“MAY problema ka ba?” takang-tanong ni Pepper sa kanya nang mapansin ng kaibigan na kanina pa siya walang kibo “Kanina ka pa walang imik at nakatitig sa kawalan.” “May iniisip lang ako.” “Mukhang malaking problema yata iyan. Care to share?” nasa unit siya ng kaibigan. Tinulungan niyang ayusin ang mini-nursery area para baby nito at doon na rin siya nagdinner dahil masarap magluto si Pepper kaya hindi na siya nahiya pa. “May nabasa kasi akong story.” “Huh? Fiction? Nagbabasa ka ng fiction?” gulat na tanong nito sa kanya. “Yes?” “Hindi ka rin sure.” Natawa ito sa kanyang naging reaksyon. “Maliban sa mga manuscripts, science journals at kung anu-ano pang science-related na topics I wouldn’t even think n

