Human Target
(c) kwentong danieloko_ph
Dalawang dekada na ang lumipas magmula nang tuluyang maapula ang zombie virus, isang hindi pangkaraniwang virus na kumitil sa buhay ng halos 3 milyong Pilipino at nagbigay ng matinding banta sa sanlibutan.
Sa tulong ng mga Volunteers o mga taong nagbulontaryo pumatay ng zombie, nasigurado ang kaligtasan ng mamamayang Pilipino at naibalik sa dating maayos na istado ang bansang Pilipinas. Nawala na ang takot na pumapalibot sa buong bayan ng Pilipinas
Tuluyang idineklara ng gobyerno ng Pilipinas na wala nang banta at ubos na ang mga zombie at tinapos na rin ang lockdown. Ngunit umugong ang balitang isinagawa ang pinagbabawal na eksperimentong nilikha ng isang siyentipiko. Eksperimentong matagal ng iminumungkahi upang sulusyunan ang problema. Isang eksperimentong lalabag sa prinsipyo ng tao, pamantayan ng gobyerno at utos ng Diyos.
Pinangagambahan ngayon na baka muling maibalik ang mapanganib na virus dahil sa naging resulta ng eksperimentong ito.Kaya naman ang mga taong napatunayang naging resulta ng ipinagbabawal eksperimento ay ipinapapatay at itinuturing na kriminal ng buong mundo . Sila ngayon ay Human Target at kung sino man ang makapagturo sa kanila ay may pabuyang Isang daang bilyong piso .
Limang klase ipinagbabawal eksperimento.
Iba't ibang resulta.
Iisang koneksyon.
Parehong maaring magligtas o sumira ng sangkatauhan.