Chapter 2
Herald POV
Sa panahon ngayon kailangan makipagsabayan sa mga batang artista. Sa mundo ng showbiz walang permanente.
Sa edad kong 30 years old marami na ako karanasan sa showbiz. Dati di ako marunong kumanta at umarte dahil ang kaya ko lang gawin ay pagsasayaw.
Pero nagbabago ang gusto ng mga tao gusto nila multi talented na artista kaya nag-aral ako kumanta at umarte.
Nagkaroon na din ako ng mga concerts, di na mabilang na pelikula at soap opera. Sa edad ko ngayon ay nasa tutok pa din ako ng kasikatan.
Marami akong mga kasabayan na nawala sa ilaw ng showbiz. May mga nagkaanak at karamihan ay napunta sa maling landas.
Di din nawawala sa pangalan kong Herald Dela Cruz ang issue at chismiss.
Oo inaanim kong babaero ako pero maingat naman ako kapag nakikipags*x sakanila.
Nandito ako ngayon sa isang conference room ng V Studio. Nagpa appointment sila sa akin sa kabila ng busy schedule ko ay gumawa ako ng paraan para makapunta dito.
Sa pagkakaalam ko ay may iooffer sila sa akin isang movie project hindi ko pa alam kung ano yun.
"Sorry for waiting Mr. Dela Cruz" ang sabi ni Mam Chin isa sa big boss ng V Studio.
"No Mam its ok."
"Nga pala gusto ko ipakilala sayo si Kiel Santos ang likod sa best selling novel na Jail Love Story" ang ngiting sabi ni Ms. Chin
Nakipagshake hands ako sakanya "Nice meeting you Mr. Kiel Santos"
"Nice meeting you Mr. Herald Dela Cruz." ang masayang sabi ni Kiel
"Ok maupo na tayo at pagusapan na natin ang movie project mo Herald. And wait papunta na si Naomi Kato ang magiging director ng Jail Love Story" ang sabi ni Ms. Chin
Sa totoo lang di ko alam ang Jail Love Story na yan best selling novel pala yun. Wala kase akong oras para magbasa ng mga ganyan novel. Mas gugustuhin ko pang matulog kapag wala akong trabaho.
"Im sorry im late Im Naomi Kato nice meeting you Herald. This is the first time na magkakatrabaho tayo same to you Kiel. And i hope mag enjoy tayo sa trabaho. Ang honestly super super duper saya ko na ako ang napili ni Ms. Chin an magdirect sa novel mo Kiel. Oh My God!!!" ang masayang sabi ni Naomi.
Napakamot nalang sa ulo si Ms. Chin. At kami naman dalawa ni Kiel ay napatawa nalang sa inasal ni Direk Naomi.
45 years old na siya at marami na akong nabalitaan sa kanya na lahat ng ginawa niyang pelikula ay kumita at pumatok sa mamamayan. At ang iba niyang pelikula ay napalabas sa ibang bansa at nakakuha ng mga awards.
Bigla nalang sumeryoso ang mukha nito "Kapag oras ng trabaho kailangan ko ay focus lang sa trabaho. May napansin ako" ang takang tanong niya
"Naomi puwede umupo" ang ngiting sabi ni Ms. Chin. Bigla naman umupo si Direk Naomi. Para talaga siya bata pero kapag nagseryoso na siya ay nakakatakot na siya.
"Nasaan na pala ang ibang cast?" ang tanong ni Direk Naomi
Oo nga noh? Ngayon ko lang napansin mukhang ako lang ang cast na nandito.
"Oh i forgot na si Herald na muna ang kailangan e briefing dahil siya ang pinakainportanteng role sa movie." ang sabi ni Ms. Chin
"So meaning siya na ang magiging Lorenzo natin?" ang tanong ni Direk Naomi
"Hindi. Dahil kailangan niya pang mag-audition" ang biglang sabi ni Kiel
"Naguhuluhan ako. Ano bang nangyayari dito?" ang tanong ni Naomi.
"Sorry kung naguluhan ka Naomi. Ang gusto ni Kiel ay makahanap muna tayo ng isa pang artist para sa isang lead role. As we know ito ay isang boy x boy love story. At gusto din ni Kiel na walang babaguhin na kahit isang salita sa novel niya."
"Oh!" ang nasabi nalang ni Direk Naomi
Natahimik ako sa sinabi ni Ms. Chin. Boy x boy ang story na ito so ibig sabibin lalaki ang makakarelasyon ko.
Napatingin naman ako kay Kiel na nakangiti kay Naomi. Ang gusto niya walang babaguhin sa novel niya. Kung ano ang nakasulat ay yun ang gagawin sa movie.
Buti nalang di pa pirmahan ng contract dahil mukhang di ko gusto tong movie project na ito.
"Ms. Chin narinig kong nasa kabilang room si Celix?" ang tanong ni Kiel
"Yes why?"
"Siya ang napili kong gaganap sa isang lead role ng novel ko. Napanood ko kanina ang interview niya sa isang talk show na gusto niya makuha ang lead role ng Jail Love Story" ang ngiting sabi niya
"Good Hindi na tayo mahihirap na magisip kung sino ang isa pang gaganap sa lead role." ang masayang sabi ni Ms. Chin
Pinatawag ito ni Ms. Chin sa kabilang room at di naglaon ay dumating na ito.
"Celix siguro naman kilala mo na ako. Im Ms. Chin and i wanna meet you Kiel Santos he is the man behind the best selling novel Jail Love story. Naomi Kato ang magiging director ng movie and ofcourse meet the one and only Herald Dela Cruz" ang mahabang sabi ni Ms. Chin
Napangiti nalang ako dahil halata na gulat na gulat ito sa nangyayari. Siya pala ang magiging love team ko sa movie na to.
Umupo si Celix sa tabi ko na hanggang ngayon ay gulat na gulat pa din siya.
"Lets start. Kayo dalawa ay magiging lead role sa novel ko. Pero di ko pa masasabi na kung sino si Lorenzo o Sebastian sa inyo. Kailangan niyo muna mag audition para malaman natin kung sino ang makakakuha sa role ni Lorenzo at Sebastian. And you must be aware na male to male love story ito."
"Opo" ang masayang sabi ni Celix nagulat pa ako sa malakas na pagsagot niya.
Tumango lang ako sakanilang lahat.
"Excuse me Kiel di maari na kopyahin natin mismo ang novel mo dahil baka mawala actually mawawala talaga ang excitement ng manonood dahil best selling novel amg pinaguusapan natin dito meaning marami na ang nakabasa nito kaya alam na nila ang bawat eksena." ang seryosong sabi ni Direk Naomi
Natahimik naman si Kiel. Ako naman ay nakikinig sa kanila.
"Don't worry di masisira ang novel mo dahil ganun pa din naman ang flow ng scene may idadagdag lang tayo." ang ngiting sabi ni Direk Naomi
"Sige payag na ako sa gusto mo. Sana lahat ng mga importante scene sa novel ko ay wag mong alisin" ang ngiti sabi ni Kiel
"Wag kang mag-alala." ang sabi naman ni Direk Naomi
"Herald and Celix are you two of you willing doing a intimate scene. Im talking kissing and bed scene." ang tanong ni Kiel sa amin.
Handa na ba ako sa ganun na pag arte? Kailangan ko ng mag level up dahil baka mapagiwanan ako.
"Tinatanong pa ba yan. Game na game ako. At excited na ako" ang masayang sabi ni Celix
Napangisi nalang ako sa kanya. Nakikita ko sakanya na uhaw na uhaw siyang sumikat.
"Deal" ang sabi ko naman
"Thank you!" ang masayang sabi ni Kiel "next week ang magiging audition niyong dalawa. So be ready. Wait lang nabasa niyo naba yung novel na yun?"
"Opo nabasa ko na po at napakaganda ng flow ng story. Ang galing niyo po Kiel" ang sabi nanaman nitong si Celix
Pasikat talaga tong lalaki na to!
"Im sorry Kiel pero di ko pa nababasa ang story mo" ang sabi ko kay Kiel
Narinig kong "tsk" si Celix pero di ko siya pinansin.
"Its ok Herald. Si Lorenzo ay isang Top guy at si Sebastian naman ay Bottom guy."
Napakunot noo naman ako sa sinabi niya. Anong top? Anong bottom?
"Ehem di po yata alam ni Mr. Herald yung ibig sabihin niyo Mr. Kiel" ang ngising sabi ni Celix
Napatingin naman ako sakanya. Gag* lalaki to! Kabago bago ang yabang.
"Sa mundo ng male to male ang Top ay siya ang tumitira sa isang bottom" ang simpleng sabi ni Kiel
Tang*** !! Ayoko maging Sebastian nakakahiya kung ako ang magiging botton sa amin dalawa.
Tumango nalang ako sakanila. Kailangan kong galingan ang pagarte ko next week para makuha ang role ni Lorenzo at kailangan ko nang bumili ng novel na yun may isang linggo ako para mabasa yun.
"Ngayon palang nakikita ko na ang chemistry niyo dalawa" ang sabi ni Kiel at sumang-ayon naman sila Ms. Chin at Direk Naomi
"May isang linggo kayo para magkakilala sa bawat isa para pagdating sa audition ay di kayo makailangan." ang sabi ni Direk Naomi
Nagkatinginan naman kami dalawa ni Celix at pareho namin binigyan ang isat isa ng isang ngising demonyo.