Nahigit ko ang aking hininga nang muli kong makita nang malapitan si Valdez. Kung sa ibang pagkakataon, baka nagpakulong na ako ngayon sa mga bisig nya. Hindi ko akalain na ganoon katindi na pala ang pagkamiss na nararamdaman ko para sa babae. Hindi sapat na naiisip ko lang siya bago ako matulog. Hindi rin sapat na siya ang unang tao na pumapasok sa isipan ko paggising ko sa umaga. Hindi sapat na bigla-bigla na lang siyang sisingit sa isipan ko sa kalagitnaan ng pagtatrabaho ko sa opisina. Ngayong nasa harapan ko na siya, hindi sapat na magkaharap lang kaming nakatayo at nakatingin sa isa't-isa. I wanted to be closed to her, be locked with those arms of hers that even the air cannot escape between us. "Baka gusto nyong umupo?" Nagulantang ako sa boses ni Beth na hinila pa ako sa aking b

