Dani "Panigurado na wrong send lang 'to." ani ko sa aking sarili ng mabasa ang isang text message sa hindi ko kilalang numero. Siguro kung kay Zac nanggaling ang message eh baka matuwa pa ako kaya lang hindi eh?! Hindi naman iyon 'yung numero niya kasi... Pero wait nga lang?! baka naman talagang si Zac itong nag-text sa akin? Malay mo Dani.. na gumamit lang siya ng ibang numero para maitext ka ng gano'n! Naku pwede 'yun ha! na .. miss niya ako? agad-agad?!Pero baka siya nga! Kaya lang ... siya nga kaya talaga? Hay naku! Pwede ba, Daniell Luiss! tigil-tigilan mo ang kaka-asa d'yan kay Zac! Tsk. Napatigil ako sa pag-iisip ng kung anu-anong bagay ng biglang may tumawag sa aking telepono. Tinignan ko kung sino itong tumatawag at awtomatiko akong napangiti ng makita ang pangalan ni Zac.

