“YOU need my help?” Maang na tanong ni Isla sa mga ka-Department nang bumisita siya sa faculty dahil may kailangan siyang ibigay na files sa mga kasamahan doon at para na rin makibalita sa mangyayari sa foundation day dahil hindi siya naka-attend sa meeting. “What help? Kung tungkol sa balancing equations iyan, no problem.”
“Iana, do you know how to play volleyball?” Evelyn, a biology professor with hopeful eyes asked her.
“Yes, I know how.” Agad niyang sagot. “Why?”
Ngumiti ito na para bang nakakita ng anghel na bumaba sa lupa. “Great! You are our savior, kulang tao sa volleyball players at ikaw lang ang pwedeng tumulong sa amin.”
“Kulang?” tiningnan niya ang buong faculty. Karamihan sa mga nandoon na professors ay medyo may edad na kaya ekis agad sila sa larong iyon, iyong iba naman ay very productive, buntis kaya bawal din. “Nandiyan naman si Sir Elvis at si David, ah.” Turo niya sa dalawang professors na ka-edad lang niya.
“Maliban sa basketball at online games wala na silang alam na ibang sports, at saka nagrereklamo sila ng arthritis at rayuma.” Rosa, a physics professor rolled her eyes. “At saka, cute ang uniform natin.” Ipinakita nito sa kanya ang jersey set na pinaghalong black at green. It’s really cute and she will look great on it.
“I’m in.” napangiti siya habang napatitig sa jersey.
“Ipapahatid ko sa laboratory ang uniform mo before the game.” Pagkatapos magpaalam ay bumalik na siya sa laboratory. Pangalawang araw ng pananatili ng tatlong lalaki sa laboratory so far hindi naman siya naaabala, wala ang kanyang mga assistants dahil examinations. Sa lunes na babalik ang mga ito kaya free siya sa mga panunukso. Sina Felix at Gavin ay discreet sa mga pasulyap-sulyap at ipinagpapasalamat niya iyon.
“Here.” Sinalubong siya ni Caius sa may pintuan at muntik ng bumangga ang paperbag na may tatak ng paborito niyang pastry shop. Hinawi niya iyon para makita ang mukha nito.
“Ano iyan?”
“Food.” Tinaasan niya ng kilay ang lalaki. “From your father.” Pagkarinig niya sa huling sinabi ni Cai ay mabilis niyang kinuha ang paperbag. “You don’t have to share, it’s all yours.” Sinilip niya ang laman ng paperbag at napangiti. It’s her favorite colored macaroons. Her father really knows her favorite.
“Thanks--.” Napasulyap siya sa mga estudyanteng mahinang nagtitilian at kulang nalang ay bugbugin ang mga kasama sa hampas nang mapadaan sa kanila at hanggang sa malampasan sila ay patingin-tingin pa rin sa kanilang gawi. Napabuntong-hininga nalang si Isla, hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon sa mga reaksyon ng mga tao sa kanyang paligid. She’s not really prepared since it never happened before, but she decided not to mind it and pretend that she doesn’t know anything.
Nagtatakang ibinalik ni Isla ang mga mata sa lalaking kausap. “Bakit mo ba dito naisipan na ibigay ang mga ito? Pwede namang sa loob.”
“I’m about to leave.”
“Saan ka pupunta?” Natigilan siya sa sariling tanong at kahit ito ay ganoon din ang naging reaksyon. “I mean, go!” Itinulak niya ito para makapasok siya pero bigla nitong iniharang ang katawan sa pintuan. “Caius!” she hissed.
The corner of his lips suddenly curved up only to realized what she had done. She called him by his first name! “Tabi.” Tulak niya uli dito pero mabilis siya nitong nahawakan. Muntik na siyang mapatili nang maramdaman ang palad nito sa kanyang balat. s**t, Isla. Dapat ay mag-ingat ka! Isla tried to pull her arm away from him, but he didn’t allow her attempts. “Mr. Rueda!”
“You already called me Caius, why changed it now?” Halata sa mukha nito ang panunukso sa kanya. Mukhang hindi pa rin ito nakaka-recover sa ginawa niyang pang-aasar dito kahapon. “For a small being you are feisty, Isla.”
“Aguirre, don’t just call me by my name.”
“Nah, you called mine first.”
“It was an accident.” Hinila uli niya ang kanyang braso, hindi mahigpit ang pagkakahawak ni Cai sa kanya pero nakapagtatakang hindi niya mapakawalan ang sarili. “I won’t say it again.”
“Too bad, I like you…” he momentarily stops making her gawk at him. “…calling my name.” this bastard! “And, I also like calling your name.”
“I didn’t give you the permission.”
“I don’t need it. I haven’t met someone in this university calling you by your first name, let me be the first then.”
“Ang sabi ko hindi kita binibigyan ng permiso at pwede bang bitiwan mo ako.”
“Call my name first.”
“No!”
“No? That’s not my name, Isla.” Napasulyap si Isla sa paligid niya. Tila nagkaroon sila ng biglaang fan service sa labas ng kanilang laboratory, napapatingin na ang mga tao na napapadaan sa kanilang gawi.
“I said no at saka hindi ba aalis ka? Umalis ka na.”
“Call me name first.”
“I already did.”
“Again.”
“No.”
“Hmmn…” She heard another set of giggles from the crowd making her heart beats frantically. Nasaan na ang panata niyang huwag mapalapit dito? Saan na ang pangako niya sa sariling hindi kuhanin ang pansin ni Caius para sa ikakatahimik ng kanyang buhay?
“Fine, bitiwan mo ako Caius---.”
“Hey, lovers. Kanina pa namin gustong lumabas pero hindi kami makalabas dahil nahihiya kaming disturbuhin ang magandang eksena. Tapos na ba kayo?” Nahila na niya sa wakas ang kanyang braso na mabilis din na binitawan ng binatang kausap nang biglang magsalita si Felix.
Sumilip si Gavin sa likod ni Felix. “If you want to watch the re-run of your little cute scene, nasa f*******: post na ng Magnus. Kaka-upload lang.” Tinapunan niya ng nag-aakusang tingin si Caius na tila ba okay lang dito ang mga nangyayari. Magsasalita pa sana siya para itama ang sinabi nina Felix at Gavin nang magring ang cellphone ng asungot.
Without excusing Caius answered his phone. “Yes, Coleen?” Tila binuhusan ng malamig na tubig si Isla nang marinig ang pangalan na binanggit ni Cai. She immediately excused herself from the boys and went inside the lab.
Coleen… bakit ko ba nakalimutan ang pangalan na iyon? s**t, Isla. Bakit hindi mo isinulat ang pangalan ng babaeng kausap ni Caius sa notebook? Sermon niya sa kanyang sarili. Kahit anong scan niya sa pahina ng notebook niya ay wala ang pangalan na iyon pero nang banggitin nito kanina ay tila may bumalik na alaala sa kanyang utak. Coleen is his girlfriend. Ipinikit niya ang mga mata at pilit na inaalala ang mukha ng taong iyon pero kahit na i-dissect niya ang kanyang utak ay hindi talaga niya maalala ang hitsura ng kasintahan ni Caius. Pero bakit? Mas lalong na-stress si Isla sa kaiisip at sa nararamdamang hindi maganda, may kaunting kirot na naramdaman siya sa kanyang dibdib.
No, Isla. Huwag kang marupok, no means no! Not him, not him again, maawa ka please.
HINDI alam ni Isla kung ilang oras siyang nakatulog, dahil sa stress ay nagprint siya ng mga journals at dahil nag-iisa lang siya sa laboratory kaya naisipan niya mahiga sa sofa habang nagbabasa at makinig ng music. Sa kasamaang palad, weakness niya ang magbasa ng nakahiga with music, nakakatulog siya.
“Hmnn.” She rubbed her eyes and tried to clear her visions. She squinted her eyes to see where she was. She even stretches her short limbs and c***k her baby bones. “Awww.” Dahan-dahan siyang umayos ng upo habang napapahikab nang mapansin ang isang hindi malinaw na bulto na nakaupo sa may paanan niya. She made a little screech in surprise.
“You sound like a dying mouse.” Tuluyan ng umayos ang kanyang paningin at natagpuang nakatitig kay Caius habang kampante nitong ibinaba ang hawak na cellphone.
“What are you doing here?” Nahihiyang inayos niya ang kanyang pag-upo. “Hindi ba umalis ka?” Multo bai to?
Tumingin si Caius sa suot nitong relo bago bumaling sa kanya, itiniklop din nito ang librong binabasa. “Kanina pa ako nakabalik, it’s already past eight.”
“Eight in the evening?” Napatingin siya sa wall clock. Ang haba ng kanyang naging tulog! “Bakit ka pa nandito? Kanina pa ang time out.”
“Iniwan nila ako dito para bantayan ka.” Tukoy nito kay Felix at Gavin.
“Ginising mo nalang sana ako o kaya naman ay ini-lock mo nalang ang door bago ka umalis.” Kumunot lang ang noo ni Caius na tila ba hindi nagustuhan ang kanyang sinabi.
“First, I’m not the irresponsible to leave a sleeping woman here. Second, leaving you here alone is dangerous.” Stop it, Isla. Don’t allow yourself to be swayed by his words. Ilang beses mo ng narinig iyan pero iniwan ka pa rin niya.
“Palagi akong natutulog dito at sa tinagal-tagal kong nagtatrabaho sa Magnus ay wala pang nangyayaring masama sa akin. Next time, kung meron man. I-lock mo lang ang pintuan at pwede ka ng umuwi.” Mas lalong sumama ang timpla ng gwapong mukha ni Caius sa kanyang mga sinabi.
“You sleep here?”
“Yes.”
“Wala ka bang bahay at dito ka natutulog? You are an Aguirre, are you homeless?” Tinaasan lang niya ito ng kilay. Imunuwestra niya ang mga naka-pile na mga papel sa buong paligid.
“Nakikita mo ba iyan? Iyan ang trabaho ko, kulang ang walong oras ko dito sa University para matapos ko ang lahat ng iyan. Iyan ang rason kung bakit ako nag-o-overtime at kung bakit dito na rin ako natutulog. And, Magnus is a safe place, I’ve been here since I’m sixteen.” Dito siya nag-aral at nagtrabaho kaya kampante na siya sa university. Pakiramdam nga niya ay mas mahaba pa ang pag-stay niya dito keysa sa sariling condo.
“Hindi mo pa rin masasabi ang panahon ngayon, it’s better to be safe.” He still looks safe. She never saw him like this before, normally, the Caius in her dreams was calm, cool and he controls his temper very well maliban nalang kung sinasadya talaga itong galitin.
“I’m safe here and besides I’m living close from here.” Muli siyang sumulyap sa wall clock. “Since, gising na ako. Pwede ka ng umuwi.” Taboy niya sa lalaki.
“And leave you here?”
“Yes, and leave me here. May kailangan pa akong tapusin--.”
“I am going to stay with you until you are done.” Nagsalubong ang mga kilay ni Isla sa narinig niyang sinabi ni Caius. “I have nothing to do.”
“I--.” Tila nalulon ni Isla ang kanyang dila at bago pa man siya makapagsalita ay naunahan na siya ni Caius na magsalita.
“I already asked your father--.”
“You did what?” Tuluyan ng tumaas ang boses niya sa sinabi nito.
“I was in a video conference meeting with him while you were sleeping. Siya ang kausap ko and he accidentally saw you, he asked me to bring you home once you wake up or you’ll end up working overtime again.” Kalmadong paliwanag ng lalaki habang siya ay nanlalaki ang mga mata sa sinabi nito.
“What the he--.” On cue, nagring ang kanyang cellphone at pangalan ng ama ang naka-rehistro sa screen. Kinuha agad niya iyon at sinagot. “Dad?” May sinabi ang ama na katulad na katulad ng sinabi ni Caius, nakatitig lang sa kanya ang lalaki na para bang sinasabing hindi siya makakatakas dito.
“Yes, Dad.” Sagot nalang niya sa mga sinasabi ng ama. Tinapunan lang niya ng mga matatalas na tingin si Caius. “Bye, Daddy. Love you too.” Ibinaba na niya ang cellphone at bumuntong-hininga. “You know what, we can pretend that you did follow my father’s instructions. Pwede ka ng umalis.”
“Do I look like someone who will break a promise?”
YES! Iyon agad ang gustong isigaw ni Isla sa mukha ng lalaki, he doesn’t look like someone who can break a promise, he doesn’t look… because, he can. Pero wala siyang karapatang sabihin ang nasa isip sa mga oras na iyon dahil wala naman itong ideya sa mga napagdaanan niya. Inis siyang napabuntong-hininga at dahan-dahan na bumangon. Wala siyang mapapala sa pakikipag-usap kay Caius dahil halatang hindi ito aalis kahit na magwala pa siya doon.
“Fine, I’m going home.” Nag-inat muna siya bago pumunta sa kanyang mesa para kunin ang kanyang mga gamit. Ilang beses pa siyang napabuntong-hininga dahil inaantok pa rin ang kanyang diwa, iyon siguro ang dahilan kung bakit basta nalang din siyang umatras sa tunggalian nila kanina ni Caius.
As a responsible adult, she checked the plugged wirings first. Pumasok muna siya sa inner laboratory para tingnan ang mag test samples doon at kung nalinis ba ang mga ginamit nilang mga equipment. She rubbed her eyes so many times and even pinched her cheeks to make sure that she’s awake.
Paglabas niya ay natagpuan niya si Caius na nakatayo sa tabi ng pintuan, he’s crossed arms above his chest while staring at her. Tinaasan niya ito ng kilay.
“What?”
“Done?” tumango lang siya at tinakpan muli ang bibig dahil nahihikab na naman siya. Tahimik na nakasunod siya sa lalaki at habang naglalakad ay hindi niya maiwasan na hindi titigan ang malapad na likod nito. She loves his back, she can still remember that comfortable feeling every time she hugs him from the back. Mabilis niyang inilipat ang tingin nang lumingon ito, she giggled silently. “Let’s use my car.” Turo nito sa sasakyan na nakaparada sa tabi ng kanyang sasakyan.
“Another car?” Hindi iyon audi na palagi nitong ginagamit, it’s a Benz this time.
“Hmnn.” Alam niyang mayaman si Caius but she never knew he’s into cars. Iba din ang sasakyan na ginagamit nito sa kanyang mga panaginip. The last four dreams, he used the same car, it she hasn’t seen that one now.
“I am going to use my car, ayokong mag-commute bukas ng maaga.” Tanggi niya sa offer nito.
“You are sleepy.”
“And, I’m a woman.” Kumunot ang noo nito. “I drive safely.” Kahit inaantok siya ay alam pa niya ang kanyang ginagawa. Sarkastikong ngumiti siya kay Caius bago sumakay sa kanyang kotse at pinaandar ang makina. Ibinaba niya ang salamin ng sasakyan. “Chow!” Paalam niya sa lalaki kasabay ng pag-abante niya palabas ng university. Naiiling na napatingin si Caius sa likod ng kanyang kotse. “Ano ang tingin mo sa akin tanga? I learned my lessons, hindi na ulit ako magpapadala sa iyo. I am going to beat you, you freaking destiny my ass.” Inis na ani niya sa sarili at sa kung sinuman ang nakakarinig sa kanya ng mga sandaling iyon.
Napasulyap siya sa kanyang rear mirror upang tingnan kung nakasunod ba ang lalaki sa kanya, unfortunately, with his Benz, he did. Nakabuntot lang si Caius sa kanyang kotse hanggang sa makarating siya sa kanyang condominium building, nasa ground floor ang parking lot space niya at dahil kailangang mga nakatira lang doon o kaya naman ay may special access ang pwedeng makapasok kaya hindi magagawa ni Cai na sundan siya sa loob.
“Good evening, Maam.” Bati ng may edad na security guard sa kanya.
“Good evening din kuya.” Ganting bati niya dito bago makapasok. Bitbit ang mga gamit ay nagtungo si Isla sa elevator nang makaramdam ng panginginig ng sikmura. “s**t, I’m hungry.” Mahinang reklamo niya at bigla naalala si Caius. “He waited for me, kumain na ba ang taong iyon?” nakaramdam naman siya ng guilt, binantayan siya nito, ipokrita siya kung sasabihin niyang hindi niya na-appreciate ang gesture na ginawa nito kahit na inutusan lang ito.
Knowing Caius, he won’t do things against his will. “Isla, ano ba? Pwede bang huwag mo na siyang isipin? He’s a grown man at kasalanan niya kung bakit gutom siya.” aniya sa kanyang sarili.
You should’ve offered him a coffee as thanks. Inis na kinurot niya ang pisngi, dahil ang matinong bahagi ng kanyang utak na pinangalanan niyang Astrid AKA konsensya, ay pilit na pinupukpok ang kanyang hindi matinong utak.
“He’s smart enough to eat when he’s hungry instead of waiting for me to wake up. May pagkain naman sa fridge, pwede siyang kumuha doon.” Again, she defended herself. Tama siya sa kanyang huling sinabi. Nang makalma ang kanyang utak ay tumunog ang kanyang cellphone at napangiti nang makitang number ng Daddy niya ang naka-reflect doon. “Hello, Dad?”
“Nakauwi ka na ba?”
“Yes, nandito na ako sa building.”
“Magpahinga ka, Isla. Baka malaman nalang namin na nagkasakit ka dahil sa sobrang pagtatrabaho mo.” She wants to snort, kapag nalaman ng pamilya niya na dinapuan siya ng sakit ay sigurado siyang may spy na kilala niya na magsasabi ng balita.
“Opo.” She playfully answered her dad. “Oh, by the way Dad. Thanks for the macaroons.”
“Macaroons?” may pagtataka sa boses ng ama.
“Caius bought it to me this morning.”
“Caiu—oh, he asked me your favorite. I told him you like macaroons, he said he wants to give it to you for allowing him to stay in your office.” Natigilan siya sa paglalakad. “You should thank him.” Napatingin siya sa sariling repleksyon sa salamin na kanyang nadaanan at ilang beses na napasulyap. “I need to go now, your mom is waiting for me.”
“Sige po, give my love to Mama.” Pagkatapos kausapin ang ama ay malakas siyang napabuntong-hininga.
See, dapat tinanong mo siya kung nagdinner na ba siya. And Astrid her konsensya pops out making her feel uncomfortable again.