EPISODE 38 LONG-DISTANCE LARA LAUREEN’S POINT OF VIEW. BECAUSE of the fear that someone would go to our house and hurt my son and me, I decided to sleep over at Steven and Danica’s house in the meantime. Okay lang naman sa akin kung mag-isa ako dahil kaya kong ipagtanggol ang aking sarili, pero natatakot ako na baka may mangyaring masama ni Ambrose lalo na’t bata pa siya. Ayokong may masamang mangyari sa anak ko kaya mas pinili ko na lang munang makitulog kami sa pamamahay ng kaibigan ko. “Wala ka namang naging jowa, Lara. Sino pa ba ang ibang lalaking lumandi sa ‘yo no’ng nag-aaral pa tayo maliban sa akin?” tanong ni Steven habang nakakunot ang noong nakatingin sa akin. Sinabi ko na rin sa kanya ang totoo, pati na rin kay Danica. Ang nakakaalam pa ngayon tungkol sa sulat ay si Angelo

