EPISODE 30 THE BEST DECISION LARA LAUREEN’S POINT OF VIEW. HABANG nagda-drive ako rito sa aking kotse at pauwi na sa aming apartment, hindi ko mapigilan na mapaisip sa sinabi sa akin ni Adler sa phone kanina. Nagmadali na lang ako sa aking pagda-drive upang makauwi na sa apartment. Nang makarating na ako ay agad na akong bumaba sa aking sasakyan at naglakad na papunta sa aming apartment. Pagbukas ko sa loob ay agad kong nakita si Adler at kalaro niya ngayon si Ambrose sa may living room. Si Ambrose ang unang nakapansin sa akin kaya ngumiti siya at tumayo, tumakbo siya palapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. “Mommy Lara!” masaya niyang sabi at niyakap ako ng mahigpit sa aking beywang. Pumantay ako kay Ambrose at hinalikan ang magkabila niyang pisngi. “Did you buy my costumes na M

