EPISODE 23 TRAFFIC LARA LAUREEN’S POINT OF VIEW. NASA loob na ako ng ashton martin ni Adler at pinaandar na niya rin ang kanyang sasakyan at naka-focus siya ngayon sa pagda-drive. Walang nagsasalita sa amin ngayon at ang tahimik din ng paligid. Gusto ko sanang magpatugtog ngayon dito sa loob ng kanyang kotse pero nahihiya naman akong magtanong sa kanya lalo na’t nakikita kong parang badtrip ngayon si Adler dahil nakakunot ang kanyang noo at hindi niya magawang magsalita, o ngumiti man lang. Napasandal ako sa aking kinauupuan at napasimangot habang nakahalukipkip. Hindi pa rin ako makapaniwala na tinakot niya ang kaibigan kong si Angelo. Hindi na tuloy ako nakapag-sorry kay Angelo nang bigla na akong hinila ni Adler at pinasok na sa kanyang kotse at pinaandar na niya ito paalis habang n

