“Magpapakasal… na ba tayo?” may saya man sa puso ay hindi napigilan ni Isagani na magulat sa sinabi ni Eeya. Bagamat iyon ang nais ng sinumang nagmamahalan ay kumirot sa puso ni Eeya ang pagkinang ng mga mata ni Isagani nang magtanong ito. Pilitin man niyang ngumiti ay mas nanaig ang mga luhang nais kumawala sa kanyang mga mata. Marahang umiling si Eeya na ikinabagsak ng mga balikat ng binata. “Ngayon ko lang din nalaman. Si Landon bumalik dito dala niya ang liham na gawa ng mga magulang ko. Pumayag sila na pakasalan niya ako. Hiniling ni Landon ang oo ko.” Gulat ang bumakas sa mukha ni Isagani na hindi lubusang maintindihan ang sinasabi ng dalaga. May kaba sa kanyang dibdib ngunit may sakit din itong kalakip na ngayon lamang niya naramdaman. Batid ni Eeya ang pagbigat ng paligid sa pa

