CHAPTER 37

2865 Words
            “GOOD MORNING.” Bati ni Caius nang magkita sila kinabukasan sa opisina. She’s preparing her things for her first class when he appeared. Naunang dumating ang lalaki pero ang sabi ni Ari sa kanya bago ito pumasok sa klase ay lumabas muna ito. Apat na araw din niyang hindi nakita si Caius simula noong byernes. Wala siyang natanggap na text o kaya naman ay tawag, she wasn’t expecting him to do it but she was a bit disappointed din at the same time.             Inabala nalang niya ang sarili sa pagtulong kay Pepper na lumipat sa bagong condo unit nito. Hindi marami ang gamit ng kaibigan lalo pa at may mga appliances and furnitures na iniwan ang dating may-ari. Just clothes and other stuff, tinulungan din niyang ayusin ang mga things for Pepper’s baby. Pumunta din sina Giselle and Cynthia, Cynthia even gave them a good news. They will try IVF by the end of the year if wala pang nabubuo na baby sa kanyang sinapupunan. May mini-party sila doon kaya kahit papaano ay hindi niya ito naiisip.             “Morning.” Ganting bati niya kay Caius.             “By the way Isla, are you busy this Saturday?” biglang huminto ang pagtibok ng kanyang dibdib sa tanong ni Cai. Is he going to invite her for a date?             “N-no naman, why?”             “I gave your marriage proposal plans to my secretary and contacted a coordinator to fix everything. I want you to check if everything is fine this Saturday.” Ohh, the proposal… this Saturday. Kung kanina ay akala ni Isla ay hihinto ang t***k ng puso niya sa sobrang kaba ngayon naman ay tila kay bigat ng nararamdaman niya.             You wanted this, Isla.             Kahit nahihirapan ay ngumiti siya dito. “Sure, just send me the location and the time.”             “I’ll fetch you.”             We will see each other before your proposal? Ako ang huling taong makakasama mo bago ka tuluyang mawala sa akin? Gusto niyang matawa dahil pakiramdam niya ay para siyang nanay na maghahatid sa kanyang anak sa altar para sa ibang tao… para ipa-ubaya sa ibang babae.             “No problem. I need to go now, may klase pa ako.” She politely bid her good byes to Caius who is still intently looking at her.             “See you.” Ani nito.             “Yeah, see you.” At tuluyan na siyang lumabas sa opisina na sobrang bigat ng nararamdaman. I still have one week, one week to decide… ano pa ba ang ide-decide mo Isla? Bakit ba sobrang undecided mo sa mga plano mo sa buhay? Matalino ka naman pero parang mali ang lahat ng gawin mong desisyon. Kahit anong choice ang piliin mo masasaktan ka. Kung hahayaan mong mawala si Caius sa iyo ay masasaktan ka pero kapag pinili mo naman siya alam mor in na masasaktan ka… na naman.             Wala na siya sa konsentrasyon sa kanyang klase, alam niyang nagtataka ang kanyang mga students dahil sobrang tahimik siya. Sa totoo ay walang laman ang kanyang isip, blanko… madilim… ayaw niyang mag-isip dahil maaalala na naman niya ang mangyayari ngayong sabado.             “Huwag na kaya akong bumalik sa opisina?” tanong ni Isla sa sarili habang naglalakad sa corridor. Wala na siyang klase pero sobrang dami pa niyang paperworks na kailangan na gawin, may ise-send pa siyang email papunta sa NGO na tutulong sa kanilang research. Hindi siya pwedeng tumunganga lang at hayaan na masira ang kanyang trabaho.             Napabuntong-hininga si Isla nang mag-vibrate ang kanyang cellphone at nakita ang number ni Nian, ang kanyang dating estudyante.             “Hello Nian, kumusta?” pilit niyang pinasigla ang boses.             “Mami, may good news po kami sa inyo.” Balita nito sa kanya.             “What news?” naging successful ang pagbuo nito katulong ng mga kaibigan sa youtube channel. Mag-iisang buwan pa lang pero madami ng subscribers ang mga bata, marami na din silang nabuo na mini-series at mga mini-movies. Karamihan sa mga ginawa ng mga ito ay pasok sa panlasa ng masa ang genre. May mga shows na pambata, teenagers, variety, at para sa mga adult na rin. They are even thinking of adding another channel for their documentaries. Updated siya sa mga nangyayari dahil kasali siya sa group chats ng mga dating estudyante.             “Mi, hindi ka maniniwala pero na-nominate ang isang mini-movie na ginawa namin sa Canes Festival.” Bakas sa boses nito ang sobrang saya at alam din niyang naiiyak na rin ito. Kahit siya ay hindi maipaliwanag ang saya na nararamdaman sa kanyang puso sa success na naabot ng mga bata.             “Oh my God! Nian, congratulations to your group.”             “Mami, sobrang laki ng utang na loob namin sa iyo simula pa noon ay kayo na po ang umaalalay sa amin hanggang sa dumating kami sa point na ito.” Natigilan si Isla sa pagpasok sa opisina nang biglang tumulo ang luha sa kanyang pisngi.             Sa ilang taon na pagtuturo niya sa university ay hindi na mabilang ni Isla kung ilang Salamat na ba ang kanyang natanggap. Hearing words of gratitude from her students as if she did change their lives? It’s very fulfilling.             “Don’t make me cry, Nian. Masisira ang make-up ko dahil sa inyo.”             “Kung anuman ang narating naming ngayon, Mi. Iaalay po namin sa inyo, thank you for believing us and for supporting us.” Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ni Isla. Those weren’t tears of sadness… pambihira naman, sa pagpapasalamat lang pala ng ito tutulo ang kanyang luha. At dahil ayaw niyang makita ng mga dumadaang estudyante na naiiyak siya kaya napilitan siyang pumasok sa opisina.             “Wala naman talaga akong ginawa, you all have the skills at kahit wala naman ako I know magtatagumpay pa rin kayo. You made me so proud of your achievements Nian at simula pa lang ito, basta huwag maging masyadong kampante sa mga dumadating na biyaya.”             “Yes, Mi. Kahit hindi kami manalo sa Canes sapat na po ang nomination bilang stepping stone para mas makilala kami ng mga tao.” Habang kausap niya si Nian ay hindi niya namalayan na nasa harapan na pala niya si Caius na nakakunot ang noo at nagdugtong ang mga mata kilay habang nakatitig sa kanya.             “I love that attitude, tell your group my message.”             “Yes, Mi.” patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha ni Isla kahit na wala na siyang kausap sa linya.             “What happened?” nag-aalalang tanong ni Caius sa kanya. Umiling lang siya dahil naiiyak na naman siya, fresh pa rin sa kanya ang kasiyahan sa na-received na balita.             “Wa-walang nangyari, I just received a good news.” Ibinaba niya ang mga gamit sa mesa at pumasok sa inner laboratory habang pilit na inaawat ang pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata. Ganito na ba siya ka-sensitive at hindi niya mapigilan ang sariling mapa-iyak.             “Isla.” Tawag ni Cai na nakasunod sa kanya.             “There’s no need for you to worry Cai, I’m really okay. I’m just so happy at hindi ko alam na maiiyak pala ako ng husto.” She smiles at him but the tears just won’t stop.             “Your tears of joy is worrying me.” Napasinok na siya dahil sa kakaiyak. Hindi na siya nagulat sa sunod na ginawa ni Caius because she was somehow expecting him to do that. Niyakap siya nito at mabilis din niyang ibinalot ang katawan ng lalaki gamit ang kanyang mga braso. She missed him… she missed his hugs… si Caius lang naman ang nakakapagpatahan sa akin kapag naiiyak ako sa mga panaginip ko.             Hinayaan siya ng lalaki na umiyak sa dibdib nito habang mahigpit siyang niyayakap, she even felt him dropping a kiss on her head… katulad ng mga ginagawa nito sa kanyang panaginip. He is her Caius, he is her man. I love you so damn much! Sigaw ng puso niya sa lalaking kayakap.             She is still sobbing a little when he let her go but she just tightened her arms around him not wanting to end the moment. Coleen, isang linggo lang… ipahiram mom una siya sa akin ng isang linggo at ako na ang magdadala sa lalaking mahal natin papunta sa iyo.             “You need to drink water.” Bulong nito sa kanya. She just buried her face to his neck as she calms herself. Alam niyang nagugulat ito sa kanyang ginawa pero kung alam lang nito ang mga naggawa niya sa leeg nito noon. With one last sniff of his scent, she felt calmness… and finally let him go, but he didn’t really let her go. Bumaba lang ang braso nito sa kanyang beywang at nakakapit pa rin sa kanya.             “Can you tell me why you were crying?” he asks wiping her tears away.             “I- I received a call from my previous students.” Panimula niya. “You know, our job was never easy and will never be. Akala lang nila ay madali pero mali sila, hindi lang tayo nagtuturo ng subject matter we are also trying to understand our students individually by reaching out to them. Understanding and seeing our students potentials and pushing them to their limits without breaking them may not be one of our job’s description but it comes naturally.             Marami na akong narereceived na mga thank you sa mga estudyanteng dumaan sa mga kamay ko kaya akala ko ay natutunan ko ng hind imaging sobrang emotional. But I was wrong, I received a call from Nian whom I met again a month ago. They were struggling with their work, they weren’t happy with it and suggested something out of the blue.             And now, they are slowly reaching their dreams at marinig lang na isa ako sa mga naging dahilan sa mga naabot nila, ang saya ng nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay tama ang propesyon na pinili ko, na tama ang daan na nilalakaran ko at hindi ako nagkamali sa ginawa ko.” Muli ay pinunasan ni Cai ang mga luhang tumutulo na naman mula sa kanyang pisngi. Dahan-dahan siya nitong binuhat hanggang sa maupo siya sa laboratory table at magpantay ang kanilang mukha. Naging mas madali dito na punasan ang kanyang mga luha.             “You deserved all the gratitude from your students, Isla.” Napatitig siya sa mukha ng lalaki, he is looking at her softly… he looks so proud. “You might be nosy and pushy sometimes but they all know it’s for their best. Hindi madaling makahanap ng tao na gagawin ang mga ginagawa mo, you aren’t working just for the money, you are working because you love your work and you love your students.” She pursed her lips as she tried to calm down, hindi na siya naiiyak pero masakit na ang kanyang dibdib dahil sa sobrang lakas ng t***k ng kanyang puso. Parang gusto na nitong basagin ang knayang ribcage.             “I never believed that someone from your profession can make a big impact to someone’s life. Well, I was never close to my professors before and all I know is that they were working for a living. Students are just money faucets for them but you proved it wrong, kaya mong maimpluwensyahan ang mga tao sa paligid mo. In your own little way, you made sure that they weren’t alone in their individual battles. You aren’t just a professor to them, you are their mother and that wakes you different from the rest.”             A sincere and sweet smile appears on his lips making her feel really great. Caius is slowly massaging the back of her head until… until she realized what just happened!             Oh my God!             Caius lips were on hers coaxing her to open which she voluntarily did as a reflex, she closed her eyes and answer his kisses back. She missed his lips. She missed his kisses. The feeling of nostalgia hits her like a raging tidal wave in the midst of storm. I want him.             “Mamii!” Sabay silang napabitaw ni Caius nang marinig ang boses ni Margot na kapapasok lang ng opisina. Her eyes are wide opened while he on the other hand looks… he looks shocked as well. He just… they kissed! And it looks like he is regretting what he just do that pains her more.             May girlfriend ang tao  Isla at hinalikan ka niya, that’s a form of cheating syempre anong aasahan mo? He’ll regret it. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin upang hindi nito mabasa ang nararamdaman niya. She took a deep breathe as she put up the wall around her heart.             “Uhm, pwede mo ba akong tulungan na makababa?” she asks in a small voice. Hindi ito nagsalita pero tinulungan siya nitong makababa at muntik ng matumba dahil nanginginig ang kanyang mga tuhod sa bilis ng mga pangyayari.             “Ma-u-una na akong lumabas, may klase pa ako.” Paalam nito sa kanya, tumango lang siya habang siya naman ay nagmamadaling nagtungo sa pinakasulok na bahagi ng laboratory upang makahinga ng maayos.             “Mami, ano po ang ginagawa niyo dito?” takang tanong ni Margot nang makapasok loob.             “Gusto ko lang sanang i-check ang mga na-sort mo na files para alam ko kung ano ang kailangan ng itapon.” She explained.             “Umiyak ka po? Pina-iyak ka ni Mr. Rueda?” naka-high pitched na ang boses ng assistant.             “No! Naiyak ako dahil sa ibang dahilan, pareho kayo ng tanong ni Mr. Rueda nang makita ako.”             “Oh, I thought he made you cry because his expressions kanina when he walk out ay sobrang scary.”             “Because I didn’t tell him the reason why I cried, pabayaan mo na iyon. Nakukuha na niya na ang ugali mo na pagiging tsismosa.” Biro niya sa assistant na ikinasinghap naman nito.             “But Mi, sa inyo ko po nakuha iyon.” So, nagtuturuan na kung sino ang may kasalanan. Sorry Margot, hindi mo na kailangan malaman kung anong kahihiyan ang ginawa ng Mami mo baka ikahiya mo rin ako.                         A CUP of coffee is all Isla need to calm her body and her senses. Nagpa-deliver lang siya dahil tinatamad siyang umalis at ayaw din niyang may makakita sa kanyang namamagang mga mata. After explaining to Margot the reason ay ito na ang nag-explain sa mga kasama nila sa office sa nangyayari sa kanya.             Nakahiga siya sa couch habang inaayos naman nina Margot, Ari, at Teo ang mga manuscripts na for revisions and for approval. Napatitig siya kay Teo dahil sa kanyang paningin ay parang mas lalo yata itong gumanda. He is wearing a turtleneck longsleeve top na mas lalong nakapagpadagdag ng gandang lalaki ng assistant. He is glowing.             “I’m hungry.” Malakas na sabi niya. “Ari, Margot, pwede bang pumunta kayo sa cafeteria and buy us some cakes.” Ibinigay niya ang ID niya kung saan naka-ipit din ang Magnus cash card nila, may allowance ang mga staff sa Magnus for food every month. “Use my card at bumili na rin kayo ng gusto niyong makakain.”             “Yes, Mi.” Nang umalis na ang dalawa ay tinitigan niya si Teo at alam niyang nararamdaman nito ang knayang ginawa pero patay malisya lang ito.             “Teo.” He fliched… may nangyari! May nangyayari nga dito.             “Po?”             “Mas lalo ka yatang gumanda ngayon, anong sekreto mo?” she jests.             “Nakatulog lang po?”             “Ay, di mo sure?” biro uli niya. “Anong vitamins ang tine-take mo? Mukhang kailangan ko rin na uminom.”             “I’m taking Vitamin C, Mi.”            Tumango siya. “Vitamin C? Vitamin Carlou?” Dumulas sa kamay nito ang hawak na mga papel. Gotcha! “Binibiro lang naman kita, masyado kang affected. Unless…” namula ang mga teynga ni Teo habang inaayos ang mga papel na nahulog nito.             “I will not force you to tell me what happened but seeing you looking like this, kung anuman iyon ay masaya ako.”             “Mi… uhm, thanks.”             Ngumisi ang siya. “By the way, I still have a spare concealer in my bag. You can use it.” Kumunot ang noo ni Teo sa kanyang sinabi. “There are some hickies in your nape, mabuti nalang at hindi napansin ng dalawa.” Mabilis ito napahawak sa likod ng leeg nito kasabay ng pamumula ng pisngi ng assistant.             She’s enjoying watching Teo’s panic because he was never like this before, he is always calm and collected.             “And if you have time, tell your lover na gusto ko rin siyang makilala.” She said winking at him making him blush more. Tuluyan na siyang tumawa sa naging reaksyon nito, he’s really cute.             Natigil si Isla sa pagtawa nang mapansin ang pag-vibrate ng kanyang cellphone at nabasa ang pangalan ni Caius na naka-register doon. Muli niyang naalala ang nangyari kanina at kung paano siya pinukpok ng kanyang sariling konsensya sa nangyari. Hindi rin niya alam kung paano pa ito haharapin, he just invited her to witness his proposal and yet…             Nawala na sa screen ang pangalan ni Caius at akala niya ay makakahinga na siya nang maayos but she was wrong because his name flashed again. Napabuntong-hininga si Isla at napilitan na tanggapin ang tawag nito.             “I need your help.” Panic and concern are evident on Cai’s voice. “Isla, I’m in the clinic.” Mabilis siyang napa-upo ng maayos sa narinig mula sa lalaki.             “What happened to you?”             “That student, Casas… Rhea Casas. She fainted and we brought her here.”             “I’ll be there in a second.” Pagkatapos patayin ang tawag ay bumaling siya kay Teo. “Teo, kayo na muna ang bahala dito at tapusin niyo nalang ito. Pupunta muna ako sa clinic.”             “May nangyari po bang masama kay Mr. Rueda?”             “Not him, but a student.” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD