Alliah "Wait...? am I hearing right, Sergio? Nililigawan mo na si Alliah?" hindi makapaniwalang tanong ni Iall. Walang pag-aalinlangang tumango si Sergio. Seryoso ang mukha at hindi mababakasan ng kahit anong emosyon. Tumingin sa akin ang apat na magkakaibigan. Kinabahan ako dahil mukhang hindi nila nagustuhan ang sinabi ni Sergio lalo na si Froi na sobrang sama ng tingin. Alam ko naman kung bakit ganyan siya makatingin, dahil una siyang nagtapat ng nararamdaman niya pero ni-reject ko siya dahil wala talaga akong nararamdaman para sa kanya at idinahilan kong ayaw akong magkaboyfriend ng mga kapatid ko tapos ngayon ay bigla na lang akong pumayag na magpaligaw kay Sergio. Kaya kung galit man si Froi ay naiintindihan ko pero hindi ko isusuko ang nararamdaman ko para kay Sergio. Manghihin

