EPISODE 64 SECRET ROOM LARA LAUREEN’S POINT OF VIEW. MY DAD DIED. Hindi ko akalain na iniwan na talaga kami nang tuluyan ni Dad, hindi niya tinupad ang gustong kong makita niya pa ang kanyang apo. Wala na kaming magagawa, sumuko na talaga siya at tatanggapin na lang namin ito kahit na masakit. Manhid na ata ako. Ang daming sakit na mga pangyayari na dumating sa buhay ko ngayong taon pero parang nasanay na rin ako ngayon sa sakit. Nandito kami sa memorial chapel kung saan dinala ang katawan ni Daddy. Maraming pumupunta rito na mga kakilala na Dad at mga kamag-anak namin. Merong binigay si Dad na letter para sa akin pero hindi ko pa ito nababasa—ayoko muna itong basahin dahil sigurado akong masasaktan ako nang sobra. Nandito si Adler sa aking tabi at hindi niya ako iniwan. Pagkatapos

