3rd Person POV Nailipat na si Nianna sa OB Ward. Nakahiga pa rin ito sa kama at wala pa ring malay, habang tahimik na binabantayan ni Kevin sa kaniyang tabi. Hindi maipinta ang lalim ng iniisip at pag-aalala ni Kevin habang nakatitig sa dalaga at sa kalagayan nito. Samantala, sa Emergency Room ay nandoon si Stella at patuloy na binabantayan si Mara habang ginagawan ito ng iba't ibang pagsusuri ng mga doktor. Ilang segundo lang ang lumipas, mabilis na pumasok sina Carlo at Sophia. "Boss, nandito si Mara!" tawag ni Stella nang makita si Carlo na pumasok kasama si Sophia. "Anong sabi ng doktor?" tanong agad ni Carlo na halatang aligaga at pilit na hinahabol ang kaniyang hininga. "Hintayin lang daw muna ang result ng test," sagot ni Stella. Habang nagsasalita si Stella, napansin niyang

