EPISODE 10 HELLO LARA LAUREEN’S POINT OF VIEW. “MOMMY! Bakit mo tinawagan si Adler? Hindi mo ba talaga mahintay ang gagawin ko at ikaw na talaga ang tumawag kay Adler? My God, Mommy! I’m sorry kung masasaktan ko kayo sa sasabihin ko pero sumu-sobra na kayo! Naiinis na ako! Palagi ninyong pinapangunahan ang mga desisyon at ginagawa ko! Hindi ba kayo nag-iisip?!” galit kong sabi habang kausap ko si Mommy sa telepono. Nalaman ko kasi na si Mommy pala ang dahilan kung bakit napatawag sa akin si Adler kanina. Pagkatapos tumawag sa akin ay agad na tumawag sa akin si Mommy at masaya pa niyang sinabi sa akin na nakausap na niya raw si Adler at makipagkita na lang ako rito bukas para kausap ang lalaki tungkol sa property namin sa bahay. Hindi ko mapigilan na magalit nang sobra kay Mommy dahil

