HERALD POV "Ano yan promo o totohanan na?" ang inis na tanong ni Jace. Magkatabi kami ngayon nakaupo sa sofa. At nakaakap siya sa akin. Kakauwi lang namin galing sa pictorial. At heto nga ang naabutan namin interview ni Celix sa talk show ni Niña. Di ko akalain na magpapainterview siya tungkol sa video scandal niya. Sana nanahimik nalang siya. Ang tigas talaga ng ulo ni Celix. "Jace selos ka naman?" ang asar ko sabi sakanya. "Syempre! Ang yabang kasi ng g@go na yan kala mo sino!" ang inis niyang sabi Seloso talaga tong si Jace. Natapos ang interview ni Celix sa isang makahulugang sagot. "Di ko alam. Tadhana nalang ang makakapagsabi." Ano bang gustong palabasin ni Celix sa sagot na yun. Wala akong shooting ngayon. Pero si Jace ay meron mamayang gabi pa ang calltime niya

