Alliah Imbes na magalit ay ngumiti lang si Froi at sinapo ang panga niyang nasuntok ni Riosh. Tumayo siya ng dahan-dahan sa pagkakabagsak sa sahig at pilit na hindi iniinda ang tumamang katawan. Pumagitna naman sa kanilang dalawa si Kuya Silas at masama ang tingin nito kay Riosh. "Ano bang problema mo? Ako ang nagdesisyon na iuwi si Alliah sa bahay at walang kinaliman si Froi do'n." seryoso niyang ani. Napahilamos sa mukha si Riosh at huminga ng malalim. "And he wants Alliah to leave this apartment because he envies Sergio for courting her." sabi niya at sandaling tinignan si Sergio. Sinundo ako ni Kuya Silas sa restaurant at nagkaroon kami ng argumento. Pinipilit niya akong umalis sa apartment at kahit anong pagmamatigas ang gawin ko na hindi ako sasama sa kanya ay hindi niya ako pina

