Alliah Lumipas ang sabado at linggo, ngayon ay lunes na. Nakuha ko na ang isang buwang sweldo ko dahil trinansfer na ito ng Manager namin sa restaurant sa bank account ko kaya mababayaran ko na si Iall sa renta sa apartment at pati na rin sa gastos ko sa tubig, kuryente, at pagkain. Wala ng libre sa mundo kaya kailangan kong tanawin ng malaking utang na loob ang pagtulong ni Iall. Nagpapasalamat rin ako na napunta ako sa may mabubuting mga kamay dahil sa panahon ngayon ay naglipana ang mga masasamang loob na hindi dapat pagkatiwalaan. Hindi na ako nagpahatid sa magkakaibigan sa restaurant dahil sa totoo lang ay kinakabahan ako sa hindi ko pagsipot sa friendly date namin ni George. Hindi siya sumagot sa text ko na inexcuse kong masama ang pakiramdam ko nung Sabado. Nagtatampo kaya siya sa

