EPISODE 56 WARNING: RATED SPG “Ma’am, wala na po ba kayong ipapadagdag sa mga kailangan sa kasal ninyo ni Sir Miller? Pwede pa naman po naming dagdagan kung may gusto pa kayong ipapalagay sa reception, or sa mga designs sa simbahan,” wika ng wedding coordinator namin ni Adler. Nakauwi na kami ni Adler sa Pilipinas at agad naming pinagkakaabalahan ang mga kakailanganin namin para sa aming kasal. Pero bago kami magsimula sa pag pe-prepare para sa gagawing grand wedding namin, nagpa-checkup na muna kami sa OB ko at nalaman kong triplets pala ang pinagbubuntis ko ngayon. Hindi ako makapaniwala nang makita ko sa monitor na tatlo ang nakita namin ni Adler at iyon pala ang mga babies namin ng asawa ko. Sabi ni Adler ay baka heredity ang cause kung bakit twins at triplets ang pinagbubuntis ko d

