Chapter 5
Herald POV
Nakatulala lang ako sa kisame ng kuwarto ko di ko pa din ubos maisip kung paano nangyari ang nangyari kanina.
Ang hirap makapagmove on sa ginawa ni Celix o mas madaling sabihin na ginawa namin ni Celix.
Paano di ako nakatanggi?
Paano niya ako napasuko?
Ginusto ko ba talaga ang nangyari?
"Bakla na ba ako?
Iniisip ko palang na bakla na ako parang gusto ko ng masuka pero kanina habang nasa bibig ko ang p*********i niya di ako nasuka o nandiri.
Oo sa una nandiri at natakot ako pero naunahan na ako ng pagnanasa?
Haist....
Sana wag kumalat ang nangyari sa amin ni Celix. Baka ikasira pa ng career ko.
Sa tagal ko sa showbiz ay di na bago sa akin ang mga indicent proposal. Lalo na mga matrona at mga bakla.
Ilang oras na nakaalis si Celix. Hanggang ngayon pilit kong gustong matulog pero di ko magawa.
Di ako nagagalit kay Celix.
Nagagalit ako sa sarili ko.
Kailangan ko ng uminom ng sleeping spills.
Kahit ngayon lang para makalimutan ko ang nangyari kanina.
Celix PoV
Tang***!!!!
Fu*k!!! Fu*k!!!
Hayop!!!!!
Aaaaaahhhhh!!!!!! Put*ng ina!!!!!
Hingal na hingal ako kakatakbo di ko alam kung saan ako pupunta.
Nakarating ako sa isang lugar na park yata ito??
Gabi na kaya di masyado matao dito.
Huminga ako ng malalim. Kailangan ko kumuha ng hangin.
Grabe! Grabe lang ang nangyari kanina.
Panaginip ba to?
Sh*t lang talaga!
Paano?
Paano ko nagawa yun?
Ako ang unang kumilos sa amin dalawa.
Kanina alam kong pinipigilan niya ako pero napasuko ko siya.
I must say ANG GALING ko.
Proud ako sa sarili ko na nagawa ko yun.
Noong araw na natapos kong basahin ang librong Jail Love Story natanong ko sa sarili ko na kaya ko ba ang role ni Lorenzo o kaya si Sebastian man lang.
Masyado kasi malakas at markang marka ang mga papel nila sa bawat isa.
Natakot ako na baka di ko magawa ang trabaho ng maayos. Natatakot ako na ba ka ma type cast ako sa role ko.
Kaya kaninang umaga may naisip ako ng isang malaki at nakakakabang idea.
At heto nga kakatapos ko lang gawin.
Masasabi ko ngayon sa sarili ko na kaya ko.
Sira ulo na yata ako! Di ko mapigilan na matawa sa sarili ko. Dahil aa ginawa kong kalokohan o kabaliwan.
Kaya ko to para sumikat at makilala ako sa buong Pilipinas pati na din sa ibang bansa.
Ito na ang pintuan kaya papasok na ako. Bahala na si Batman.
___________________
"Mukhang ginabi este mukhang inumaga kana yata umuwi kanina lang actually. Kaya tignan mo ang sarili mo. Mukha kang nakatira ng shabu. Hastag shabu pa more" ang sermon ni Peachy
Di naman talaga ako inumaga nakauwi naman ako. Di lang talaga ako nakatulog.
Di ako nakatulog sa sobrang high pa ako sa nangyari kagabi.
"Ikaw Celix kabago bago mo palang sa showbiz gusto mo bang umuwi nalang tayo sa probinsya para magtanim ng gulay at ibenta..."
"Peachy puwede ba ang aga aga. Please lang sumasakit ang ulo ko sa mga walang ka konek konek na pinagsasabi mo" ang asar kong sabi sakanya
"Pasensya naman. Anyway back to business tayo nakatanggap ako ng tawag muna kay Ms. Chin kaninang umaga actually siya ang naging alarm clock ko. Kaloka tong si Ms. Chin aga aga tumawag nasira tuloy ang dream ko. Anyway heto nga may meeting tayo later sa V Studio with Herald, Kiel at Naomi"
"Bakit daw?"
"Juice colored edi doon sa Movie project niyo ni Herald. May Gad!" ang maarteng sabi niya
"May iba pa ba ako appointment ngayon? Kung wala matutulog muna ako" paalis na ako sa pagkaka upo ko sa sofa ng biglang magsalita si Peachy
"Oooppzzz... Saan ka pupunta. Bawal matulog dahil may pictorial ka pa ngayon actually LATE NA TAYO!!!!" ang sigaw niya.
Kaya naman nagmadali kaming naghanda ng gagamitin namin at mabilis kami pumunta sa kotse para pumunta sa location ng photoshoot ko.
"Bat di mo agad sinabi nag salita ka ng salita kanina." ang reklamo ko sakanya. On the way na kami sa location.
"Sorry nemen."
"Kala mo di ko alam na umalis ka din kagabi. Saan ka galing?"
"Ah??? Me?? Umalis???"
"Wag mo kong arte artehan ng ganyan. Nag bar ka noh?"
"Slight lang"
"Haayy kasalanan natin pareho late tayo sa shoot. Kaya bilisan mo nalang magdrive"
"Koya baka ma car accident naman tayo. Nandito na pala tayo" ang sabi nito at agad na lumabas ng kotse para kunin ang gamit namin
Ang bilis naman napatingin ako sa lugar. Napakamot ako sa inis. Ang lapit lang pala ng location sa condo namin.
"Peachy!!!! Pinagloloko mo ba ako. Kala ko naman malayo ang location natin yun pala ang lapit lang"
"Duh! Kahit gumimik ako kagabi di ko pa din pinapabayaan ang trabaho ko sayo because i care my job i care about you"
Napailing nalang ako sakanya. Kaya pala napansin kong di na siya gumawa ng almusal at di nagttxt o tumatawag ang production sa amin.
"Bilis mo dyan Celix ma lalate talaga tayo kapag ng monologue kapa dyan. Gutom na ako. Im sure masarap at sosyal ang breakfast na naghihintay sa atin" ang malanding sabi ni Peachy