“WHERE’S Mami, Teo?” Bungad ni Carmi sa dalawang assistants na nasa mesa ng mga ito at maraming ginagawa. Si Arriane naman ay nagwawalis ng sahig.
“Biglang nawala, magdadalawang araw—tatlo na namin siyang hindi nakikita dito during free time nila. Pagkatapos ng klase ay biglang nawawala, wala naman siyang mga meetings dahil pina-cancel niya.” Sagot ng napagtanungan ng estudyante.
“Gusto ko sanang makita silang dalawa ni Mr. Rueda, wala din si Sir.”
Biglang napa-isip si Margot sa sinabi ng kaibigan at pagkatapos ng ilang sandali ay malakas itong napasinghap.
“Don’t tell me they are together?” Bulalas nito.
“Baka magkaworld war four kapag nagsama ang dalawang iyon ng matagal, palagi pa namang nagbabangayan sina Mami at Mr. Perfect.”
Umiling siya sa sinabi ni Teo. “They are not nagbabangayan, Teo. They are flirting with each other. Ang cute diba?”
Sabay-sabay na napalingon ang tatlo ng may napansin na sumisilip mula sa glass door. Binuksan ni Ari ang pintuan at tumambad sa kanila ang isang estudyanteng nakasuot ng uniform ng St. Uriel University.
“May kailangan po ba sila?” Halatang nagulat ang bisita sa pagtawag ni Arielle pero agad din itong nakabawi at tiningnan ang kaibigan from head to foot.
“I’m looking for my boyfriend.” Sabay na napatingin si Margot, Ari, at Carmi kay Teo dahil ito lang naman ang nag-iisang lalaki sa grupo.
“Gusto niyong kunin ko iyang eyeballs ninyo?” Banta ni Teo. Nilagpasan ng babae si Ari at lumapit sa kanila tapos ay inisa-isang titig pa habang nagkakasalubong ang dalawang kilay. Dumako ang mga mata nito kay Teo at biglang sumimangot.
“Are you a girl or a boy?” Tanong pa nito.
“Gay.” Maiksing sagot ng kasama at bumalik na sa ginagawa.
“Sinong hinahanap mo Miss?” Kapag sinabi talaga nito na si Mr. Rueda ang boyfriend nito ipapatawag niya agad ang guard. Yes, this girl is pretty pero sobrang delusional naman nito kung angkinin nito ang future hubby ng kanilang Mami Isla.
“My boyfriend, I went to his office and they told me na nandito lang siya naka-office.” Tiningnan nito ang buong paligid. “This place is so liit to he his office.”
Kaladkarin nalang kaya niya ito? Iyon ang nasa isip ni Margot habang nakatingin sa babae.
“Sinong boyfriend?”
“Si baby Gavin.” Napatanga ang apat sa pangalan na binanggit ng kanilang kausap. Kilala bilang babaero at tirador ng mga babae ang batang professor pero never nilang narinig na interesado ito sa mga students.
“Uhm, you are from SUV right? ” Untag ni Arielle.
“Yup, I’m a freshie there.” Freshman? Sobrang bata pa nito! “I don’t usually talk to slapsoils but I’ll make an exemption since kilala niyo naman ang baby ko.” Ito kaya ang i-slap nila ng matauhan naman.
“Excuse me Miss, hindi ka rin namin kilala. At hindi kami nagpapapasok dito ng strangers.” Sabi ni Carmi habang nakataas ang kilay ng kaibigan pero hindi naman natakot ang kanilang bisita.
“So, where is he?” And as an answer to her question ay pumasok ang dalawang propesor na sina Gavin at Felix. “Gavin baby!” Napatitig ang bagong dating ay ngumiti sa babaeng bisita nila. Mabilis itong yumakap kay Sir Gavin.
“What are you doing here, Trixie?” Ginulo ng professor ang buhok ng freshman na agad namang sumimangot. “Alam ba ng ate mo na nandito ka?”
“Of course not, i-lo-lock niya ako sa bahay kapag nalaman niyang nandito ako.” Kinuha ni Sir Gavin ang cellphone nito at may tinawagan. “No!!! Don’t tell ate I’m here.” Reklamo ni Trixie.
“Tumakas ka na naman sa klase mo, alam mong nag-aalala sa iyo ang kapatid mo tapos ginawa mo ito. And who brough you here?”
“I took a cab.” And she pouted. Parang may mali yata sa interaction ng dalawa. Mas tamang sabihin na hindi magkasintahan ang tingin nila sa dalawa kundi magkapatid. “Oh, hi Felix.”
“Kuya Felix.” Pagtatama ng kasama ni Gavin. “And stop calling Gavin by his name, call him kuya, people might misunderstood.” Malumanay na pagtatama ni Trixie.
“Magiging baby ko rin naman si Gavin loves ko.”
“Felix, bantayan mo muna ang batang ito. May kailangan lang akong gawin sa labas.” Susundan sana ni Trixie si Gavin pero mabilis na nahila ito ni Felix.
“Ano ba kuya? Why did you stop me?”
“Trixie, kung hindi kita pinsan ay kanina pa kita pinalayas dito sa Magnus. Paano ka nakapasok dito sa university? Sino ang hiningan mo ng access?”
Pinsan? Alam ni Margot na pareho sila ng iniisip ng mga kaibigan.
“I’m smart kaya I have ways.” Mataray na sagot ng babae.
Napabuntong-hininga nalang ang batang propesor. “Pagpasensyahan niyo na itong pinsan ko, pwede niyo siyang awayain kapag sinungitan niya kayo. I am giving you my blessings na ipatapon siya sa labas ng university kapag nabaliw at pinagkakalat na naman niya na boyfriend niya si Gavin.” Hingi nito ng despensa sa kanila.
“Okay lang Sir, medyo nagulat lang kami.”
Nagkibit-balikat lang si Trixie. “I am not lying though, I’m just practicing dahil marerealized din ni Gavin na kami talaga ang destiny.”
“At sabihin mo iyan sa harap ng ate mo kapag dumating na siya dito. Tinawagan na siya ni Gavin.”
Malakas itong napasinghap. “You traitor! Ate will kill me.”
“Sana naisip mo iyan bago ka pumunta dito.”
“I need to go now bago pa ako maabutan here.” Pero hindi ito hinayaan ng pinsan at hinila para maupo sa sofa. Natawa nalang sila ng marinig ang mga conyo curses ni Trixie.
“Medyo kinabahan ako ng sabihin ni Trixie na boyfriend niya si Sir Gavin.” Bulong ni Margot. Nakaupo na ito sa bakanteng swivel chair sa tabi ni Teo at gysi Ari naman ay nasa tabi ni Margot. “Just think of the heartaches she will experience, kawawa naman siya.” Sabay-sabay silang tumango. Sir Gavin is just like another Josh but worst.
“Wala pang nakakapagpatino kay Sir ‘no? Naunahan nalang siya ni Joshua mo Ari.”
“Joshua is not mine.” Pagtatama ng katabi.
“Yet.” Teo corrected. “Pareho nating alam na mutual na ang feelings ninyong dalawa at kaunting giling ay bibigay ka na rin. End game pa rin kayo.”
“Yeah girl because you are marupok like an egg shell... sheyt! Nahawa na yata ang dila ko sa pinsan ni Sir Felix.” Natawa sila sa naging takbo ng kanilang usapan.
“Excuse me.” Untag ng kung sino. Muntik ng mapatalon si Margot at mapatingin sa kaibigan na si Carmi dahil sa bagong dating. “Where’s Doc Aguirre?”
“He-hey, Ronan.” Seryosong tumango lang ang kanilang Student Counsil president bilang ganting bati. Agad na dumako ang mata nito sa bestfriend niyang nakatutok na sa cellphone nito.
“I wasn’t informed na naging tambayan na pala ang office ni Doc Aguirre.” Alam niyang si Carmi ang pinaparinggan nito. Alam ng lahat ng nasa Magnus na may hindi pagkakaunawaan ang dalawa though they were okay one and a half year ago. Matanda lang ito sa kanila ng one year.
“Hey, Teo loves. Hindi ako na-informed na kailangan pa lang i-log ang mga pupunta dito sa office ni Mami.”
“Margot sabihin mo sa kaibigan mo na hindi tambayan ang mga offices ng mga professors.”
“Teo, tell him that his opinion doesn’t matter.” Carmi said rolling her eyes.
“Uhm, president. May kailangan ka kay Mami?”
“Just her signature for an upcoming school event.”
“Pwede mong iwanan dito ang document and I’ll tell her to sign it once dumating na siya.”
“Babalik nalang ako.” Akmang lalabas na si Ronan nang magsalita na naman ang kaibigan.
“Finally, clean air. Saan ba ang lysol, Ari? We need to disinfect this place, may nakakapasok na virus.”
Nasapo ni Teo at Margot ang kanilang mga mukha dahil sa sinabi ng kanilang baliw na kaibigan. Bumalik si Ronan.
“After I leave, tell doctor Aguirre to bless the entire place—.”
“Ay, tama Teo. Let’s tell Mami na ipa-bless ang laboratory para hindi na makapasok ang mga ghosts.” Idiniin nito ang huling salita at mukhang doon lang natigilan ang SC president at tahimik na umalis. “I won, guilty eh.” Nakangising ani ni Carmi.
“Sorry Carmi pero ask ko lang, ex-boyfriend mo ba si Ronan?” Inosenting tanong ni Arielle.
“Magmumog ka ng holy water Ari.” Saway ni Carmi. “Yung mukhang iyon? No way!”
Ngumisi si Margot. “Na-ghost kasi si Carmi ni Ronan dati kaya super a siya kay president.”
“Ghosted? Pero bakit parang galit din si Pres?” Hindi naman itinago ni Carmi sa kanila ang dahilan kung bakit parang aso at pusa sila ni Ronan. Pareho din nilang hindi alam kung ano ang tunay na nangyari dati dahil hindi na naging maganda ang turing ng dalawa sa isa’t isa. She even asked her friend kung may nagawa ba itong masama kay Ronan pero hindi naman nito maalala at kilala niya ang kaibigan, she won’t lie to her... Carmi can’t lie to her.
“Hindi ba ang gago lang? Siya ang nang-ghost tapos may gana pa siyang magalit sa akin, gago talaga. Saraleo!” Inis na reklamo ni Carmi. “Pasalamat siya at wala ako noong nag-election or else hindi siya ang magiging president ng student council dahil tatakbo din ako.”
“Bakit hindi mo siya kausapin? Hindi ba dapat i-ask mo siya kung bakit siya galit sa iyo? Isn’t it the right thing to do?”
“Trixie, stop meddling with their lives.” Hindi nila namalaya na nakalapit na uli ito sa kanila. Mas light na ang aura nito kompara kanina and pure curioisity is visible on her eyes. Mas mukha itong approachable and they can’t even deny it, she’s beautiful.
“I tried pero harapan din ang pag-iwas niya, siya ang pumasok sa nananahimik kong buhay, I didn’t invite him, nag-insist ang gagong iyon na manggulo and made some sweet promises tapos sa isang iglap lang ay biglang mawawala. Nasaan ang justice bhe?” Inis na reklamo nito.
“Alam mo I think there’s something wrong sa equation.”
“Walang wrong sa equation, Trixie. Talagang gago lang talaga si Ronan.” Carmi dismissed the topic.
“Huwag mong pagkakitaan ang love story ng mga students dito sa Magnus. You are not paying them for broadcasting them in your books.”
“Why ba you are so pakialamero kuya Felix, you go back to your computer and make some codes like you always do.” Taboy nito sa pinsan nito.
Ngumiti lang si Trixie at inilabas ang isang maliit na gucci pouch. “Here’s my card. If you want to read your stories and you want to murder someone you hate, you can text, call, or chat me.”
Tinanggap nila ang calling card at muntik ng mapatili nang mabasa ang pangalan na nakasulat doon.
“You... you are the writer?” Manghang tanong ni Ari.
“Yes, I am THE writer.”
“SSSshh.” Isla make a sshhh sound for Cai to make him stop from making sounds.
“You know this is trespassing and you said we are not going to do anything related?” He hissed at her. Nakatago sila sa likod na bahagi ng bahay ng bestfriend ni Rich. They are here to observe and to get something na ibabalik rin naman nila.
“Magiging illegal lang ito kapag nahuli tayo kaya keep quite ka lang.” Bulong niya sa lalaki habang nakasilip sa bintana ng bahay. Ang bintana lang ang nakapagitan sa kanya. “Ikaw ang hinila ko because you are rich at kapag nahuli tayo ay sigurado akong malilinis agad ang name mo.” Nagsalubong lang ang kilay ng kasama. “At choice mong sumama, I told you pwede ka namang maghintay sa car.”
“At hayaan na may masamang mangyari sa iyo dito?” Tumaas ang kilay ni Isla sa sinabi ng lalaki kasabay ng malakas na t***k ng kanyang puso. “You are very impulsive with your decisions, you can’t even differentiate the wrong ones.” Umingos lang siya kay Cai.
“I am doing this for a friend.”
“Ikakapahamak mo ito.”
Ngumiti siya sa lalaki. “Well, you can always bail me out, right?” Knowing him, alam niyang hindi siya nito mare-resist. Kaya nga hindi siya nito hinayaan na mag-isang mag-akyat ng bahay. “Oh wait, she’s here.” Isiniksik niya palayo ang katawan sa bintana para hindi siya mapansin ng may-ari ng bahay.
Bumukas ang ilaw ng bahay kaya agad nilang nasilip si Karen mula sa kanilang kinatatayunan. Kahapon ay sinundan din nila ito sa working place nito, and so far wala naman silang nakakaibang weird sa babae. Well, anyone who experience depression have different manifestations. Iyong iba mukhang chill lang but deep inside they are suffering.
Sa ilang taon niyang pagtuturo at pakikisalamuha sa mga estudyante ay marami na siyang nai-encounter na mga ganoong cases. Normally ay sinusubukan niyang kausapin ang mga bata, mas prone ang mga ito sa ganoon dahil na rin sa dami ng mga ginagawa, expectations, at pressure mula sa mga taong nakapaligid sa mga ito. She cares for them kaya gumagawa siya ng paraan para kahit papaano ay gumagaan ang dinadala ng mga bata.
Kaya nga nang marinig niya ang duda sa boses ni Cai nang marinig ang kanyang kwento ay nagduda na rin siya. She needs to check.
“Hello, David?” Nagkatinginan silang dalawa ni Caius habang nakikinig. “Yes, I’m free tomorrow pwede kang pumunta sa bahay ko.” Narinig niya ang mahinang pagtawa ng babae sa kausap. “Rich? He’s my bestfriend at kung may available time siya ay pwede kitang ipakilala sa kanya, oh wait, I can call him tomorrow para magmeet na rin kayo. Hindi siya makakatanggi sa akin, malakas ako doon.”
Mukhang hindi na sila mahihirapan pa sa plano nila bukas.
Napansin nilang pumasok ito sa silid kaya nakahinga silang dalawa ng matiwasay. Mukhang hindi na nila kailangan pang kuhanin ang bagay na gusto nilang kunin, umaayon ang lahat pati ang oras at pagkakataon sa kanilang plano... well, it’s not really a big plan. May gusto lang siyang i-test. Ibinalik niya ang tingin sa kasama.
“Isla, don’t panic.” Sa sinabi ni Caius ay bigla siyang nakaramdam ng kaba at takot lalo pa at seryoso itong nakatitig sa may paanan niya.
“Ano?” Bulong na tanong niya dito at bakas na ang takot sa kanyang boses.
“Come here.” Cai opened his arms for her to jump in.
“Anong meron?” Hindi ito nagsalita. “Caius, I’m gonna kill you.”
“There’s a frog—.” Hindi pa nito natapos ang sasabihin dahil mabilis niyang tinawid ang distansya na nakapagitan sa kanilang dalawa. Mabilis na ikinulong siya ng lalaki sa mga bisig nito. “A big frog, it’s ugly.” Kinurot niya ang likod ni Cai dahil na-iimagine niya ang hitsura ng hayop na tinutukoy nito.
“Ilayo mo sa akin ang palakang iyon.”
“It’s staring at you.” Malakas siyang napasinghap at mas lalong humigpit ang yakap sa binata. Isinubsob ni Isla ang mukha sa dibdib nito. “Ang mabuti pa ay bumalik na tayo sa kotse.” She just nod her head. Natatakot siyang kapag inalis niya ang mukha sa dibdib nito ay makikita niya ang palaka...
Kokak... kokak... mas lalong nanlamig ang kanyang buong katawan nang marinig ng malinaw ang boses ng maliit na amphibian. At bago pa man ito makalapit sa kanya ay mabilis niyang itinulak ang sarili palayo kay Caius at mabilis na tumakbo papunta sa kotse na ginamit nila kanina. She is still clutching her chest habang nanginginig ang kanyang buong katawan sa takot.
Pero hindi lang iyon ang dahilan kung bakit sobrang lakas ng t***k ng kanyang puso, hindi lang boses ng palaka ang kanyang narinig habang nakasubsob sa dibdib nito. She heard his heartbeat as well... kasing lakas ng kanya, kasing bilis din ng sa kanya.
Bakit hindi siya matatakot? She promised to herself to change her destiny, to change everything in this present... dream. Gusto na niyang bumalik sa normal ang takbo ng kanyang buhay at hindi ganitong umuulit-ulit ang nangyayari sa kanya. Hindi pwedeng mahulog ang loob ni Caius sa kanya, hindi siya nito pwedeng magustuhan o mahalin. Dahil sa mga naaalala niya, kapag nangyari ang bagay na kinakatakutan niya ay wala na siyang kawala sa galamay nito.
Paano niya iyon nakalimutan?
Caius may look harmless and uninterested with the things that surrounds him but when he likes something he will do everything to get it. Gaya ng ginawa nito sa kanya noon, sa apat na beses na nagkasama sila sa kanyang mga panaginip. How can she forget how scheming, cunning, devious, and shrewd Caius Rueda is... he is manipulative.
You can’t fall in love with me Caius! Sigaw ng utak niya. Ayaw niyang maging assuming pero hindi siya tanga, hindi siya bobo, at mas lalong hindi pa siya ulyanin para hindi maalala kung gaano kasarap sa pandinig niya, dati, ang malakas na t***k ng puso niyo habang nakayakap siya dito. She still wants to listen to that sound now but she can’t afford to lose in this dream again.
“Isla, are you okay?” Untag ng lalaki sa kanya nang makahabol ito sa kanya.
“I’m just shaken. Takot talaga ako sa mga palaka.” Akmang hahawakan sana siya nito ng pasimple siyang umiwas. “I’m tired too. Pwede mo ba akong ihatid sa Magnus? Kukunin ko lang ang kotse ko para makauwi na rin.” Naubos ang lahat ng energy niya sa katawan dahil sa pag-iisip. She heard him sigh and opened the car’s door for her.
You need to be smart this time Isla, hindi pwedeng puso ang paiiralin mo dito. Kailangang gumamit ka na ng utak. Pangaral niya sa kanyang sarili.