan ko-aray"
Napahawak naman ako sa ulo ko ng malakas niya akong binatukan
Sakit nun ah.
Pagkaakyat namin ay dumiretso ako sa kwarto ko at ibinaba ang bag ko sa kama, saka pumasok sa banyo
Pagkatapos ko maligo ay nag pink over size t-shirt at saka black na shorts
Ng lumabas ako sa kwarto ay nakasabay ko si kuya na kakalabas din sa kwarto
Ay hindi ako pinansin galit padin
Agad akong lumapit at kumapit sa braso niya"kuya galit ka pa?"tanong ko dito, napatingin naman ito sakin at inirapan ako
"Hindi, pero pag inulit mo ulit magagalit ako"Sabi niya
"Promise hindi na....pag nag 18 nalang ako hehehehe"Saad ko namam bago kami bumaba ng sabay
Pagkatapos namin kumain ng sabay sabay, ay napagdesisyonan muna namin nabmanood ng movie
"Sabi sayo eh honey mamamatay yung bida"Sambit ni dad kay mom na umiiyak dahil nga sa namatay ang bidang lalaking pinapanood namin
"Oo na, naaawa ako Sa asawa niya, naiwan sila ahushuhu"Mangiyak ngiyak na saad ni mommy
"Tsk mommy, iba naman panoodin natin"Sabi ko at kinuha yung remote sa kanya
At pinili ko talaga yung horor genra, para naman masaya
"Cia!wag yan"sabi naman ni Mommy
"Oonga cover palang ang pangit na ng multo"saad ni kuya
"Yan nalang, nakita ko sa sss maganda daw yan"Sabi ko at ni-play ko na ito
"Pag ikaw natakot, hindi ko ililipat Yan"Sambit nito at hinablot ang remote sa kamay ko
"Talaga."Sabi ko at umirap
"Ahh!!!"sigaw namin ni mommy at sabay takip ko ng mata ko gamit ang unan
"Ahh!gago nasa likod mo!"Sigaw naman ni kuya na ang itinutukoy ay yung bidang babaeng pinapanood namin
"Angelo! you're words"Sambit naman ni mom
"Sorry po"Sambit naman ni kuya
"Takbo na!"pagpapatuloy niya sa pagsabi ng dapat gawin ng bida, hindi naman siya naririnig nito.
"Ang bobo naman"painis na saad ni kuya
"Edi sana pala ikaw nalang nag director diba?"Sambit ko naman
"Shut up"Sabi nito at umirap, sabay kain ng popcorn
"Pahingi naman sinosolo mo na eh"Sabi ko at sabay abot sa mangkok na hawak nito
Inilayo naman nito iyon"heh! May kasalan ka pa sakin, kaya akin muna to"Pagdadamot niya
"Anong kasalanan?"tanong ni papa
Hala gagi, hindi niya pwede malaman
"Ah wala yun pa secret namin yun ni bunso"Sabi ni kuya at patuloy na kumakain ng popcorn
Ah ayaw mo mamigay ah
"AHH!KUYA NASA LIKOD MO SI JANICA!"sigaw ko, janica ang pangalan ng multong pinapanood namin
Napatalon naman ito at tumapon ang popcorn sabay sigaw din nito"Ahhh!ASAN!?"
"hahahahahaha!"Pagtawa ko at napailing, hindi na ako makahinga kakatawa"k-kuya takot! hahaha-a-ah!ah!"Pag ubo ko ng mabulunan ako sabay hawak ko sa lalamunan ko at si mommy ay hinahaplos ang likod ko, si papa naman ay binigyan ako ng baso ng juice, saka ko ito ininom
Si kuya naman ay tawa ng tawa"hahahaha!Ang bilis ng karma!"Sambit nito at patuloy na tumatawa
"Tama nayan matulog na tayo"Sambit naman ni mommy"pumunta na kayo sa mga kwarto niyo"
Agad naman akong yumakap kay mommy"Sa kwarto niyo ako matutulog mommy, please"Sabi ko
"Ako din!sa kwarto niyo din ako matutulog"Sabi naman ni kuya
"Sige na nga"Sambit naman ni mommy, at masaya kaming nagtungo sa kwarto nila
Ako ang nasa couch at si kuya ay naglagay ng makakapal na blanket sa baba at sa tabi ng couch na kina hihigaan ko
"Kuya"tawag ko dito, medyo mahina ang boses ko para hindi magising sila mommy
"Hmm?matulog ka na."sabi naman nito
"Nakikipag kita si armand"pag kukwento ko
"Ngayon?"
"Syempre bukas pa ito naman"
"So what?ikakasal na kayo, sa tagal niyong magkaibigan impossibleng hindi mo siya mahalin"Sabi nito
"Yun na nga eh kuya, mahal ko siya..mahal ko siya bilang kaybigan,
Ayokong masayang ang friendship na pinagsamahan namin."
"Subukan mo. Subukan mong mahalin siya, kahit ako ayaw pa kitang ikasal kasi ikaw ang bunso at napaka bata mo pa, ayaw kitang nasasaktan."
"I'll try."huling sambit ko, bago ako lamunin ng antok
"Madam!gumising ka ng hatdog ka, alas diyes na!KALTOKAN KITA DYAN EH!"Nagising ako sa ingay ni kuya at sa pag bato niya sakin ng unan
"Ano bayan!kuya naman ih!"Reklamo ko sakanya sabay talukbong ng kumot
"Gago!andito na si Armand, bobo!bumangon ka!"Sambit pa niya
"Oo eto na nga oh nakatayo na!"Sambit ko at padabog na pumunta sa kwarto ko
Naligo at nagbihis ng skinny jeans , at Long sleeve na blouse, kulay light pink ito. Sinuot ko ang salamin ko minsan ko lang to sinusuot dahil mababa lang naman grado ko. Sling bag naman ang dala ko at doon nakalagay ang phone, wallet at lipstick, sempre para naman hindi ako magmukhang maputla
Pagkatapos ko magbihis ay lumabas na ako ng kwarto at bumaba
Naabutan ko sa sala sila kuya at Armando na naguusap
"Kuya"Tawag ko kay kuya
"Andito na pala siya eh, oh yung bilin ko"Sambit nito kay Armand saka umakyat papunta sa kwarto nito
"Goodmorning"Bati nito sabay ngiti
Tumango ako ng bahagya
"Goodmorning" hala gagi pinagintay ko ba siya?
"So? let's go?"
"Sige"
Binuksan nito ang pinto sa shotgun seat at dun ako umupo, pagkatapos ay siya naman ang umupo sa driver's seat. Hindi ko alam kung saan kami pupunta, sabi niya sa library, hindi ko alam naliligaw na ata kami ni armand
"hey, i thought we'd just meet at the library nalang?"Pagsisimula ko at tumingin sa kanya
"I thought you weren't going, your tulog pa pala that time"he said also looked at me for a moment before looking again at the road
Napatango ako ng bahagya at saka tumingin sa daan
"Teka, san ba tayo pupunta?"Tanong ko
Hindi siya sumagot at nag stop sa tapat ng convinience store