CHAPTER TWO

1270 Words
Maaga pa rin siyang nagising kinabukasan kahit pa halos aapat na oras lang ang naitulog niya. Kailangan niya kasing umalis ng maaga dahil may kikitain siyang mga investors. Hindi niya pwedeng palampasin ang mga iyon dahil malaki ang maitutulong nito sa ikauunlad ng kanilang bayan. Kaya pagkatapos niyang maligo ay agad siyang dumiretso ng kusina. Naabutan niya ang ina na abala sa pagluluto.             "Morning Ma!" bati niya rito. Hinalikan niya ito sa pisngi. Lumingon ito sa kanya, matiim ang pagkakatitig nito. Napaatras siya ng i-umang nito ang hawak na sandok sa kanya.             "Saan ka na naman nanggaling at gabing-gabi ka na naman umuwi? Kailan ka ba magtitino, Alejandro?" Maaga tuloy siyang nasermunan nito.             "Ma, naman! It's too early in the morning," he said. Nagtimpla siya ng kape. His day would always start with a cup of coffee kaya hindi maaaring hindi siya magkape bago magsimula ang kanyang araw.             "Naku, Alejandro! Tigil-tigilan mo ako sa mga kalokohan mo, ha! Kapag ito nalaman ng ama mo, pihadong mapagsasabihan ka na naman noon! Kailan ka ba titigil diyan sa pambabae mo?"             "I do have my needs, Ma! And besides, alam na naman nila sa una pa lamang kung ano ang meron sa amin. They don't go beyond their limit!" Tinangka niyang mag-rason ng ina.  Nahampas na nga siyang tuluyan ng ina sa braso.             "Bastos ka talagang bata ka! Tatawanan pa talaga kita kapag dumating ang araw na matututo kang magmahal ng isang babae tapos malalaman mong hindi ka pala niya mahal. Mark my word, anak...tatawanan pa talaga kita!" He just smirked. "That won't happen, Ma."             "We'll see...malay mo nasa tabi tabi lang pala ang babaeng tinutukoy ko." Naglagay ito ng pagkain sa isang plato at ibinigay sa kanya.             "Si Janice?" Ngumiti siya. Masarap lang asarin ang kanyang ina. But he loves her the most. He cherishes her more than anything.             "Iyong malaki ang dibdib ngunit wala namang puwet?" Naibuga niya ang iniinom na kape dahil sa sinabi nito. "Sobra ka naman, Ma!" Inirapan siya ng ina pagkuwa'y mataray na nagsalita, "Bakit? Totoo naman di ba? Naku, bata ka! Huwag na huwag mong dadalhin 'yon dito sa bahay, ha? Malilintikan ka talaga sa amin ng papa mo." Wala naman talaga siyang balak na seryosohin ang babaeng iyon. Not in his lifetime.         "Wala sa plano ko ang seryosohin ang babaeng iyon," sagot niya pagkatapos sumimsim ng kape.          "Kumain ka na nga lang..."  Gano'n lang siguro ang mga ina. Pagkatapos kang sermunan, aasikasuhin at aalagaan ka pa rin. Inubos niya lahat ng inilagay nito sa kanyang plato at tatayo na sana ng may inilapag itong cake sa harapan niya. Itsura pa lang ay masarap na. Sana nga. Dahil ilang beses na rin siyang naghahanap ng cake that will suit his taste pero kadalasan ay maganda lang ang itsura ngunit hindi  naman niya magustuhan ang lasa.         "Dig in, son," sambit ng kanyang ina pagkalagay ng cake sa kanyang harapan. Unang subo pa lang, hindi na agad siya makagalaw dahil sa sobrang sarap noon. Sunod-sunod ang naging pagsubo niya, hindi na niya namalayan na naubos na pala niya iyong dalawang slice na inihanda ng ina. Napangiti ang kanyang ina. "Napakatakaw mo pa rin talaga pagdating sa cake."         "Where did you get this, Ma?" Umiling ang ina. "I don't know either. But it's from one of my friends. Itatanong ko na lang kung saan niya in-order 'yan. I actually love it kaya alam kong magugustuhan mo rin" Tumango-tango siya. "Yeah. It just suits my taste. Masarap."         "Aalamin ko kung sino nag-bake nito. For the meantime, kailangan mo nang magmadali at may kikitain ka pang mga investors. Hindi mo sila pwedeng palampasin at alam mo kung gaano kalaki ang maitutulong nila sa mga kababayan natin. It would create more job opportunities for your people."         "Ang Papa nga pala?" tanong niya. Kadalasan ay gising na ito ng ganitong oras but there was no site of him.         "Maagang lumabas. Maglalakad-lakad daw muna siya." Kinababan siya. "May kasamang bodyguards?"  Hindi niya maiwasang kabahan everytime na lalabas ang ama. Who knows? Baka may bigla na lang umatake rito at gustong saktan ang kanyang ama. Tumango ang ina. "Ayaw nga sanang pumayag pero nagpumilit ako. Aba! Sa panahong ito, mahirap nang lumabas mag-isa lalo na sa klase ng trabaho na meron kayo. And you, baby boy, kailangan mong mag-ingat every time na lalabas ka." Napailing na lang siya ng marinig ang pagtawag nito ng baby boy sa kanya. Even if he's already grown up, it still warms his heart every time she calls him baby boy.         "Tapos na ako, Ma. Tell Papa not to stress himself too much. Hypertension, remember?"         "Eh kung nagtitino ka lang at itinitigil mo 'yang pambabae mo, di hindi mai-stress ang Papa mo sa'yo! Kanino ka ba kasi nagmana? Your Papa is a one woman man at hindi maloko sa babae. How come na naging ganyan ka?"         "I love you, Ma." Hinalikan niya ito sa may sentido at namaalam na aalis na. Kapag ganitong wala nang tigil ang ina sa kasasalita ay hindi na siya umiimik. He love him so much that he's scared that he might say something that could offend her. Ayaw niyang mangyari iyon. Dahil ito lang ang kaisa-isang babaeng minamahal niya. Naabutan niya si Carlo sa labas, naghihintay na sa kanya.         "Where to, Boss?" seryoso nitong tanong. Subalit napatawa siya. Lately kasi ay madalas itong nag-e-english kapag nakikipag-usap.         "Panay ata ang englis natin ngayon ah!" Napakamot ito sa batok. Alanganin ang ngiti. "Mali ba?"         "You're good at it. Ako lang itong nagtataka sa'yo, bakit hindi mo itinuloy ang pag-aaral mo. Nasa huling taon ka na noon sa college ng huminto ka. Bakit ba?" Taka nga siya. He's way older than him. Kung tutuusin ay papasa itong advisor niya dahil sa angkin nitong galing at talino. Masyado lang mahiyain. Kulang sa self confidence kapag ibang tao na ang kaharap. Sumakay na siya sa unahan. Hindi siya komportable na sa likod nakaupo.         "Sa kapitolyo tayo." Kinapa niya ang cellphone ng tumunog iyon. Mrs. Cruz texted him On the way na rin daw ang mga investors sabi nito. He's hoping na sana maging maganda ang kalalabasan ng pag-uusap nila ngayon. Magiging abala din siya sa buong maghapon na ito.Hindi rin niya natapos ang ginagawa kagabi kaya expected na niyang gagabihin na naman siya mamaya.         "Boss?" Nilingon niya si Carlo. Hinihintay niya itong magsalita but he was hesitant.         "Sabihin mo na."         "Okey lang bang hindi ako pumasok ng Sabado at Linggo?" Nahihiya pa ito ng magtanong.         "Why?"         "Kinausap kasi ako ng Papa mo. He wants me to undergo some special training. Pati pag-aaral ko ginawan niya ng paraan." Hindi ito makatingin ng deritso sa kanya. For a seconds ay hindi siya nakapagsalita. Tiningnan lang niya ito habang pinaparada ang sasakyan sa harap ng kapitolyo.         "Gusto mo ba? Baka naman napipilitan ka lang dahil kay Papa. Gusto kong gawin mo ang mga bagay na gusto mo not because malaki ang utang na loob mo sa Papa. Gusto ko, desisyon mo ang masusunod. Tsaka, anong akala mo sa akin? Bata? I can take care of myself, alam mo 'yan! Basta kung saan ka masaya at komportable, okey lang. Tumawa ito. "Salamat, Boss."         "Hindi ko alam kung anong oras matatapos ang meeting ko. Maglakwatsa ka muna.O mambabae kaya?" tukso niya rito. Tawang-tawa siya ng halos mabali ang leeg nito sa pag-iling.         "Wala akong balak gayahin ka! Takot ko lang sa tatay mo!" angil nito.         "Bahala ka." Iiling iling lang ito. Siya naman ay naglakad na papasok ng kapitolyo. Nag-text na kasi ulit si Mrs. Cruz. Kararating lang din daw ng mga investors na kakausapin niya. Pati si Gov. Mateo ay naroon na rin daw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD