Isa-isa ko silang tiningnan at automatic na huminto ang mga mata ko kay Valdez. Hindi na ba mauubos ang pagkamiss na nararamdaman ko para sa kanya?! Napaka unfair talaga! Sa tuwing makikita ko siya, gustong gusto kong tumakbo sa mga bisig nya at ikulong ang sarili ko sa mga yakap nya. Kagabi gusto kong maglupasay at mag-iiyak sa San Juan Arena dahil tinanggihan ni Valdez ang imbitasyon ni Bang na sumama siya sa amin na mag dinner! At kating-kati ang mga kamay ko na sabunutan si Rad na alam kong siyang dahilan kung bakit hindi ito nakasama. Alam kong kung si Alyssa lang ang mismong magdedecide, right away papayag siya. Naramdaman ko 'yon! Pero sa kung anong dahilan ni Rad, nagmamadali siyang umalis sa arena! Ito namang si Valdez, hindi man lang tumutol! Hindi pa ba sila nagsasawa sa six

