EPISODE 13 STUNNED LARA LAUREEN’S POINT OF VIEW. BAKIT dito ako pinapunta sa hotel ni Adler? Anong gagawin namin dito at sa may royal suite pa kami magkikita. Hindi ba pwedeng dito na lang sa may lobby ng Miller Hotel, o hindi na may restaurant? Nakaramdam ako ng kunting kaba. “Ma’am, this way po.” Sinamahan ako ng isang staff kung saan naghihintay sa akin si Adler. Natawagan ko na si Steven at sinabi kong mala-late ako sa aking pag-uwi at kinausap ko rin si Ambrose. Hindi ko na sinabi kay Steven na magkikita kami ngayon ni Adler dahil sigurado akong aasarin na naman ako non kapag umuwi na ako. Tumigil na kami sa paglalakad at nasa harapan na kami ng isang room at sa may pintuan naman nito ay may nakalagay na crown na ginto. Ganito ang mga royal suite ng Miller hotel, masyado nilang

