Celix POV "Uy ano tatanga ka ba maghapon dyan?" ang sabi ni Peachy sa akin. Wala akong gustong gawin kundi matulog nalang maghapon. Ilang araw din ang nakalipas ng magpainterview sila Herald at Jace sa isang talk show. Di ko alam kung bakit malakas ang epekto sa akin ang mga sinabi nila. Biniro pa nga sila ni Nina kung may relasyon sila pero tinanggi nila ito. _______________________ "So Herald kamusta naman katrabaho si Celix?" ang tanong ni Nina "Hmm... Ok naman siya medyo pasaway siya dahil nga bata pa siya pero kapag nasa eksena na siya ay nagagawa niya ng mabuti ito" ang ngiting sabi nito "One more thing Celix is a good actor may potential siya dito sa showbiz but sabi nga ni Herald may pagkapasaway siya hahaha" ang singit na sabi ni Jace. "What do you mean PASAWAY?"

