Kabanata 33

1542 Words

Tahimik na ang gabi habang tulala si Eeya sa kisame ng silid na kung saan sila nananatili ng kanyang mga kaibigan. Huling araw na ng kanilang bakasyon at sa loob ng dalawang araw na pamamalagi nila ay napakaraming nangyari. Naniniwala pa rin si Eeya na hindi masamang elemento si Zorro. Katulad niya ay nagmahal lamang ito. Batid niyang may basbas si Zorro mula kay Aya kaya naamoy niya ang kabutihan sa kanya. Alam niyang mabait si Zorro at tuon ang atensyon nito sa kagustuhan niyang makasama ang kanyang minamahal. “Sana matupad kung anuman ang hiling niya,” ani Eeya sa isip bago ito pumikit upang matulog na nang bigla na lamang niyang maramdamdan ang paggalaw ng kama sa tabi niya. “Pagod ka ba? Gusto mo bang gamitin ang kapangyarihan ko?” Sa pagmulat niya ay bumungad si Isagani na naka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD