Celix POV Parang di ako napapagod sa mga ginagawa namin na interviews para magpromote ng movie. Dahil na din siguro excited ako na mapanuod ng mga tao ang pinaghirapan namin. Ganito pala ang feeling. May halong din kaba dahil baka di panoorin ng mga tao lalo na Manxman ito. "Ok! Ok! Bukas na ang Premier Night ng Jail Love Story" ang sabi ni Ms. Chin nandito kaming lahat sa V studio kung saan nagpatawag ng meeting si Ms. Chin. Ilang linggo din kami walang tigil sa pagpromote ng movie. Kabi-kabila ang guesting at mall show ng Jail Love Stort Casts. "I want to be perfect premier night. Lalo na kayo Herald and Celix. Alam niyo naman ang kalakaran kapag ganitong event. Herald and Celix kailangan ay sabay kayo pumunta bukas sa Premier Night. Well Congrats!!!!" ang masayang sabi ni Ms.

