MTDB2: PARANOID

1387 Words

EPISODE 41 PARANOID LARA LAUREEN’S POINT OF VIEW. SINAMAHAN ako ni Isabelle papunta sa Lockwood Hospital upang puntahan si Adler doon. Naiwan na muna ang mga bata sa pangangalaga ni Luke at hindi rin kami mag-aalala sa mga bata dahil may security rin na nakapalibot sa kanilang bahay. “Ate, kumalma ka lang diyan, nanginginig ang mga kamay mo,” rinig kong sabi ni Isabelle habang nagda-drive. Huminga ako nang malalim at pinakalma ko ang aking sarili. Kanina pa malakas ang pagkabog ng aking dibdib sa sobrang pag-aalala kay Adler. Nalaman namin galing kay Alec na hindi pala nakaabot sa Coleman Security Agency si Adler dahil na-aksidente na ito sa daan sa kanyang pinagda-drive na kotse. Mabilis kaming nakarating sa hospital at patakbo rin akong pumasok sa loob at pumunta sa emergency room

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD