EPISODE 1 SWITZERLAND 5 YEARS LATER… LARA LAUREEN’S POINT OF VIEW. ANG sabi ko, magbakasyon lang ako rito sa Switzerland, pero nagulat na lang ako nang bigla akong bumili ng bahay at lupa rito sa lugar na ito at inabot na ako ng limang taon at dito na rin ako nagtrabaho. Masyado akong nahumaling sa lugar na ito at may mga naging kaibigan na rin ako at mabait din ang aking mga workmates sa isang publishing company, isa akong proofreader doon. Dahil dito na ako nakatira sa Switzerland, hindi na ako nakabalik ulit sa Pilipinas at hindi rin ako nakapunta sa kasal ni Isabelle at Luke, nagpakasal kasi ulit sila pagkatapos bumalik ulit ni Isabelle sa Pilipinas galing Canada at nagpropose ulit sa kanya si Luke at nagpakasal ulit sila, may anak na rin sila ngayon. Si Mommy naman ay nanatili na

